Chapter 17

2K 93 28
                                    

Writer's Note: I want you to go to a quiet place. Dim the lights. Settle where you won't be disturbed. And read slowly. Pwede ninyong balikan ang Chapter 16 para mas maramdaman ninyo ang continuity. Namnamin niyo ang eksena please. Play your favorite love song while reading. 

----------

(Errol)

Pagkatapos sarhan ni Ivan ang pinto sa kwarto niya ay ginapos niya ako gamit ang mga braso niya. Niyakap ko rin siya. Walang humpay ang mga halikan namin. Sa unang pagkakataon ay gumalaw ang dila niya. Pakiramdam ko dapat akong tumugon. Bahagya kong binuksan ang bibig ko. Nagtama ang mga dila namin habang naglalapat ang aming mga mainit at basang labi.

Hinubad niya ang suot ko. May hiya pa rin akong naramdaman, pero hinayaan ko siya. Hinubad niya rin ang suot niya. Nagkalat ang mga saplot namin sa sahig. Amoy ko ang pabango niyang dumikit sa balat niya na naghalo na sa natural na amoy niya. Nakakapang-init ng pagkatao.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan, nagngitian. Walang gumalaw sa amin. Parang tinitigan lang namin ang isa't-isa, ang aming kahubdan. Tinunaw ako ng mga tingin niya. Gayunpaman ay nilabanan ko ito.

Kinuha niya ang cellphone niya at may pinatugtog siya. Pamilyar ito sa akin. Ito yung kantang pinatugtog noon nung nag-Valentine's date kami. May kung anong kumislot sa dibdib ko. Sinariwa ko ang mga panahong pinangarap ko siya, noong simple pa lang ang buhay ko, noong ang tanging bumagabag lang sa isip ko ay siya.

Hinawakan niya ang kamay ko. Tinama niya ang noo niya sa noo ko. Kinailangan niyang bumaluktot dahil sa tangkad niya. Dinig ko ang tunog ng paghinga niya habang nagsasayaw kami sa saliw ng musika. Wala kami sa ritmo. Pero wala rin kaming pakialam. Parang kami lang dalawa sa mundo. Huminto ang oras.

Sinandal ko ang baba ko sa balikat niya. Ang sentido ko ay nasa pisngi niya. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Hinigpitan niya rin ang pagyakap sa akin habang kami ay nagsayaw. Naramdaman kong may pumatak sa likod ko, kaya tiningnan ko ang mga mata niya. Dumaloy pala ang luha sa mga pisngi niya. Hindi ko na siya inusisa kung bakit. Ang ngiti niya ay sapat ng sagot. Ang halik niya sa kamay ko ang nagpabatid sa akin ng damdamin niya. Ang mapupungay niyang mga mata ay sapat na upang tangayin ako sa kawalan.

Hinawakan niya ang ulo ko at diniin ito sa pisngi niya. Pumikit ako upang damhin ang sandaling ito. Sobrang saya ang pakiramdam ko. Sobrang ligaya. Sobrang sarap. Nang mamatay ang musika ay tanging mga paghinga namin ang nagbigay ritmo sa payapang gabi. Pwede bang ganito na lang kami lagi?

Napuno ng makislap na puting paru-paro ang silid. Pumagaspas ang mga ito. Nagliliparan. Ang kakatwa ngunit magandang tanawin ang sumurpresa sa akin nang idilat ko ang mga mata ko. Pinadapo ko ang isa sa mga ito sa palad ko at pinakita ito kay Ivan. Pagsibasib sa mga labi ko ang naging tugon niya.

Nag-iinit ako sa tunog ng laplapan ng mga labi namin. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat usal at ungol. Hindi niya ako pinakawalan hanggang sa tangayin niya ako papunta sa kama. Nakagapos kami sa isa't-isa. Napadiin ang hawak ko sa batok niya nang dumako ang mga halik niya sa leeg ko. Napapikit ako sa matinding sensasyong dulot niyon.

Tinulak niya ako pahiga at pumatong siya sa akin. Mainit ang katawan niya. Mainit ang kanyang hininga. Gumapang ang mga kamay ko sa kanyang likurang umindayog sa bawat ulos niya na nagpapadiin sa kanyang ari sa puson ko.

Kinuryente ako ng mga halik niya sa leeg ko. Tumigas ang mga utong ko habang hinihimas niya ang dibdib ko. Wala na akong nagawa kundi pumikit at umungol nang sipsipin niya ang isa kong utong.

Muli siyang bumalik sa paghalik sa labi ko. Para kaming sinilaban. Ang init namin pareho. Niyakap niya ako nang mahigpit. Tangay niya ako sa pagtihaya niya. Tumigil kami sa paghalikan upang magtitigan. Dumapo ang isang paru-paro sa noo niya. Ang ilan ay tumigil sa paligid namin, tila upang manood. Pinaningning ng mga makislap naming panauhin ang kanyang mga mapupungay na mata.

Ayokong isipin niyang siya lang lagi ang gumagawa ng unang hakbang. Gusto kong iparamdam sa kanya ang pagnanasa ko sa kanya na mas tumindi nang iangat niya ang mga braso niya. Sumunod lang ako sa sigaw ng aking diwa na nagsasabing haplusin ko ang buo niyang katawan. Gusto ko itong kabisaduhin. Kaya naglakbay ang mga kamay ko sa kanyang mga braso. Inamoy ko ang kanyang kili-kili habang haplus-haplos ang isa. Hinayaan kong kilitiin ng mga buhok doon ang aking ilong, pisngi, baba, at labi. Pagkatapos, hinilig ko ang ulo ko sa kanyang kaliwang dibdib habang pinaglalaruan ang kanang utong niya.

Wala kaming imikan. Ang mga haplos namin sa isa't isa ang nagpahiwatig sa nararamdaman namin. Hindi ko na pinigilan ang sarili kong dilaan ang isang utong niya. Nilaro ko ito sa pamamagitan ng aking mga labi at dila. Nagpatangay ako sa aking gigil habang nilalasap ang kanyang matigas na nipple na habang sinisipsip ko ay lalong nagpalibog sa akin. Hinanap ng mga palad ko ang mga balikat niya. Ang kanyang mga kamay naman ay nasa balikat ko rin. Ramdam ko sa mga pisil niya ang pagsang-ayon.

Ayoko ng mahiya sa kanya. Nagpatangay na ako sa pagnanasa ko. Pinaulanan ko ng mga halik ang kanyang tiyan habang nilalaro ang manipis na balahibong bumuo ng linya mula sa kanyang pusod patungo sa kanyang ari. Habang himas ko ang kanyang tiyan at pinakiramdaman ang mga sandaling tumitigas ang mga masel dito dahil sa tensiyon ay dinama ko sa aking pisngi ang balahibo niya sa hita. Nawala na sa wisyo ko ang itsura ko ng mga sandaling ito.

Hindi na ako nakipagtalo sa sarili ko kung bakit hinahalikan ko ang matipuno niyang hita, kung bakit banayad kong hinimas ang mga ito. Kung bakit kakaibang kiliti ang naramdaman ko nung dumako ako sa singit niya. Ang kisig ng amoy sa bahaging iyon ng katawan niya. Bumalik ang kaba ko ng makita ang bagay na iyon. Masyadong malapit sa mukha ko.

Bakit nagagandahan ako sa bagay na ito? Bakit naaakit ako dito? Feeling ko isa akong bata na nakakita ng magandang regalo. Sinuri ko ito. Maganda sa malapitan. Nakakaakit. Ang makintab na ulo na para bang tumatango, nangungusap, nang-aanya, habang nakatirik ang haligi nitong dinadaluyan ng mga ugat. Ang haligi nitong matayog na nakatindig sa gitna ng mabuhok na dako.

Napangiti ako sa pag-igtad nito nang dumapo ang paru-paro sa tuktok nito. Winagayway ng marikit na paru-paro ang mga pakpak nito. Dinig ko ang mahinang tawa ni Ivan. Napangiti ako nang ilapat ng makislap na mariposa ang mahaba nitong nguso sa bagay na iyon. Pinadapo ko sa palad ko ang paru-paro at pinalipad ito.

Halata sa mga titig ni Ivan ang pananabik. Napapikit siya ng simula kong himasin ang ari niya. Dahan-dahan akong lumapit dito. Hindi ko ikakailang ang sunod kong gagawin ay matagal ko ng gustong gawin. Kusang bumukas ang bibig ko. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyong naramdaman ko sa pagdampi ng mga labi ko sa ulo ng ari niya. Ganito pala yun. Ramdam ko ang paggalaw ng mga hita niya at ang ilang beses na paninigas ng mga ito, ang paghimas niya sa balikat ko. Parang gusto niya iparamdam sa akin na tama ang ginagawa ko.

Sa paggalaw ko pababa ay nadinig ko ang taghoy ni Ivan at naramdaman ko ang marahang pisil niya sa batok ko. Hindi ako sigurado. Sa pagdausdos ng mga labi ko sa makisig niyang miyembro ay kakaibang kiliti ang dinulot nito sa aking pagkatao. Pinuno nito ang aking bibig. Gusto kong damhin ang kabuuan nito, pero nabulunan ako nang tumama ang dulo nito sa likod ng aking bunganga.

Gusto kong damhin ito sa aking bibig. Gusto ko itong kabisaduhin gamit ang aking mga labi at dila. Gusto kong maging pamilyar sa akin ang mga gulod, lukot, kakinisan, at katatagan nito.

Pero hindi ko alam na mahirap pala. Bakit sa mga nakikita kong mahahalay na bidyo parang napakadali lang? Ilang beses akong muntik na maduwal. Kinailangan kong hawakan ang ibabang bahagi nito para hindi ito tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng lalamunan ko. Pero tinuloy ko. Ayokong tumigil.

Sinulyapan ko siya. Nakabukas ang kanyang bibig. Nakapikit ang mga mata. Ano kaya ang iniisip niya? Nagugustuhan kaya niya?

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now