Chapter 26

1.5K 91 16
                                    

I miss writing in 3rd person POV. Anyway, this chapter is short. If you're familiar with the way I structure my stories, ganun talaga, may mahahabang chapters at maiikling chapters. How are you doing, guys? 

------------------

(Errol)

Ito pala ang itsura ng kwarto ni Tita Cassandra. Gloomy.

"Kahit wala na si ate, we had her room preserved. We didn't change anything here."

"Dito niya ako dinala after ako mabaril ni Lucio." Binulsa ni Ivan ang mga kamay habang ginala ang tingin sa silid.

"Siya ba si Lolo Damian?" Pamilyar sa akin ang lalaki na nasa portrait sa dingding. Nakita ko na siya sa isa sa mga pangitain ko.

"Yes, I only have vague recollections of him when he was still alive."

Tahimik akong nakatitig sa larawan. Magnetic ang titig ng mama. Prominent ang cheekbones niya, pero hindi naman siya payat. Sa tindig niya sa larawan ay parang matipuno siya.

"Anyway, I don't want to keep you here too long. Errol, halika." Hinawakan niya ako sa kamay. May pinindot siya sa likod ng book shelf sa sulok ng silid ng kwarto ni Cassandra. Bumukas ang pinto tungo sa isang kwarto. Pinindot ni Diana ang isang switch at nagliwanag ang silid. "I cleaned this room myself. Hindi ko pwedeng iutos sa mga katulong. No one else should see this room."

"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ko. May mga garapon na kung anu-ano ang laman -- butiki, gagamba, mga ugat, abo, o mga tuyong dahon. May malaking kaldero sa gilid. May mesang bilog sa sulok. Sa ibabaw nun ay may malaking kahon na may mga disenyong hindi ko maintindihan kung ano.

"Dito ginagawa ni ate noon ang mga orasyon niya."

"Oo nga pala, 'no?" Nagkamot si Ivan ng ulo. "Hindi niyo ba inaral bumigkas ng spells?"

Nagtama ang mga tingin namin ni Diana. Sabay kaming umiling.

"Sayang," saad ni Ivan.

"Never liked the idea," sagot ni Diana. "The thought of witchcraft freaks me out."

"Ayoko rin." Amoy ko ang naghalong amoy ng kandila at langis. "Bakit tayo nandito?"

Binuksan ni Diana ang kahon. May maliit na libro sa loob. Lumang-luma na ito. "I think you should see this."

Kinuha ko ang libro. Magaspang. Amoy amag na ito. "Parang masisira na ito kapag binuklat ko." Maraming nakalagay sa loob tulad ng mga orasyon, mga dasal, mga paraan sa paggawa ng potions, at kung anu-ano pa. "Ano'ng gagawin ko dito?"

"Honestly, I have no idea. I just thought na baka gusto mo itong makita, considering namana natin ang magical abilities ng angkan natin."

"Diana, hindi ako interesado dito." Binalik ko ang libro sa kahon.

"Bakit, baby? Sayang naman ang pagiging sorcerer mo kung di mo magagamit."

"Magagamit saan?" Nilingon ko si Ivan.

"Sabagay. Ikaw bahala."

"Then I guess I'll just have to keep this here." Sinarhan ni Diana ang kahon. "At least, I let you know. Ayokong someday isumbat mo sa akin na nilihim ko sa'yo ito."

Umiling ako. "Kahit noon pang nagkikita kami ni lolo, hindi naman ako naging interesado. Nagkataon lang na nasadlak ako sa mga nangyari."

"Sabagay, with the abilities you have, hindi mo na rin kailangan."

"T'saka, nakakakilabot kaya yung libro."

"Oo nga, eh." Hinimas ni Diana ang sariling mga braso at inikot ang tingin sa kwartong di kaaya-aya ang itsura. "Tara na."

Enchanted Series 4: This Is It!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang