Chapter 44

1.6K 90 14
                                    

(Ivan)

Dahil palipat-lipat kami ng resort, mas nakita namin ang ganda ng lugar na ito. At ang mas maganda wala masyadong tao. Hindi kasi peak season. Maganda din ang panahon, kaya tanaw mo talaga ang white sand at asul na beach. Pero ayoko ikwento ang tungkol sa resorts na napuntahan namin. Ang gusto ko malaman niyo ang personal journey namin ni Errol, ang subuan namin ng hipon at pusit habang pinagtatawanan kami nina Diana, ang holding hands namin habang naglalakad, ang mga nakaw na halikan. Daig pa daw namin ang straight na magsyota.

Aaminin ko, minsan tinuturing ko siyang babae, pero alam ko naman na lalaki siya. Hindi rin naman siya asal babae. Iba rin siya, eh. Pero yun siguro ang mas maganda, minsan para kaming magkapatid, minsan parang magtropa, minsan parang mag-best friends (sorry, Erik, hehe), at minsan sweet talaga kami sa isa't isa.

Napa-smile ako habang sinasabon niya ang likod ko. Naliligo kasi kami. Sobrang lagkit kasi ng pakiramdam matapos ang maghapong paglalakad at sightseeing kung saan-saan. Nag-slide ang kamay niya papunta sa tiyan ko at sa nipples ko. Niyayakap niya ako habang nilalaro niya ang mga utong ko. Manyak na siya, o.

Naghaharutan kaming lumabas sa shower. Sobrang tahimik. Wala yata sina Monique sa kabilang kwarto. Pareho kaming nakatwalya. Ang sarap tingnan ni Errol habang tumutulo pa ang tubig sa buhok niya. Ang tingkad ng mukha niya. Ang pula ng lips niya. Shit!

Mainit pa ang pizza at pasta na dinala namin mula sa restaurant. Masyado yatang marahas ang pagbukas ko ng pakete ng ketchup at sumirit sa mukha at leeg ni Errol. Pupunasan niya sana, pero hinawakan ko ang kamay niya. Ngumisi ako habang nilalapit ang mukha sa kanya. Nilabas ko ang dila ko at dinilaan ang ketchup sa pisngi niya. Hindi siya pumalag. Tumawa lang siya nang tahimik. Siniritan ko ulit siya ng ketchup, this time sa dibdib niya. Sinipsip ko ulit. At dahil pilyong malibog ako nilaro ko na rin ang isang nipple niya gamit ang dila ko. May nagalit sa kanya. Biglang tumindig.

"Ikaw, palautog ka na rin talaga, ha."

Marahan niya akong sinuntok. Kumuha siya ng isang pakete ng ketchup at siniritan ako sa mukha. "Dilaan mo."

"Ayoko."

"Baby, naman, eh! Dilaan mo na."

Nilagyan niya lang ulit ako ng ketchup sa balikat at dibdib.

"Oy!"

"Ayaw!"

At dahil sa harutan namin ay natumba si Errol. Buti nahawakan ko siya, pero natapon ang pizza sa katawan niya. Sinecure niya kasi. Inalala pa ng mokong ang pizza kesa sa sarili niya. Loko talaga. Nagtawanan na lang kami.

"Pwede pa 'to," saad ko. "Bagong ligo ka naman, eh." Kumuha ako ng isang slice at kumain. "Sarap. Mmm..." Papikit-pikit pa ako.

"Oy, alisin mo na sa katawan ko."

"Di pwede. Di mo'ko dinilaan kaya magdusa ka." Ngumisi ako. Sinubuan ko siya ng pizza. Matapos niya itong kagatin, kinain ko ang natira sa slice.

Sinimangutan niya ako.

Pinigilan ko naman ang mga kamay niya na alisin ang pizza sa katawan niya. Nasa ibabaw ako ng mga hita niya, kaya di siya makaalis.

"Kailangan na natin magbanlaw uli-mmgg..." Wala na siyang nagawa kundi ngumuya ng pizza.

Nilagyan ko ng ketchup ang pizza na nakausli sa bibig niya habang ngumunguya siya. Naughty thoughts na naman, mga tsong! Yumuko ako at kinagat ang nakausling bahagi ng pizza. Tapos dinilaan ko ang ketchup na natapon sa gilid ng kanyang mga labi.

Ubos na ang pizza.

"Nangangawit na mga paa ko."

Ngumisi lang ako.

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now