Chapter 9

2.2K 100 31
                                    

(Ivan)

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Daniella.

"Namasyal kami kasama ang mga dating kaibigan."

"Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa, ma."

"May pagkain pa sa kusina. Ipapainit ko na lang kay Lindy."

"Wag na, ma. Kami na ni Errol bahala. Maabala pa sila."

"Errol, iho, kamusta?" Hinawakan ni mama ang pisngi ng asawa ko. Ewan pero kinilig ako. Tanggap na tanggap niya talaga.

"Okay lang po, tita."

"Ano ka ba? Call me ma or mom."

Umakbay ako sa nobyo ko. "Sabi ko sa'yo, eh."

"Ah, nasaan po sina nanay?"

"Actually, hinihintay namin kayo."

"Bakit po?"

"May konti tayong pag-uusapan."

Nagtinginan kami ni Errol. Nasa sala ang parents niya. Matapos namin magmano ni Errol kina Tita Celia at Tito Gary ay umupo kami.

"Pinag-uusapan kasi namin kayo," saad ni Daniella na nagta-tsaa.

"Ano ba'ng plano niyo, anak?" Sandaling tiningnan ni Tita Celia si Errol at pagkatapos ay tiningnan niya ako.

"Ma, susunod ako kay Errol sa Amerika pag balik niya."

Nagtinginan silang tatlo.

"Hindi kami tututol," saad ni Mang Gary. "Basta kung ano ang gusto niyo, nakasuporta lang kami."

"May balak ba kayong magpakasal?"

"Nay," sagot ni Errol, "kasi wala namang kinakasal dito na parehong lalaki."

"Well, nagtanong-tanong ako. Meron. Hindi nga lang legal, so it won't be recognized. Pero it's the ceremony that counts. Ang tanong, gusto niyo ba magpakasal?"

Hinawakan ko ang kamay ni Errol. "Ako, gusto ko." After three years, siguro kilala ko na kung sino yung gusto ko makasama for the rest of my life.

Tumango si Errol. Ngumiti siya. Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"I'll arrange your wedding," saad ni mama.

"Siya nga pala, Errol. Binabalak namin ng tatay mo na magpatayo ulit ng bahay sa dati nating lote kapag nalinis na. Atin pa rin naman yon."

"Magandang idea yan, nay. Kelan niyo po sisimulan. Siguro sa susunod na linggo."

"Ayaw niyo ba manatili dito, nay?" Naki-nay na rin ako. Napangiti tuloy si Nanay Celia. Nanay ko na rin naman siya eh.

"Hindi naman sa ganon, anak."

Anak na talaga nila ako. Mag-asawa na nga talaga kami ni Errol.

"Property din kasi nila yon," sabat ni Daniella. "Baka gusto niyo ng kumain."

Tumayo na silang tatlo at tinungo ang mga silid nila. Naiwan kami ni Errol na nagngingitian sa sala. Ikakasal na kami wala pang nangyayari sa amin. Sabay kaming kumain, nagkulitan sa mesa. Marami tuloy nasayang na pagkain. Maghahating-gabi na nang tumungo kami sa bedroom.

"Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang nangyayari lahat ng ito." Nakatitig siya sa kisame.

"Ako rin nga eh." Nilagay ko ang mga kamay ko sa ilalim ng ulo ko at tumitig na rin sa kisame.

"Ivan, hanggang kelan mo ako mamahalin?" Seryoso ang tono niya.

Hinanap ko ang kamay niya at pinisil ito. "Hanggang sa kabilang buhay."

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now