Chapter 14

1.9K 91 3
                                    

(Errol)

"Huy." Sinundot ko ang likod niya. "Sino'ng hinahanap mo?"

Namutla siya. Namumula ang mga matang nakatitig sa akin. Walang anu-ano'y niyakap niya ako nang mahigpit. "Putang ina! Putang ina." Umiiyak yata. Gumaralgal ang boses niya. "Sa'n ka nagsuot?" Mahigpit ang hawak niya sa ulo ko. Halos isubsob niya ito sa balikat niya. "Kala ko nawala ka na naman. Kala ko may kumuha na naman sa'yo." Ang higpit ng yakap ni Ivan sa akin. Wala siyang pakialam na nasa labas kami. Wala naman sigurong kumuha ng video namin. Kung meron, ano naman?

"Kalma lang." Hinagod ko ang likod niya. Parang natakot yata. "Sorry, may sinubukan kasi ako." Marahan akong natawa.

"H'wag mo na uulitin." Tumigil siya sa pagyakap at tinitigan ako. "Pinakaba mo ako nang husto." Mahigpit ang hawak niya sa mga braso ko. Nakita ko ang pangamba sa mukha niya.

Tumango ako, medyo nakonsensiya. "Kulit mo kasi, eh."

"Di ko na uulitin. Basta, h'wag ka na mawawala." Niyakap niya ulit ako.

"Gumagalaw na ang mga sasakyan."

Ayaw niya ako bitiwan. Laging hinanap ng kamay niya ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit. Hinayaan ko na lang siya. Wala siyang imik habang nagmamaneho.

"Okay ka lang?"

Tumango siya.

"Sorry. Hindi ko na gagawin ulit."

"Natakot lang ako. Sobra!" Suminghot siya.

Pinisil ko ang kamay at hinalikan ito. "Sorry talaga."

Tumango ulit siya.

"Smile ka naman. Bigla ka na naging serious. Nagi-guilty na ako."

Ayaw ngumiti. Sinundot ko siya sa tagiliran. Umigtad siya. "Uy, mababangga tayo," asik niya.

"Ngiti na."

"Ikaw, nanggu-good time ka na, ha." Bahagya na rin siyang ngumisi. "Manda ka sa'kin."

"Sorry na nga."

"Titirahin na kita mamaya."

"Talaga?"

"Gusto mo?"

"Ikaw."

"Ako gusto ko. Pero kung di mo gusto okay lang."

"Curious din ako kung ano'ng pakiramdam."

Lumingon siya at ngumiti.

"Usapang sex lang pala talaga magpapangiti sa'yo, ha."

"Promise" -- hinalikan niya ang kamay ko -- "I'll be gentle."

"Pag masakit, susuntukin kita." Pinakita ko ang kaliwa kong kamao.

"Magagawa mong suntukin ang gwapo mong asawa?"

"Oo, kapag may nilandi kang chick, uupakan kita."

"Pramis, wala akong lalandiin." Kinurot ako ng hayop sa pisngi. "Ikaw lang."

"Buti naman."

"Sa'n ka nga pala nagsuot kanina? Tinakot mo akong mokong ka, ha."

"Naglaho lang ako."

"May bago kang power?" Nakasimangot siya habang nakatuon ang atensiyon sa daan.

"Wala. Sinubukan ko lang. Kasi di ba yung powers ko magmanipulate at gumawa ng ilaw. Sinubukan ko lang kung kaya kong i-bend ang light rays para di mo ako makita."

"Ano?" Mas sumimangot siya.

"Kasi, di ba, para makakita tayo pumapasok ang light mula sa mga bagay papunta sa mga mata natin."

Nagkamot siya. "Wala ako masyadong maintindihan sa ganyan. Pero, basta, h'wag mo na ulit gagawin yun."

"Oo na. Mangiyak-ngiyak ka na naman, eh. Patay na patay ka talaga sa akin." Humagik-ik ako.

"Ako lang?" Tinama niya ang kamao sa braso ko. "Ako lang talaga?"

"Oo nah! Ako rin."

"Tama ka naman. Patay na patay ako sa'yo. Kaya papatayin kita sa sarap."

"Masarap ba talaga?"

"Gusto mo tikman?" Kumindat ang loko-loko.

"Yan ka na naman." Inirapan ko siya.

"Dito na lang natin gawin, baby." Yung ngiti talaga ng loko-lokong 'to ang nakakapanghina.

"H'wag mo'kong ngingitian ng ganyan, Ivan." Binalik ko tingin ko sa labas.

"Bakit?"

"Baka molestiyahin kita dito," mahina kong saad, habang nakatukod ang baba ko sa fist ko.

"Ha?"

"Wala," mahina kong tugon. Nakangisi.

"Molestiyahin mo lang ako, mahal ko." Kapag nang-aakit 'tong si Ivan, yung boses niya nakakapang-init ng tenga. "Kanina binuyangyang ko na nga, eh."

"Parang ang baboy kasi, dito sa loob ng kotse."

"Maraming gumagawa nun." Sinalubong ng pilyo niyang ngiti ang irap ko. Binasa niya ang labi niya at kinagat.

Umiwas ako ng tingin. Pero... Sige isang hirit pa, Ivan, hindi na ako magpipigil. Hindi na siya nagsalita. Hindi na rin ako umimik. Pinakiramdaman ko na lang siya, paminsan-minsan sinusulyapan. Hindi niya alam tinatablan ako sa mga kapilyuhan niya. Pasimple kong inayos ang bagay sa loob ng pundilyo ko.

"Sabi ko na nga ba, eh." Tumawa ang loko-loko.

"Ano?" Kunyari inosente ako, di ba?

"Sabi ko na nahorny ka rin, eh."

"Hindi ah."

"Ano'ng inayos mo diyan?" Sinundot niya ang pundilyo ko gamit ang hintuturo niya.

Pigil ang tawa ko. "Wala," halos pabulong ko ng sagot.

"Don't worry. Magkikiss ulit ang juniors natin mamaya."

Kindat ang sumalubong sa akin nang lingunin ko siya. Marahan ko siyang sinuntok sa braso. Tawa ang naging tugon niya.

Nakarating kami sa Sampaloc. Nalinis na ang lugar. Si tatay ang namahala sa pagpapalinis sa lugar. Si nanay naman ay nakipagkwentuhan sa mga kapitbahay na pinalinisan din ang kanilang mga lote. May mga nahuhuli akong mga taong panay ang sulyap sa amin ni Ivan. Hindi na rin ako nagpaapekto. Si Ivan panay ang hawak sa akin. Minsan biglang dinadakma ang pwet ko. Minsan bigla akong hinahalikan sa pisngi.

Naisip ko, kelangan ko ba gawin din sa kanya yung ginagawa niya sa akin? Naughty si Ivan. Pero sobrang sweet niya rin. Mahilig siyang manghimas, humawak, manghaplos. Parang na-guilty ako. Hindi ko kasi alam minsan kung pa'no ieexpress ang nararamdaman ko sa kanya. Pero he assured me na okay lang at naiintindihan niya.

Sabay kaming umuwi lahat. Sina nanay dun sumakay kay Tita Daniella. Mama Daniella pala. Si Ivan na makulit hinaharot ako sa kotse. Minsan biglang hinihila ang kamay ko at dinadampi sa pundilyo niya. Manyak talaga. Nakakainis. O, kunyari naiinis ako.

"Namiss kong mag-movie marathon kasama ka," saad niya pagkarating namin sa kwarto niya. "Teka, kukuha ako ng mga chichirya."

Kung ako mahilig magbasa ng mga libro. Siya naman ay mahilig manood ng movies sa leisure time niya. Pero ewan kung nanonood ba kami ng palabas o naghaharutan. Ayan, ang kalat na ng sahig.

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now