Chapter 37

1.5K 85 10
                                    

(Errol)

Medyo nagiging okay na rin si Ivan kina Dane at David, kaya napapanatag na rin ako. Si Ivan kasi nagseselos kay Dane, eh, ang parang kuya ko lang yang si Dane kahit magkaedad lang naman kami. Full of wisdom si Dane. Marami akong natututunan sa kanya tungkol sa buhay. Siguro dahil sa dami ng mga utak na nababasa niya, kaya ang dami na niyang alam. Pero sabi niya marami sa mga nalalaman niya mula sa ibang taong nababasa niya ang utak nakakalimutan niya rin.

Lagi ko naman ina-assure si Ivan na walang nararamdamang anything romantic si Dane sa akin. Mahal nila ni David ang isa't isa. Nakita ko yun. Nakita ko kung ga'no sila ka-sweet sa isa't isa. Feeling ko nga yung pag-tatalo nila parang paraan na rin nila ng pagpapahayag ng kanilang nararamdaman sa isa't isa.

Mahigit isang linggo na ang dumaan. Kung hindi si Ivan ang kasama ko, sina Dane at David ang kasama ko. Nung mga huling araw nila sa Pilipinas, hindi na yata misyon ang ginagawa nila. Pinasyal na lang namin sila ni Ivan sa mga pasyalan dito sa Metro Manila.

Mas naging abala si Monique. Hindi ko alam kung mas gusto ba niyang kasama si Clark. Ang alibi niya ay inaasikaso niya daw ang pagbubukas ng boutique. Tinatanong ko kung ano yun, ayaw sabihin. Ayaw niya rin ako isama sa uupahan niyang space. Laging may katext at pangiti-ngiti pa. So baka nga mas nagkakaigihan na sila ni Clark. Masaya ako para sa kanya.

Wala na akong narinig mula kay Ate Cindy. Hindi ko alam kung may nangyari na naman bang kakaiba kay Baby Patricia. Tinanong ko siya noon kung may kakaiba rin bang nangyayari sa kanyang panganay na si Chloe. Sabi niya wala raw. Isa yun sa mga iniisip ko lately. Paano kaya nangyari yun?

Sina nanay naman ay mas naging abala rin sa lote namin. Pinakita sa akin ni tatay ang bagong plano ng bahay. Sinabi ko na rin sa kanila ang plano ko na mananatili dito sa Pilipinas. Ikinatuwa nila yun, lalo na ni Ivan.

Ang bait ng nanay ni Ivan. Sa una ay mai-intimidate ka talaga sa kanya dahil ang postura niya, ang bango niya, at iba talaga ang awra niya. Pero magiliw siya. Of course, pag kausap niya ang mga associates niya ay lumalabas ang pagka-aristokrata niya. Minsan ay kinausap niya ako kung may management experience ba ako. Sabi ko yung sa lab lang dati sa Hedgeworth Pharmaceuticals. Gusto niya raw akong gawing manager sa isa sa businesses nila. Kaya lang wala akong alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Sabi niya ire-recommend niya daw ako sa mga kilala niyang may chemical laboratories.

Ngayong araw na ito ay wala sina Ivan. Nasa garden ako kasama si Manang Jean na nagtitrim ng mga shrubs. Dahil sobrang buryong ako at wala akong bagong librong mababasa, tinulungan ko na lang siya.

"Alam mo, Errol, matagal na ako sa bahay na ito. Bata pa yang si Ivan andito na ako. Halos sa akin na lumaki yan."

"Talaga po?"

"Kasi nung mga bata pa sila ni Jed, masyadong busy yan sina Ma'am Daniella at yung nasira niyang asawa sa mga negosyo nila. Kaya yung mga bata lumaki na halos sila lang magkasangga. At ako ang naging magulang nila."

"Manang, kwentuhan niyo naman ako tungkol sa kanilang dalawa ni Jed."

"Mahal na mahal ni Ivan si Jed. Overprotective na kuya si Ivan. Ayaw niya na may umaaway sa kapatid niya. Kilala yan si Ivan dito sa village noon na ginugulpi ang mga nang-aalipusta sa kapatid niya. Ilang beses ngang nasermonan iyang si Ivan ni Sir Ricardo noon."

"Alam niyo ba noon ang tungkol sa sexuality ni Jed?"

"Oo naman. Parang mga anak ko na sila. Wala silang pwedeng itago sa akin. Si Jed bata pa lang siya alam ko na na iba siya kay Ivan. Si Ivan kasi astigin, matikas, lalaking-lalaki kumilos. Si Jed naman..." Ngumiti siya sa akin. "Para siyang ikaw, medyo mahinhin. Medyo pino kumilos. Malumanay magsalita."

Enchanted Series 4: This Is It!Kde žijí příběhy. Začni objevovat