Chapter 19

2K 92 26
                                    

(Errol)

"Ano naman ang bibilhin mo for him?" tanong ni Monique.

"Wristwatch," sagot ko. Kaunti lang ang tao sa mall. Siguro natatakot pa rin ang mga tao na lumabas. Kung pwede lang ipaalam sa kanila na wala na ang panganib. Pero sabagay, maraming masasamang loob sa bansang ito.

"Magkikita ba kayo ni yummy ngayon?"

"Text nga nang text."

"Hay nako, kayo na ang in love sa isa't-isa."

"Ikaw rin naman, eh, in love."

"Ano?"

"Ah, wala, wala." Dapat hindi ko pala alam. Pumasok kami sa tindahan ng mga relos.

"Hindi ba pangit magbigay ng relos sa kasintahan?"

Kumunot ang noo ko. "Talaga?"

"Sabi nila."

"Hindi ako naniniwala sa pamahiin, eh."

"Baka lang. Ikaw rin."

"Monique, ang dami ko ng nakitang kababalaghan dito sa mundo. Wala ng pwedeng tumakot sa akin."

Hinintay ko siyang sumagot, pero nang lingunin ko siya nakasimangot lang siya sa akin. "Okay ka lang? Ano'ng kababalaghan yang pinagsasasabi mo?"

"Ah, eh, I mean sa mga nababasa ko'ng nobela."

"Ikaw kung anu-ano na yang mga binabasa mo."

Habang pumipili ako ng magandang relos, kinalabit niya ako.

"Kilala mo ba yang lalaki sa labas?"

Nilingon ko ang tinukoy niya na may kausap sa telepono. "Hindi. Bakit?"

"Kanina ko pa yan napapansin. Sinusundan yata tayo."

"Baka crush ka."

Binatukan niya ako. "Siraulo. Chaka niyan."

"Baka nagkataon lang na pareho tayo ng pupuntahan." Pero tinitigan ko ang lalaki. Umiwas ito ng tingin nang magtama ang mga titig namin. Pinagpatuloy ko lang ang pagpili.

"Bakit yan?" bulalas ni Monique. "Dapat mas mahal."

"Ano ako, milyunaryo? T'saka, it's the thought that counts."

"Sabagay."

"T'saka yun si Ivan maporma lang yun tingnan, pero marami sa mga suot nun di branded."

"Oo nga," saad niya na sinandal ang siko sa salamin habang tinititigan ang relong napili ko. "Parang hindi siya mahilig sa mamahalin."

Pagkatapos kong bayaran ang wristwatch ay lumabas na kami. Wala na ang lalaki.

"Ano kayang pwede kong ibigay kay Clark?"

"Sinong Clark?" Kunyari hindi ko alam.

"Ha? Wala, nangungulit lang."

"Ba't ka nag-iisip na bigyan siya ng kung ano kung nangungulit lang?" Hindi ko napigilan ang pagngisi.

"Etchos lang."

"Clark ba pangalan ng lagi mong katext?"

"H'wag ka nga."

Natawa na lang ako. Hindi ko na siya kinulit hanggang makarating kami sa food court. Nagmeryenda kami at pagkatapos ay kinausap ko siya tungkol sa isang bagay na medyo bumagabag sa akin. Medyo lang.

"Nung first time mo ba matira masakit?"

Sumimangot siya at tinitigan ako. Binaba niya ang hawak na salamin at makeup. Lumaki ang mga mata niya at dahan-dahang ngumisi. "Tinira ka na niya?"

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now