Chapter 32

1.5K 85 0
                                    

(Ivan)

Bad trip na ako. Pero napilit ako nina Errol at Diana na tumambay sa bahay nila. Nalulungkot daw kasi. May pinuntahan daw kasi na art exhibit si Julie sa ibang bansa. Kaya nag-iisa siya. Kawawa din naman. Ingay talaga nitong David. Grabe, ang daldal. Tumambay muna ako sa garden nina Diana. Hinayaan ko muna silang apat na mag-usap. Tungkol din naman yata dun sa secret agency nina Errol ang pinag-usapan nila. Ma-out of place lang din ako.

Tumawag na lang ako sa bahay. Si Lindy sumagot. Sinabi ko na gagabihin kami, o baka uumagahin. Nang ibaba ko ang telepono napansin ko na nasa tabi ko na si Dane. Ngumiti siya.

"Hey," saad niya. Umupo siya sa tapat na silya. "I know you're still mad."

"No, I'm not mad anymore."

"Sorry about your shirt." Nadadyahe ang kano. Dapat lang mag-sorry siya dahil nadumihan at napunit ang suot ko. "It's my fault. I'm really sorry. We thought it was a fun idea. Turns out it wasn't."

"It's okay."

"Our training at the ISA is like that. Errol was one of our best trainees there."

Di ko alam kung matutuwa ako o ano. Ibig sabihin kinakawawa nila syota ko dun.

"But we don't intentionally harm our recruits. The goal is not to hurt them, but to train their senses, reflexes, and defensive tactics."

Tiningnan ko si Errol. Masaya siyang nakikipag-usap kina Diana at David. Siguro dun lang nag-sink in sa akin na hindi na siya yung Errol na kilala ko noon. Hindi lang katawan ang nagbago sa kanya maging ang disposisyon niya sa buhay. Hindi na siya yung patpating guro na di umaalma kapag dinuduro o binabastos. Siya na yung lalaking kayang ipagtanggol ang sarili at mga kaibigan. Ang serious ko yata.

"I'm excited to see him back with us doing missions," saad niya na nakatitig din pala kay Errol. "He's probably our most interesting member."

"Interesting? Why?"

"I think he's the only person I know who can do a lot of things."

"What do you mean?"

"He has several abilities."

"He can see the future," saad ko. "That was his first ability."

"He can now see the past as well," tugon niya. "I think his visions transcend time."

Magtatanong sana ako, pero baka di ko rin maintindihan ang isasagot niya. "He can also control the light."

"In our sessions, we found out he couldn't control just the light. He can control the EM spectrum."

Nagkamot ako ng ulo. Ano yung EM spectrum? Accounting ang kinuha ko nung college, eh. "He comes from a family of sorcerers. Hasn't he told you that?"

Umiling si Dane. "I didn't know that." Nabigla ata ang kano. Muli niyang nilingon ang nobyo ko.

"Didn't Diana tell you anything?"

Umiling ito.

"You won't hear him casting spells or making incantations."

"Why not?"

"He doesn't like to." Napansin ko na naman na nakatitig siya kay Errol.

"Isn't he cute?" Mukhang nabigla yata ang gago sa nasabi niya at umiba ng tingin.

"Why did you look at him like that?"

"What do you mean?"

"Do you like him?" May galit ang tono ng pananalita ko. Napasandal pa ako sa mesa habang nilapit ang mukha ko sa kanya. "Man, you have a boyfriend."

Enchanted Series 4: This Is It!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora