Chapter 33

1.5K 77 6
                                    

(Errol)

Nagpaalam ako kay Ivan na sasamahan ko sina Dane sa kanilang assignment. Kahit may pag-aalinlangan pumayag din si Ivan. Magiging abala din kasi siya sa mga negosyo niya.

"Did you rent this car?" tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin. Nasa likod kasi ako. "We borrowed it."

Sumabat naman si David. "He stole it. You thought this guy was a good guy?" Tumawa ito. "He's a bad guy."

"Shut up, David."

Natawa lang si David at muling lumingon sa kanya. "He's taken out groceries without paying for them so many times."

"Hey!" Hinampas ni Dane si David.

Hindi nagpaawat si David. "You think this guy's nice?" saad ulit nito. "He once mind-controlled a guy to suck his dick."

"That guy was you!"

"Aw!" sigaw ni David nang suntukin siya ni Dane sa braso.

Hindi ko alam kung matutuwa sa kanila o ano. Binaling ko na lang ang atensiyon sa labas ng kotse. Medyo nalinis na ang Taft Avenue, pero may ilang kalat pa rin. Nakalbo ang mga puno sa gilid. Ang iba naman ay na-uproot at natumba. May parte ng LRT railway na nasira at bumagsak. Ang isang gilid ng National Museum ay nawasak. Ang natitirang parte naman ay maraming cracks. Basag lahat ng mga bintana nito. Halos nasira talaga lahat ng mga nandito. Nabuwal lahat ng puno sa tapat ng Manila City Hall na kinukumpuni na.

Tumigil kami malapit sa Post Office Building. Sirang sira ito. Nahagip ito ng bumagsak na higanteng baging. Yung malaking sanga ng baging ang tumama sa building. Gumuho ang ilan sa mga columns nito. Ang ibang column naman ay may mga sira. Maraming journo at photographer sa paligid. Kinukunan nila ng larawan ang pagkawasak nito. May mga tagapagbalita pa rin na ang iba ay hindi mga Pinoy.

"Bakit tayo tumigil dito?"

Sabay silang napalingon sa akin habang nagtatanggal ng seat belt. Nakakunot ang noo ni David na muling binalik ang tingin sa kasamang nasa driver's seat. "We should learn Tagalog."

"You should," sagot ni Dane sa kasama. "We need you to do something."

Maalinsangang tanghali ang bumungad sa amin paglabas ng kotse. Matindi ang sikat ng araw.sabay-sabay na nagbalita ang mga reporters.

Tinapik ako ni Dane. "Can you turn off their recording equipment?"

"Why?"

"It'll make my job easier."

"Okay." Tiningnan ko ang paligid. Wala naman akong kailangang gawin. Hindi ko kailangan ikumpas ang mga kamay ko. Kailangan ko lang isiping mawawalan ng power ang mga camera at microphones nila.

Sabay-sabay na sumimangot ang mga reporters at cameramen na nagtataka kung bakit nawala sila sa ere.

"Great!" Tumahimik si Dane na nakadilat sa mga tao. Ginala niya ang tingin at pagkatapos ay pumikit.

Nilapitan ko si David. "What is he doing?"

"Scanning everyone's memories."

"Clear." Muling dumilat si Dane.

"That's it?" tanong ko.

"Cool, right?" Ngumisi si David.

"Wait, how does it work?" muli kong tanong.

"Like what David said, I scan their memories to look for images that shouldn't remain there."

"Like what images?"

"Images of the gods. Their images of us fighting the gods."

"You can do that?"

"Selectively delete memories?" Tumango ang telepath. "Yup."

"He can do anything. He mind-rapes me all the time, makes me bottom for him. This guy is a bastard."

"Shut up or I'll make you strip of your clothes and walk naked." Seryoso ang mukha ni Dane.

Medyo nagulat ako sa kanya. Kulit din kasi ni David, eh.

Pawisan na kami sa paglalakad.

"Why didn't you insist on taking Amanda with us? She would us made this assignment easier."

"She was injured and still recovering. Besides, Kyle would've been a good help, too, but you objected, right?"

Hindi umimik si David. Hindi ko rin maintindihan bakit hanggang ngayon nagseselos pa rin siya kay Kyle. Syempre, hindi ako nagtanong. Private matter nila yun, at nahihiya akong magtanong. Kahit na kasi mahigit isang taon na kaming magkasama, feeling ko bago pa lang sila kakilala. Tahimik na kaming naglalakad, paminsan-minsa'y tumitigil sa kumpol ng mga photographers. Oo, dinagsa na ng photographers at bloggers ang Manila na parang naging relic site na yata. Itong Manila lang din ang nagtamo ng matinding pinsala. Ang mga karatig lungsod ay hindi masyadong naaapektuhan ng pananalasa nina Aeolo at Neptuna.

Hindi pa rin nakukuha ang malaking baging na bumagsak sa tulay na bahagi ng Quintin Paredes Road. Ang balita ko ay pinag-aaralan pa ng DOST at Department of Agriculture kung anong uri ng halaman ito. Sigurado akong hindi nila ito maa-identify. Ang daming photographers kinukunan ng larawan ang giant vine na maraming mga sanga. Dinaganan nito ang gusali ng National Press Club. Parang tatlo o apat na palapag na gusali ang thickness ng baging na tumubo sa tabi ng Gomburza Monument.

Ngunit wala nang tatalo sa kumpol ng mga tao sa Jose Laurel Street. Maraming nakalinyang mga sasakyan. Dagsa ang reporters. Mas maraming mga photographers at ususerong nakamasid sa labas ng nakabakod na na dating kinatatayuan ng Malacanang. Nalinis na ang lugar. May platapormang ginawa kung saan nagsasalita ang spokesman ng pangulo.

Habang nakikita ko ang pinsala sa Manila, para bang mas lalo akong nanlumo. Ilang pamilya ang nadamay, nawalan ng mga tirahan, namatayan. Bilyun-bilyong piso ang halaga ng mga napinsala. Libu-libong bahay ang nawasak. Maraming mga tao ang walang matirhan. Ang masaklap wala man lang akong magawa.

"Hey," saad ni Dane. Hinawakan niya ang isa kong balikat. "If there's one thing you have to remember, if there's one thing you need to keep in your mind, it's the idea that you didn't do anything of this. Stop blaming yourself."

"Yeah," sabat ni David, "don't be too hard on yourself."

"I know. It's just that it's hard to not think about what I could have done."

"You could have done nothing. It took all of us to fight them, but we still lost. Besides, what's the point? We just have to take it from here and learn from it."

"You're right." Bumuntong-hininga ako. Kahit paano napagaan nila ang loob ko. Pero may isang bagay akong gustong sabihin sa kanila. "Dane."

"What is it?"

"I'm not coming back."

"What do you mean?"

Enchanted Series 4: This Is It!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin