Epilogue

2.2K 100 82
                                    

(Errol)

Year 2033

Marami ngang nangyari sa amin, at isa sa mga iyon ay ang patuloy na pakikipaglaban ko kasama ang ibang superhumans sa mga masasamang pwersa. Parang X-Men or Avengers lang? Si Ivan ay nakasuporta lang. Minsan nalulungkot siya dahil sa pagkakawalay namin sa isa't isa. Pero may moral obligation ako sa sangkatauhan. Naks!

Kung hindi ninyo naitatanong, naging parte pa rin ako ng ISA. Si Dane na ang namamahala nito. Nagtayo rin kami ng secret facility dito sa Pilipinas para sa mga taong may espesyal na kakayahan. Kabilang doon ang anak naming si Ervan at ang mga anak nina Ate Cindy at Kuya Bryan at ang anak ni Erik na kapangalan din niya. Kailangan nilang matutunang kontrolin ang taglay nilang kakayahan.

Pero huwag na muna natin sila pag-usapan dahil may sarili silang kwento sa hinaharap. Huwag na nga muna dahil nagmamadali akong makauwi. Sabik na sabik na ako sa kanya. Kaya nang makarating sa bahay ay agad kong ginarahe ang motor. Pagkatapos na pagkatapos kong tanggalin ang helmet ko ay hinanap ko siya sa loob ng bahay na tahimik. Wala siya. Naisip kong tawagan siya. Hindi siya sumasagot.

Umakyat ako sa kwarto. Wala rin siya doon. Tinawagan ko si Diana, pero sabi niya hindi daw sila magkasama. Lumabas ako. Inikot ko ang palibot ng malaking bahay.

At naroon siya.

Sa garden.

Nakaupo sa tapat ng isang cake na may pangalan naming dalawa. Sa tabi ay may mga kandila at wine. Namuo ang mga luha sa mata ko. Tumayo siya at kinuha ang white roses na nakapatong sa mesa. Umiiyak siya. Tumakbo kami papunta sa isa't isa. Inabot namin sa isa't isa ang mga hawak naming bulaklak. Hindi kami magkamayaw sa pag-iyak at paghahalikan. Sobrang pusok ng mga halikan namin. Kung pwede lamang kainin namin ang isa't isa. Mahigpit ang hawak niya sa batok ko. Mahigpit naman ang sabunot ko sa ulo niya habang dinadama ko ang mga labi niya at ang balbas at bigote niya.

"Happy anniversary!" saad niya.

"Sobrang namiss kita." Muli kong sinibasib ng halik ang mga labi niya. Matapos ang mahigit isang buwan na hindi kami nagkita para bang nanibago ulit ako sa sensasyong dulot ng mga labi niya. Ang sarap ng mga labi ni Ivan.

Pero nagdulot din ng ibang sensasyon ang halikang yun. Nag-iinit kami pareho. Oo, ramdam ko talaga ang pananabik niya sa akin. Sobrang higpit ng yakap namin sa isa't-isa. Ang mga himas namin sa katawan ng isa't-isa ay nagpahiwatig ng pangungulila namin. Napapikit na lang ako nang hawakan niya nang mahigpit ang ulo ko at idikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko.

Hindi namin kailangan magsalita. Hindi na kailangan ni Ivan humiling. Sa pagkabig niya sa likod ko ay inikot ko na ang mga binti ko sa bewang niya. Iniwan namin ang cake, candles, and wine sa garden. Pumasok kami sa bahay. Tawanan. Halikan. Himasan. Mabilis ang mga hakbang niya.

Sa pagpasok namin sa kwarto ay agad niyang hinubad ang suot kong MotoSport jacket. Halikan ulit. Tapos sabay naming hinubad ang mga saplot namin, mabilis na para bang wala ng bukas. Tinapon namin kung sa'n sa'ng direksiyon ang mga damit namin.

Muli kaming naghalikan. Ramdam ko ang init ng hininga niya. Ang paghalik ko at pagsipsip sa mabuhok na niyang baba ay nagpahiwatig ng pananabik ko sa kanya. Hindi kami magkamayaw. Tila ba nag-aagawan kami ng pagkakataong mahalikan ang isa't-isa sa iba't ibang bahagi ng aming katawan.

Parehong naghuhumindig ang pagkalalaki namin. Niyakap ko siya nang mahigpit at kiniskis ang sarili ko sa kanya. Ramdam ko ang diin ng mga daliri ni Ivan sa likod ko habang sinisibasib niya ng halik ang tenga at leeg ko. Nakikiliti ako dahil sa balbas niya.

Tinulak ko siya sa higaan at sinimulang dilaan siya sa katawan. Napaungol na lang siya habang himas-himas ako sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Sa pagkagat-kagat ko sa mga utong niya ay napapalakas ang ungol niya at napapahigpit ang diin ng kanyang mga kamay sa balikat at braso ko. Ang mga kamay ko naman ay dumako sa kanyang kili-kili, braso, balikat, at ari.

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now