Chapter 21

1.7K 97 11
                                    

(Errol)

"Paano niyo nakuha ang numero ko?"

"Hindi na importante, sir. Huwag po kayong mag-alala. Kakausapin lamang kayo ni Secretary Santos." Friendly naman ang tono ng boses ng assistant ng kalihim.

May misgivings pa rin ako. Hindi ako sigurado. "Paano ko naman kayo pagkakatiwalaan? Hindi niyo nga masabi sa akin kung paano niyo nakuha ang number ko."

"Sandali lang po, sir," saad ng babae sa linya.

Halos isang minuto akong naghintay. Puro static ang narinig ko sa kabilang linya hanggang narinig ko ang bahing.

"Good morning, Mr. Santiago. This is the Secretary of National Defense. I need to talk to you." Malumanay pero authoritative ang tono ng pananalita nito.

"About what, sir?"

"Paumanhin, pero hindi ko pwedeng sabihin sa telepono. Susundain ka staff ko mamayang tanghali." Binaba na nito ang telepono. Seryoso ba siya?

"Sinong kausap mo?"

Napalingon ako. Hindi ko namalayan nasa likod ko pala si Ivan, nakahawak sa sliding door ng veranda. Nailawan ng outdoor light ang kakisigan niya. Lintek na lalaki 'to. Bumubukol pa yung ano niya sa boxers niya. May tinatanong nga pala siya. "Dati kong kasama sa trabaho, nangangamusta lang."

"Ganun ba?" Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Baka may makakita sa atin."

"Yaan mo sila mainggit," sagot niya. "Gusto kita kayakap, eh."

"Higpitan mo, please." Hinigpitan niya nga. Ang sarap.

"Baby," bulong niya.

"Ano?"

"I love you."

"Talaga? Kiss mo nga ako."

Hinalikan niya ako sa leeg. Inamuy-amoy niya ako.

"Nakakakiliti."

"Baby..."

"Ano?"

"Tinitigasan ka." Pigil ang tawa ni Ivan. Gumagalaw kami na parang nagsasayaw ba na ewan habang magkayakap.

"Binabangga mo kasi ang ano mo sa ano ko."

"Baka gusto nilang may mangyari."

"Pasok na tayo," saad ko. Sinunggaban niya ako ng halik pagkasara niya ng sliding door sa veranda. Hinayaan ko na lang din ang damdamin ko at tumugon sa galaw ng kanyang mga labi. Nagpatugtog siya sa tablet niya at sinayawan niya ako. Napaupo na lang ako habang paminsan-minsan ay napapayuko at napapatawa.

Gumiling si Ivan na parang male stripper. Minsan naiisip ko kung dati ba siyang naging male stripper sa isang gay nightclub. Kinuha niya ang kamay ko at nilapat sa dibdib niya at pinadausdos ito patungo sa bukol niya. Hayop talaga.

Bigla niyang hinubad ang boxers niya at sinabit ito sa nakatayo niyang alaga. Tinuloy niya ang pagsayaw habang kinakagat ang labi niya. Inaakit na naman ako, o. kaya nag-iinit ang pakiramdam ko. Muli niyang kinuha ang kamay ko at giniya ito sa pagkalalaki niya. Ang tigas.

Hindi ko napigilan ang sarili kong hampasin ang pwet niya nang tumalikod siya at gumiling. Ang fleshy kasi. Nakakagigil. Ganda ng likod ni Ivan. Sarap kagatin. Pinatay ko ang musika. Napalingon naman siya, pero sinalubong ko ang lingong yun ng halik. Di ko na pinigilan ang sarili ko. Kung saan saan din dumako ang mga himas ko, maging ang kanya.

Oops... Wala munang graphic intimate scenes kasi breakfast na daw.

Hindi ko inasahan sabay-sabay kami nina nanay at ng mama ni Ivan na mag-aagahan. Pinagalitan siya ng mama niya at sinabihang magbihis nang maayos. Natawa yung isa niyang kasambahay, Lindy yata ang pangalan. Pagkabalik ni Ivan ay sabay kaming nag-agahan, at habang nasa mesa kami ay kinausap kami ng mama niya.

"Natawagan ko na si Pastor Gilbert," saad niya habang nagpapahid ng napkin sa labi, "the minister who officiates same-sex weddings." Nakaka- intimidate ang mama niya kahit nginingitian ako nito.

"Di ba bawal yun sa kanila?"

"Hindi naman sila part ng Catholic Church. Ibang denomation sila. Pero hindi na rin mahalaga. At least ma-celebrate man lang natin ang pagsasama ninyo."

"Oo, nga naman," saad ni nanay. "Pero gusto niyo naman ba?"

"Ako, nay, gusto ko. Ewan ko lang dito sa baby ko." Kinindatan ako ng loko-loko.

"Ah, nay, gusto ko rin naman." Sandali akong sumulyap sa mama ni Ivan. "Pero" -- hesitant pa akong tawagin siyang mama -- "ma, hindi ba dapat kami mag-asikaso."

"Ay, I love arranging events. Gawain ko na yan, iho, noon pa." Humigop ito ng kape. De numero kumilos si Tita Daniella. Mama Daniella? Hindi tulad ni nanay na nakapatong pa ang mga siko sa mesa.

"Oh, mga anak, basta bigyan niyo kami ng apo."

Nagtawanan silang tatlo habang kami ni Ivan ay nagtitigan. Ngumisi ang mokong. "Nako, tay." Nagkamot ito sa ulo. "Pa'no kami makakabuo, eh, di pa kami makapagsiping nang maayos nitong asawa ko. Sobrang virgin kasi."

Nagtawanan na silang apat. Hayop na Ivan, pinahiya pa ako. Nagpaalam din sina mama, nanay, at tatay. May pupuntahan na naman daw sila. Tapos babalikan din nila nanay ang lote namin sa Sampaloc. Mukhang abala na naman ang lahat. Naiwan kaming dalawa ni Ivan sa dining table.

"At least may kasama ako dito," saad niya. "Lagi kasi ako nag-iisa dito."

"Paano na yan pag bumalik ako ng Amerika?"

"Susundan nga kita."

"Ivan, paano ang mga business mo?"

"Pwede ko naman I-monitor kahit nasa malayo ako."

"Pero iba pa rin na nandito ka."

"Ayaw mo ba na mas malapit tayo sa isa't isa?"

"Hindi naman sa ganun, pero kapag nandun na ako, busy na rin kami. Baka konti lang din yung time na magkasama tayo."

"At least malapit ako sa'yo. Kesa nandito ako, sobrang layo."

"Ayoko rin kasi ma-compromise mo ang mga negosyo mo dito."

"Hindi ko naman papabayaan. Basta, susundan kita pagbalik mo. H'wag ka na makulit."

"Kung di na lang kaya ako tumuloy? Kung dito na lang ako."

Matagal niya akong tinitigan. Pero nagsalita rin siya. "Di pwede. Sabi mo, di ba, na gusto mo bumalik dun. Yun ang gagawin mo. Nakaprogram na sa utak ko na yun ang gagawin natin, na babalik ka dun, tas susunod ako." Authoritative yata ang tono ng boses niya.

"Galit ka ba?"

"Hindi." Sandaling napako ang tingin niya sa mesa. "Ayaw din kasi kitang umalis. Gusto ko kasi dito ka na lang din. Pero napag-usapan na natin 'to."

"Sorry, Ivan. Minsan indecisive ako."

"Okay lang, baby. Gusto ko rin matupad mo yung mga gusto mo. Ayoko rin maging hadlang sa mga gusto mo gawin sa buhay."

"Salamat, Ivan. Ang swerte ko sa'yo."

"Buti alam mo," malumanay niyang saad.

"May ibibigay nga pala ako sa'yo." Kinuha ko ang maliit na box sa bulsa ko. Binuksan ko ito at pinakita sa kanya.

Nagliwanag ang mukha niya. I mean, sumigla.

"Okay lang ba?" Napakamot ako sa ulo. "Di ko kasi alam kung ano'ng ibibigay."

Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya habang nakatitig sa relos. Tinanggal niya yung suot niyang relos at sinuot yung regalo ko. "Picturan mo nga ako." Ngumiti siya habang tinapat ko ang cellphone niya sa kanya. Tinaas niya ang kamay niya upang makunan ang relos. Ang larawang yun ang ginawa niyang profile photo sa Facebook.

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now