Chapter 36

1.6K 91 10
                                    

(Ivan)

Pagkatapos ng awkward na dinner naming apat ay nagliwaliw kami. Nilibot ko sila sa village namin. Wala naman masyadong nangyayari dito pag gabi. Tahimik. Ito din ang isa sa mga ayaw ko dito. Masyadong tahimik. Parang wala kang kapitbahay. Kaya noon ayoko maglagi dito. Naging excited lang naman ako umuwi dito nung andito na si Errol.

May ilang mga lalaking nagbabasketball sa gym nang madatnan namin. Umalis din sila, kaya naisipan naming apat magbasketball. Pero wala akong gana talaga. Umupo na lang ako sa bench at pinagmasdan silang tatlo. Ilang sandali pa ay tumabi sa akin si Dane. Di ko alam kung bakit. Di ko rin siya nilingon. Di ko rin alam kung ano ang sasabihin sa kanya, eh. Siguro ganun din siya sa akin.

Ibang bola na ang pinaglaruan nina Errol. Gumawa siya ng makislap na orb na dini-deflect ni David gamit ang telekinesis niya. Nakakaaliw tingnan. Ang saya tingnan ni Errol. Yung sigla sa mukha niya, tagal ko ring hinintay na makita ko siyang ganun, at nitong mga huling araw ko lang siya nakitang ganun. Ang aktibo niya tingnan, punung-puno ng buhay.

"He's not coming back to the team."

Napalingon ako kay Dane. Tama ba yung narinig ko? "What?"

"He's staying here for good." Ngumiti siya habang tinitingnan silang dalawa ni David. "He's leaving our agency."

"He didn't tell me he was leaving your team." Dahil ba 'to sa pag-iyak ko nun sa harap niya at pagsabi ko na sana huwag na siya umalis?

"He loves you so much, mate."

"I didn't want him to leave your agency."

"But you don't want him to leave you, too."

"But I was planning to move to the U.S. so I could be nearer to him."

"He doesn't want to be the reason for you to abandon your life here." Tinitigan ako ni Dane. Nakakaintimidate ang blue eyes niya.

Napayuko ako. Sinapo ko na lang ang noo ko. Ano ba kasi yung nasabi ko nung nakaraang gabi? Nagsisi tuloy ako. Ang daming sumagi sa isip ko habang tinitingnan ang masayang mukha ni Errol. "He wanted to work in a lab."

Hindi umimik si Dane. Ngumiti lang siya nang bahagya.

"Before all the crazy shit that took place he wanted to practice his profession. He was a chemical engineer." Nakatitig ako kay Errol habang sinasabi ko ito. Naalala ko yung time na nakasuot lang siya ng lab gown. Naalala ko yung time na nag-uusap kami na sabi niya yun ang gusto niyang gawin. Gusto niya pa rin kaya i-pursue yun? Hindi ko pa siya natatanong.

Gusto ko dito lang si Errol, pero gusto ko rin na tuparin niya mga pangarap niya. Napaka-selfish ko naman kung yung happiness ko lang iisipin ko.

"Maybe he should stay here. No one with a sane mind would willingly work as a covert agent doing risky shit."

Napalingon ako kay Dane na nakatingin pa rin sa dalawa.

"I'm not planning to be a secret agent for Rod forever. I want to go to college. I wanna have a real job in the future."

"What about David?" tanong ko.

"David doesn't have plans. He likes the job. If he wants to be with ISA, that's fine. I can't tell him to not do what he wants to do. I love him." Ngumiti siya habang taimtim na nakatitig kay David na nakikipagharutan na kay Errol. "We love each other." Lumingon siya sa'kin. "But just because we love each other doesn't mean we can control each other's lives."

Napabuntong-hininga ako. Tama si Dane. Tama siya. Muli kong tiningnan si Errol.

"Love should be about freedom. It should be about letting the other person do what they want to do."

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now