Chapter 16

1.9K 112 35
                                    

"Di ba si Monique yun?" tanong ni Ivan habang mabagal na nagmamaneho. "Akala ko ba may hinihintay siya dun sa loob?"

Sinilip ko. Si Monique nga. May lumapit na lalaki sa kanya. Nag-usap ang dalawa. "Parang kilala ko yang kasama niya."

"Kilala mo yan." Humagalpak ng tawa si Ivan.

"Ano'ng nakakatawa?"

"Basta. Sundan natin yung taxi na sinakyan nila."

"Ba't natin susundan?"

"Basta, malalaman mo." Galak na galak pa itong loko-lokong ito.

Sinundan namin sila. Dahil nakakakita ako nang malinaw kahit sa gabi, madali namin silang nasundan. Bumaba sila sa Quezon Memorial Circle.

"Errol, gawin mong invisible tayo."

"Bakit?"

"Para di nila tayo makita."

Parang exciting nga. Bumaba kami ng kotse.

"Sige na, gamitin mo na ang powers mo."

"H'wag kang maingay at nagko-concentrate ako."

"Paano mo ginagawa?"

"Kapag inaactivate ko ang light manipulation powers ko, parang nakikita ko yung mga photons."

Nagkamot si Ivan ng ulo. "Ano yun?"

"Yung light particles. Pinapatagos ko sila sa katawan natin ngayon. Sumusunod sila sa gusto ko, eh."

"Ang cool talaga. Tapos ano'ng epekto?"

"Di ba, nakikita natin ang mga bagay sa paligid kasi tinatamaan sila ng ilaw tapos nirereflect nila ang ilaw na nahahagip ng mga mata natin. Yun yung rumerehistro sa mata natin. Kung walang tatama na ilaw sa mga bagay, wala tayong makikita. Kung wala ring rumireflect na ilaw mula sa mga bagay, wala silang makikita."

"O, sige na. Gumagana na ba?"

"There's only one way to find out." Sinundan namin si Monique at ang kasama niya.

Winagayway ni Ivan ang kamay sa bawat taong nakasalubong namin. "Epektib pala. Ang cool mo talaga, baby."

"H'wag ka ngang maingay diyan," bulong ko.

Tumigil sila sa tapat ng water fountains malapit sa Trylon Monument. Kaunti lang ang tao, siguro dahil takot pa rin sa nangyari kamakailan. Dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa dalawa. Hindi ko na inusisa ang sarili ko kung tama ang ginawa namin. Tinangay na kami ng thrill ng sitwasyon.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong ni Monique sa kasamang lalaki.

Natandaan ko yung mama. Yun yung kasama ni Ivan sa convenience store niya. Si Ivan tawa nang tawa sa gilid ko.

"Gusto lang kita makausap, makilala."

"Kaloka ka, Clark, ha. Di ba nga sabi ko sa'yo hindi ako tunay na babae?"

"Kapag ba hindi tunay na babae, hindi pwedeng kaibiganin?" Binulsa ni Clark ang mga kamay.

"Hindi ka ba naiilang na ako ang kasama mo?"

"Bakit naman ako maiilang?" Inakbayan ni Clark si Monique.

"Di ba nga transgender ako?"

"O, tapos?"

"Nako, diretsahin mo na ako. Kung gusto mo datung, wala ako niyan ngayon. Actually, meron pero ... kasi gusto ko patunayan sa kaibigan ko na kaya ko magbago."

"Anong datung pinagsasasabi mo?"

"Datung, pera."

"Grabe, ganun ba tingin mo sa aming mga lalaki, peperahan ka lang?"

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon