Chapter 3

3K 117 23
                                    

(Errol)

Hindi pa rin ako nasanay sa pagka-naughty ni Ivan. Malambing talaga siya. Mahilig siyang yumakap, mangurot, manghimas, manghaplos. Gusto ko na'ng bumaba kami, pero...

"Dito muna tayo," saad niya habang mahigpit akong niyayakap habang dinadampi ang ilong at labi niya sa batok ko. Nasa ibabaw naman ako na nagpupumiglas.

"Ivan..." Ironic ang nararamdaman ko. Gusto kong tumigil siya, pero ayaw ko rin. Ramdam ko ang naninigas na muscles niya habang parang ni-wre-wrestling niya ako.

"Baby, sabik na sabik ako sa'yo, eh. Two years din akong nagtiis." Ang higpit ng yakap niya. Dinikit niya lang ang pisngi niya sa pisngi ko. Sinasadya niya yatang ikiskis ang matulis niyang balbas na katutubo pa lang sa pisngi ko.

"Baka hinahanap na nila tayo sa baba," saad ko. Gusto kong alisin ang mga kamay niya, pero ayaw ko. Pasensiya na kayo sa irony. Ang higpit ng hawak ko sa kamay niyang nasa tiyan ko.

"Wala sila, umalis." Hinalikan niya ako sa leeg. Inamoy-amoy niya ako dito at sa ilalim ng tenga.

Napapikit ako. "Sa... ahhh." Ang sana'y sagot na namutawi sa bibig ko ay naging halinghing.

"Ano yun?" bulong niya'ng nakakakiliti.

Kinailangan kong ibalik ang wisyo ko. "Saan sila pumunta?"

"Sabi ni Lindy sa property daw namin sa Tanay." Binitiwan niya ako at tumagilid siya sa tabi ko. Pinatong niya ang ulo niya sa kamay niya habang ang siko niya ay nakadiin sa unan. Ang tamis ng ngiti niya. At ang mapupungay niyang mga mata...

Hindi ko matagalan ang pagtitig sa kanya. Naramdaman ko na lang na hinila niya ang baba ko para malamang matitigan ko rin siya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya na wala akong nararamdamang kakaiba sa sikmura at puson ko. Parang dinuduyan ako ng mapupungay niyang pilikmata. Parang tinutusok ng kanyang titig ang sensibilities ko. Napalunok na lang ako.

"I love you." Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa sinabi niya, kundi sa paraan niya ng pagsabi nito.

"I-I... l..." Nautal ako. Hindi na ako nakapagsalita. Napapikit na lang ako nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Mixed emotions ang naramdaman ko. Naramdaman niyo na ba yun, yung parang maiiyak kayo sa sobrang saya at sobrang sarap na pakiramdam? Parang nasa alapaap lang ako.

Napaka-gentle ng paghaplos niya sa pisngi ko. Kinuryente ako ng friction sa pagitan ng bisig niya at braso ko at ng pagkiskisan ng mga balat namin sa dibdib. Nawawala ako sa ulirat habang nararamdaman kong dumidiin sa balat ko ang matigas niyang mga nipples.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalik-halikan niya ito bago niya ilapat sa pisngi niya. Pagdududahan ko pa ba ang nararamdaman niya kung nakapikit siya habang dinadama ang palad ko sa pisngi niya? "Bakit ka umiiyak?" tanong niya nang idilat niya ang mga mata niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko rin alam. "Siguro overwhelmed lang ako."

Kinapa niya ang dibdib ko. Ngumiti siya. Humilig siya sa dibdib ko, ang tenga ay nakadiin dito. Siguro gusto niya pakinggan ang tunog sa loob. Kinuha niya naman ang kamay ko at nilapat sa dibdib niya. Ramdam ko ang tibok ng puso niya na sumasabay sa ritmo ng tibok ng puso ko. Para akong nakikinig ng music. Tinangay ako ng rhythm nito sa kawalan.

Tumigil ang oras para sa amin. Hindi ko pinigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Ito na nga yun. Bakit pa ba ako nag-aalangan? Para na akong engot.

Hinalikan niya ang dibdib ko. Matagal. Masuyo. Tapos hinalikan niya ang noo ko. Bumaba ang halik niya sa pagitan ng mga mata ko, at sa ilong ko. Binuka niya ang bibig niya nang dumako siya sa tapat ng mga labi ko. Ang bango ng hininga niya.

Parang kusang tumugon ang lips ko nang lumapat dito ang mga lips niya. Marahan kong inipit ang lower lip niya gamit ang mga labi ko. Pero hinayaan ko na siyang gumalaw habang pilit kong pinapayapa ang sarili ko.

Pumikit ako habang haplos ng kanyang kaliwang kamay ang kanang pisngi ko. Habang gumagalaw siya ay kumikiskis ang hita niya sa hita ko. Sinasadya niya sigurong ikiskis ang mga binti at paa niya sa mga binti at paa ko rin. Pero ang mas nagpapainit sa akin ay ang pagtama ng mga ari namin na nasa loob pa ng mga salawal namin. Napapahawak na lang ako sa braso niya. Nag-iinit rin ang balat niya.

"Errol... baby," ungol niya.

"Uhmm..." Wala akong nasabi bukod sa halinghing dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Parang may kinakalkal sa loob ko. Parang may pinipisil sa loob ko. Parang may sasabog.

Taimtim ang titig niya sa akin. parang may gusto siyang sabihin. Hinahaplos niya ang buhok ko habang ang mga siko niya ay nasa magkabilang gilid ng balikat ko. Napapapikit kami pareho sa tuwing binabangga niya ang ano niya sa ano ko. Sorry, guys, kung mahalay, pero sobrang tigas ng ano ko. At alam ko yung kanya rin. Masarap pala sa pakiramdam kapag nagtatama sila.

"Bakit?" Napakalambing ng boses ni Ivan this time.

"Wala lang."

"Tumawa ka, eh."

"Kasi parang nagre-wrestling din ang mga ano natin." Nginuso ko ang mga matigas na bagay sa baba.

"Ganun pala, ha." Ngumisi si Ivan habang mas diniin ang bewang sa akin. Dumiin din ang erection niya sa akin. Mas gumalaw siya upang ikiskis ang sarili sa akin habang kinakagat niya ang labi niya. Sini-seduce niya ako.

Hindi ko mapigilan ang mapapikit at mapanganga. Parang mababaliw ako.

Biglang nag-creak ang pintuan. Sabay kaming napalingon ni Ivan.

"Ay!" Dilat na dilat ang mga mata ni Lindy. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya. Pinipigilan niyang tumawa. "Sorry, mga ser..."

"Lindy, ano ba!" sigaw ni Ivan. Bumalikwas siya sa kama.

"Bukas kasi, eh," mahina niyang tugon.

"Ano'ng kelangan mo?"

Dumako ang tingin ni Lindy sa boxers ni Ivan, tapos tiningnan niya ako. Napalunok na rin ako nang dumako ang tingin niya sa bukol ko na agad kong tinakpan ng kumot. "Kasi..." Awkward ang tawa niyang pigil. "Lalamig na ang breakfast."

"Sige na." Hinawakan siya ni Ivan sa braso. "Susunod na lang kami."

"Ser, bakit nakatayo ang mga ano niyo?" Bumungisngis ito.

"Labas na." Natatawa na rin si Ivan.

"Ser, naman. Wala naman akong gagawing masama. Ser, ang laki talaga."

"Oy!"

"Ser Errol, o, si Ser Ivan sinasaktan ako."

Parang hindi ko alam kung paano magre-react. Hinayaan ko na lang sila.

"Ser Ivan, kung ayaw niyo, yong kay Ser Errol na lang." Nagulat ako nang bigla niya akong tunguhin at hilahin ang kumot.

"Uy..." mahinang protesta ko.

"Lindy, lumabas ka na. Parang kang di babae."

Umirap siya. "Hmmm!" bulalas niya. Akmang lalabas na siya nang simangutan niya ako. "Sungit!" bulalas niya ulit sabay dakma sa bukol ni Ivan.

"Nakakailan ka na ngayong araw, ha. Di pa nga 'to napapakinabangan ng misis ko, eh."

"Huy!" Napaigtad ako ng hindi ko namalayang pinasok niya ang kamay ko sa loob ng boxers niya. Sandali akong naparalisa dahil sa nahawakan ko.

"Lalabas na talaga ako." Nagmamaktol siyang tinungo ang pinto. "Basa na panty ko dahil sa inyo."

Ngumiwi si Ivan nang makalabas si Lindy. "Sakit ng puson ko."

Akin rin.

Enchanted Series 4: This Is It!Onde histórias criam vida. Descubra agora