Chapter 29

1.9K 96 56
                                    

(Errol)

Nakumbinsi ko rin si Ivan na umalis sa bar na yun. Mas gusto ko tumambay sa tahimik. Siya rin naman ay naumay na rin sa lugar. Kaya heto kami sa tabi ng Manila Bay. Hindi na makilala ang lugar. Wala na yung dating Roxas Boulevard. Ang dating kahabaan nito ay naging matayog na dike na gawa sa nagsamang tipak ng mga semento, tumigas na lupa, at malalaking bato. Yung mga buildings malapit sa dagat sira na, yung iba gumuho.

Medyo madilim ang lugar. Ang mga katabing gusali kasi ay walang mga ilaw. Ang iba ay kinukumpuni pa. May nakausli pang mga poste sa ilang bahagi ng irregular at baku-bakong dike.

"Nakakainis." Nakapamewang si Ivan habang tinatanaw ang hindi maayos na lugar. "Tambayan ko ito, eh."

"Masyadong nawasak ang lugar na ito." Sa aming paglalakad ay may mga nakasalubong kaming malamang ay nakatira malapit doon. May mga dala silang buslo. May mga mag-anak na kinukumpuni ang mga nasirang bahay. "May magic spell kaya dun sa aklat na magagamit ko para matulungan sila?"

"Pa'no natin malalaman, eh, di mo naman kinuha yung aklat?"

Wala akong maitulong sa kanila. Ano ba naman ang magagawa ng powers ko? Bigyan sila ng orbs? Ano ba ang pwede gawin? Minsan hindi ko talaga alam kung swerte o malas ang magkaroon ng kapangyarihan. Naalala ko ang sinabi ni Dane. Minsan ayaw niya ng kakayahan niya. Naiintindihan ko siya.

Isang kakatwang tanawin ang nagpatigil sa amin ni Ivan. Isang barko ang nakatagilid malapit sa isang maliit na gusali. Nayupi ang maraming parte nito. Basag ang mga bintana nito. Ang ilan sa mga metal plates ay natuklap. Tumilapon yata ang isa sa elise ng barko. Nasa ilang metro ito mula sa pwetan ng barko.

"Parang ghost ship," saad ni Ivan na sinusuri din ang kabuuan ng nawasak na navy ship. "Sa tingin mo inanod ito?"

"Mukhang bumagsak, eh. Tingnan mo yung itsura niya. Maraming nayupi na mga bakal."

"Tingin mo gawa ng mga elemento?"

"Malamang." Mabagal ang paglalakad namin. Dahil tahimik ang lugar na yun, di gaya ng kadalasan, dinig ko ang mga yapak namin. Mahina ang simoy ng hangin. Dinig ko ang tunog ng mga alon sa dalampasigan sa kabilang dako ng dike kung saan nakasandal ang nasirang bapor. Umalingasaw ang amoy ng krudo sa paligid. "Alis na tayo dito."

May ibang plano yata siya. Bigla siyang umakyat sa isang butas papasok. Wala siyang pakialam kung madumihan ang polo niya.

"Huy, ano'ng gagawin mo?"

"Samahan mo ako."

Wala na akong choice kundi sundan siya. Di ko alam kung anong parte ng barko ang pinasukan namin. Wala naman akong alam sa mga barko. Pero magulo ang silid. May mga damit. May mga instrumento, mga baril, at kung ano pang kagamitan. Nakatapak kami sa dingding na naging sahig dahil sa pagkakatumba ng barko. "Ano'ng ginagawa natin dito?"

"Madilim." Nakatalikod siya sa akin. Gumagalaw ang mga braso niya. Di ko makita ang kamay niya na nasa harap niya. "Magpailaw ka naman."

"Ayoko nga." Alam ko na yata ang ginagawa niya. Naghuhubad ang manyak na nobyo ko. Mukhang alam ko na ang plano niya. "Akala mo di ko nakikita ang ginagawa mo, ha."

Hiwalay na ang mga butones ng kanyang polo niya nang humarap siya. Dumampi ang palad ko sa ibabang bahagi ng tiyan ni Ivan. Kiniliti ng pinong buhok sa bahaging ito ang mga daliri ko. "Gawin mo na ang trick mo." Masuyo ang boses niya. Boses sex na naman ang loko-loko.

"Ayoko," bulong ko habang hinuhubad ko ang suot niyang pang-itaas. Nakikita ko ang katawan niya. "Ano'ng binabalak mo?" Nagpaka-naughty na ako. Pinagapang ko ang mga kamay ko sa katawan niya at kinurot ang magkabila niyang utong. Laging matigas ang mga utong niya.

Enchanted Series 4: This Is It!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum