Chapter 24

2K 94 27
                                    

(Ivan)

"Bakit dito ka natulog?" Nagkamot ako ng ulo.

"Galit ka pa kasi," mahina niyang saad. Hindi ko siya matiis.

"Hinihintay kita sa taas."

"Ibaba mo na ako, Ivan."

"Di na. Buhat na kita, eh." Binuhat ko nga siya paakyat. Hindi ko alam kung naiilang ba siya.

"Galit ka pa ba?"

"Oo." Ginamit ko ang likod ko para buksan ang pinto sa kwarto namin. Hiniga ko siya sa kama.

Pero bumangon siya. "Ivan, sorry na kasi."

"Bukas na lang tayo mag-usap." Humiga ako. Nakatingin sa kisame. Tang ina, wala tuloy mangyayari ngayon. Pero kung susuyuin niya ako, baka meron.

"Ivan..." Hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ako lumingon. "Matulog na tayo." Nakiramdam lang ako. Gumalaw ang kama.

Tumagilid siya patalikod sa akin. Di ko alam kung tulog na ba. Sa tingin ko hindi pa. Maraming sumagi sa isip ko. Tama ba itong pagtatampong ito? Baka oa na. Ah, ewan. Masama pa rin loob ko.

Alas dos na ng madaling araw. Hindi ako makatulog. Ganun na lang ang pag-aalala ko sa kanya. Takot na takot ako, eh. Sana di na niya gawin ulit yun.

Ang amo ng mukha niya. Tahimik. Tulog na tulog, o.

"Baby, mahal na mahal kita," bulong ko. "H'wag ka na mawawala sa akin, o." Hinalikan ko ang kamay niya. Hinaplos ko ang buhok niya. Hinawakan ko pisngi niya. Hinalikan ko noo niya, tas ang ilong niya. Di ko namalayan naiyak pala ako. Lintek, iniiyakan ko na naman ang mokong na 'to. "Di kita kaya tiisin." Hinalikan ko siya sa labi. Di ko alam kung ga'no katagal.

Napangiti ako. Tas natawa... sa sarili ko. Yung tahimik na tawa. Gusto ko lambingin ang mokong. Ah, ano ba 'to! Bukas na lang!

* * *

"Ang aga mo yata." Nakapostura na si mama.

"Magluluto ako ng breakfast para kay Errol."

"Are you okay?" Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti.

"I'm okay, ma."

"I mean, are you two okay?"

Tumango ako.

"Nag-away ba kayo?"

"Hindi naman, ma. Okay na kami."

"Son, your dad and I used to argue about a lot of things. Ganoon talaga ang pagsasama." Ngumiti siya. "Bueno, kailangan kong puntahan ang bigasan natin."

"Sorry, ma." Napakamot ako sa batok. "Ako dapat nag-aasikaso niyan."

"Yes, pero ako na muna bahala sa ngayon. Anyway, we've set your wedding. Ikakasal kayo first Saturday next month. Don't worry about anything. I hired an eventologist."

"Ma, maraming salamat sa lahat." Niyakap ko siya. Kahit grabe kami magtalo nun, andaming naitulong ni mama sa amin.

"I have to go." Nang tumalikod siya ay pumasok si Nay Celia sa kusina.

"Balae, sandali lang, ha," saad ni Nay Celia. Tumango naman si mama sa kanya at naghintay sa gilid. Kinausap niya ako. "Ivan, pasensiya ka na kay Errol, ha." Hinawakan niya ang braso ko. "Hayaan mo kakausapin ko na lang mamaya."

"Okay lang, nay. H'wag niyo na intindihin. Okay na kami."

"Sige, sige."

"H'wag kayo mag-alala, nay. Mahal na mahal ko yun. Magluluto nga ako ng agahan para sa mokong na yun, eh."

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now