Chapter 8

2K 103 25
                                    

(Errol)

Hindi na ako sanay makita ang Santa Cruz na ganito, matao. Ang ilan sa mga bahay ay walang ilaw. Ngunit ang nakakabilib sa mga tao dito ay hindi mo mahahalata na marami sa kanila ay sinalanta ng unos. Ang iba ay nagkukumpuni pa rin ng mga sira. Ang ilan ay nagkukwentuhan sa labas, nagtatawanan. May ilan nagbabarbecue sa labas.

Andoon si Tita Sol sa tapat ng kanilang bahay, nakaupo sa isang silyang gawa sa kahoy, nagpapaypay. Walang ilaw ang kanilang tirahan. May kandila sa loob nakasindi kung saan nag-aaral si Rose na dalaga na.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kung nandito si Erik... Pero hindi ko na dapat inisip ito. Ang kelangan isipin ay kung ano ang dapat gawin. Bakas sa mukha niya ang galak nang makita kami. Malaki ang pinayat niya.

"Errol!" tumili ang nanay ng best friend ko. Mabilis ko siyang tinungo at niyakap.

"Tita Sol, namiss ko kayo. Kamusta na?" Alam kong naiyak din siya.

"Pasok po muna namin itong mga dala namin."

Hindi na namin napansin sina Ivan dahil sa galak naming makita ang isa't isa. "Ikaw ang kamusta na," bulalas niya.

"Okay lang ako."

"Lumaki ka na. Nagkamasel ka na, iho." Kahit madilim malinaw sa akin ang tuwa sa mukha niya habang tinitingnan ang kabuuan ko. "Kung nandito si Erik baka hindi ka na niya makilala."

"Kayo din, tita, pumayat na. Bumata yata kayo."

"Sus, nambola pa ito. Baka sa dilim lang."

"Hindi pa ba naibabalik ang kuryente?"

"Hindi pa." Ginala niya ang tingin sa paligid. "Yung iba merong emergency lights. Pero yung iba may generator. May mga sosyal kasi dito." Natawa siya, tawang namiss ko.

"Kelan daw maibabalik ang ilaw?"

"Hindi nga namin alam."

"Wag kayong mag-alala."

"Ano ba'ng nangyari at nawala ka?"

"Hindi naman ako nawala, nagpahangin lang siguro."

"Mukhang nakabuti sa'yo ang pagpapahangin, gumwapo ka at naging macho."

"Nako, tita, baka sa dilim lang yan." Nagtawanan ulit kami.

"Oy, Errol, so ano na?"

"Ano pong ano na?"

"Kayo na ba?"

"Nino po?" Napaaray ako nang kurutin niya ako.

"Nagmamaang-maangan ka pa." Tumawa na naman si Tita Sol. Nakakahawa ang tawa niya.

"Kasi po..." Nag-iisip ako ng sasabihin habang hinihimas ang parteng kinurot niya.

"Alam mo bang sobrang nalungkot yan nung nawala ka?"

"Lagi ba siya pumaparito?"

"Oo. Sinasabihan ko nga na wag na mag-abala. Kaya naman namin ni Rose."

"Hindi po kami mapapatawad ni Erik kapag pinabayaan namin kayo."

"Kayo talaga. Pero ano na, kayo na ba?" Binangga niya ang balakang sa akin. "Hmmm..."

"Opo," sagot ko. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa kamay.

"Errol, alam mo parang anak na rin kita. Noon sinabi sa akin ni Erik na mahal ka niya, hindi ako tumutol, wala akong alinlangan, kasi alam ko mabait ka at alam ko na malalim ang pinagsamahan ninyo."

Tumulo ang mga luha ko.

"Eh ano naman kung pareho kayong lalaki? Ano naman kung di kayo magkaanak? Yung iba naman diyan hindi rin nagkakaanak, di ba?"

Napayakap ako sa kanya.

"Tita Sol, salamat."

"Pero wala na ang anak ko. Si Ivan nandiyan pa, parang mga anak ko na kayo. Alam ko, nakikita ko sa kanya kung gaano ka niya kamahal. Masaya ako para sa inyo. At sa tingin ko masaya rin si Erik kung nakikita niya kayo ngayon."

"H'wag kayong mag-alala, tita, kahit nasa U.S. kami ni Ivan, susuportahan namin kayo."

"Nako, h'wag niyo na kaming alalahanin. Isipin niyo kayo."

"Hindi po pwede yun."

"Nako, sobra-sobra na ang naitulong niyo sa amin ni Rose. T'saka, kaya naman namin."

"Nay Sol," saad ni Ivan na biglang umakbay sa kanya, "okay na po."

"Kita mo," sagot niya na pinisil ang kamay ko, "ang saya niya, di ba?" Tinukoy niya si Ivan.

"Mother Sol, gusto niyo dito na ako tumira?" Hinawi-hawi ni Monique ang buhok ng ale. "Para may katulong kayo dito, gusto niyo alalay pa sa Carriedo, libreng kain lang okay na ako."

"Sino naman ito?"

"Tita, si Monique yan, dating Manny."

"Ngayon, Monique na." Umikot ito at kumembot-kembot. "Sige na, mother."

"Akala ko bagong kaibigan nila. Hindi kita nakilala. Babaeng babae ka na." Sinipat niya si Monique na naiilawan lang ng kakarampot na ilaw.

"Grabe ka, mother, ha. Kahit noon pa babae na talaga ako. Ang totoo niyan, kami talaga ni Papa Erik noon ang tunay na nagmamahalan." Nagpabebe na naman.

"Palabiro ka pa rin."

"Anong palabiro! Totoo yon. Nagmamahalan kami, mother!"

"Huy." Marahan ko siyang sinuntok sa braso. "Nababaliw ka na naman."

"Ito naman, pang-Cannes na level na yun eh."

"Tita, pwede pagamit ng banyo?"

"Sige iho."

Hindi talaga ako pumunta ng banyo. Lumusot ako sa likod-bahay at naghanap ng poste ng kuryente. Hindi ko alam kung uubra ito, pero sinubukan ko. Nilapat ko ang kamay ko sa kableng kumunekta sa isang transformer. Dumaloy ang enerhiya mula sa akin papunta sa kable.

Naghiyawan ang mga tao. Nagpalakpakan. Hindi ko alam kung hanggang kelan ang epekto nun, pero at least makakatulog sila nitong gabing ito na may ilaw. Sana.

Malawak ang ngiti sa akin ni Ivan nang bumalik ako sa kanila. Naintindihan ko ang ibig sabihin ng ngiting yon. Si Monique naman ay napansin kong panay ang ngiti habang may katext.

"Nay Sol, di na kami magtatagal," saad ni Ivan.

"O, sige na at gagabihin pa kayo." Yumakap akong muli sa kanya. "Mag-iingat kayo."

"Kayo rin po rito, tita. Magtext ka lang kung may problema."

"Sige na, lumakad na kayo."

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now