Chapter 6

2.2K 96 19
                                    

(Ivan)

"Ang angas talaga ng asawa ko!" bulalas ko. Syempre proud husband ako. "Galing makipagsuntukan. Mana sa'kin!"

Umismid naman si Monique. "Hindi mo nga hinabol yung magnanakaw eh."

"Syempre, kasi hindi ko naman napansin kaagad."

"Asuuus, nagdahilan ka pa."

Hindi ko mapigilan ang paghanga kay Errol na bumalik mula sa restroom upang maghilamos. Inalis na nito ang kaninang suot na jacket. Nakaitim na lang ito na t-shirt na medyo hapit. Kaya naman lumitaw ang sexy niyang wangkata. Di ko alam bakit naaakit na ako sa katawan ng lalaki. Pero sa kanya lang naman. Hindi naman ako naaakit sa iba.

"Uy." Tinapik niya ako pagkaupo niya sa tabi ko. "Bakit?"

"Sexy mo kasi." Ngumiti ako.

"Ako ba, Ivan, sexy din?" Nagpapungay ng mata si Monique.

"Oo, naman. Pahawak nga ng boobs mo."

Tinapik ako ni Errol. "Igalang mo ang babae."

Inakbayan ko naman siya. "Gentleman ang baby ko, o."

"Okay lang naman," sabat ni Monique. "Basta ang deal ipahawak mo rin ang sa'yo."

"Chest ko?" asik ko. "O, ba."

Tinapik ulit ako ni Errol, this time sa tiyan. "Para kang walang nobyo."

Napakagat-labi ako habang pisil-pisil ang tenga niya. Masarap pakinggan na ina-acknowledge niyang magnobyo kami. "Sige nga, kung nobyo kita, halikan mo'ko dito."

Hinarang ng mokong ang palad niya.

"Ivan, yummy, ako na lang, o." Ngumuso si Monique.

"Sige, baby, siya na lang hahalikan ko."

"Ay! Oh my God!" Sabik na sabik ang Monique na 'to.

Nagulat ako nang biglang sunggaban ni Errol ang lips ko. Mahigpit ang hawak niya sa mga pisngi ko. Mabilis lang ang halik niya. "Sarap." Nginitian ko siya nang ilayo niya ang mukha niya. "Baby, isa pa." Kinindatan ko siya. Tas ngumuso ako habang pumipikit. Binuka ko ang isa kong mata, tagal niya kasi. "Huy, 'ge nah!"

"Diyos ko! Mga hayop na 'to. Tumigil kayong dalawa!"

Sabay kaming natawa ni Errol. Kinurot ko ang ilong niya.

"Errol," saad ni Monique, "magjacket ka na lang ulit."

"Bakit?" tanong naman ng cute na inaakbayan ko.

"Ang sarap mo tingnan sa suot mo ngayon, promise."

"Hala, magkaibigan kaya tayo."

"Yun nga, eh. Baka kalimutan kong magkaibigan tayo."

"Oy, Monique," asik ko, "diyan ka na lang sa Swiss cucumber mo."

"Nagbibiro lang yan," saad ng syota ko.

Tumunog ang telepono ko. "May dadating tayong kasama maya-maya," saad ko matapos basahin ang mensahe. Syempre, di ko sasabihin sino, para sorpresa. Tang inang sorpresa yan!

"Sino mas sexy sa amin?" muling tanong ni Monique.

"Bakit kelangan ikumpara?" asik ni Errol.

"Nagtatanong lang eh."

"Oh, ito na ang cake at coffee natin." Tinulungan ni Ivan ang waiter niya sa paglapag ng order nila.

"Ang taray! May pa-cake." Halata sa mukha ni Monique na excited siya. "Ano'ng meron?"

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now