Chapter 31

1.5K 98 5
                                    

(Errol)

Hindi ito isang pangitain dahil pati si Ivan ay nakikita ito. Isang galamay ang muling humampas sa gilid ko. May hindi pangkaraniwan sa tagpong ito, at hindi ang higanteng pugita ang tinutukoy ko. Habang lumagiti ang mga bakal na ginapangan ng mga galamay ng pugita ay napalingon ako kay Ivan. Nakita ko ang takot sa mukha niya. "Takbo! Ako na ang bahala dito."

"Hindi." Para bang gusto niyang sabihin na sumama na ako sa kanya sa pagtakbo. Pero kailangan kong ituon ang atensiyon ko sa halimaw na ito. Napaatras ako nang muling lumagapak ang isang galamay nito malapit sa akin. Nag-vibrate pa yata ang lupa sa tindi ng paglagapak ng galamay na ito. Creepy! Yung tentacles niya bumubukas at sumasara. Nakakakilabot!

"Errol!" sigaw ni Ivan na biglang lumundag. Nasa likod na niya ako. Pumwersa siya na parang may pinipigilan.

Nang iangat ko ang tingin ko doon ko nakita ang kahindikhindik na tanawin. Nakahawak si Ivan sa isang galamay ng octopus na ang mga tentacles ay parang kakainin kami. Ang bawat tentacle ay parang may mga maliliit ng ngipin na gumalaw na parang ngumunguya nang kung ano. Agad kong niyakap si Ivan at tinulak siya. Pareho kaming nadapa. "Okay ka lang?"

"Okay la --" Biglang gumulong si Ivan. Naiwasan namin ang paghampas ng isa pang galamay. "Ano na naman kaya ito?"

"May hindi tama dito, Ivan."

"Ano?" Hiningal siya. Mabilis kaming tumayo, nakamasid sa nagsasayaw at gumagapang na mga galamay.

"Tumatagos ang paningin ko sa katawan ng pugita."

"Hindi naman, eh." Hinila niya ako papalayo sa isa pang galamay na pumuntirya sa amin.

Nalito ako. Baka naman dahil lang sa powers ko. Pero hindi. Opaque ang lahat ng bagay sa paningin maliban sa pugita. "Parang isang illusion."

"Ano?"

"Dito ka lang."

"Di pwede."

"Dito ka lang, Ivan! Huwag kang makulit!"

"Errol!" sigaw niya nang tumama sa akin ang galamay ng halimaw.

"Tama ako." Tumagos ang katawan ko sa galamay. "Sinasabi ko na nga ba. Sino ang may gawa ng ilusyon na ito? Magpakita ka!" Hinarap ko ang dambuhala. "Hindi ka totoo." Kinumpas ko ang mga kamay ko. "Kung isa kang aparisyon, isa kang anomalya ng liwanag, kaya kitang kontrolin." Dahan-dahang naglaho ang pugita.

"Errol, ano'ng nangyayari!"

Hindi ko muna nilingon si Ivan. Pinalabas ko ang mga butil ng liwanag mula sa mga kamay ko. May pumigil sa mga itong kumalat. Parang pamilyar sa akin ang pwersang ito. Pumwersa ako upang itulak pa ang mga butil ng liwanag. Ilang metro mula sa akin ay may parang isang impenetrable space na iniiwasan ng light particles ko. "Magpakita ka!"

Sinugod ko ito. Kung sino man ang nilalang na ito ay may kapangyarihan siyang ikubli ang sarili sa ibang tao. "Kaya ko rin ikubli ang sarili ko." Malapit na ako sa impenetrable spot na yun nang bigla kong maramdaman ang pwersang pumigil sa akin. Parang may higanteng lobo na pumigil sa akin at ilang sandali pa ay nagpaatras at tumangay sa akin. Mabilis akong nakabalanse habang nakahawak sa lupa.

"Errol!"

"Ivan, diyan ka lang!"

Natigilan yata siya nang umilaw ang mga mata ko.

Muli kong tinuon ang atensiyon ko sa di makitang kaaway kasabay ng pagpapa-invisible ko sa sarili ko. Bakit di ko ito makita? Dapat nakikita ko ito? Nakakakita ako sa dilim. Nakikita ko ang iba't ibang uri ng light. Wala akong makitang infrared signatures mula sa init ng katawan nito. Muli akong tinangay ng pwersa.

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now