Chapter 22

1.9K 95 9
                                    

(Errol)

Habang nasa sasakyan kasama ang tauhan ni Secretary Santos ay maraming tumatakbo sa isipan ko. Iniwan ko si Ivan sa coffee shop niya. Ang paalam ko sa kanya sandali lang ako. Pero hindi ko alam kung gaano katagal ang meeting na ito. Sana sinabi ko na lang sa kanya ang totoo. Pero ayoko rin kasi na mag-alala siya. Besides, may hinala ako kung tungkol saan ang usapang ito, at ayoko na madamay pa sila dito. Ako na lang ang haharap sa kanila.

Mukhang abala ang mga tao sa Camp Aguinaldo. Ang bilis ng mga paglalakad nila. O baka ganun talaga dito. Tahimik akong nagmasid sa paligid. Hindi naman ako nakadama ng kung anong pagkabahala. Sa dami ng pinagdaanan ko wala ng pwedeng sumindak sa akin.

Pinalabas ni Secretary Santos ang mga tauhan para sa pribado naming pag-uusap. Lumabas lahat maliban sa isang may hawak na mataas na kalibre ng baril. Ngumiti ang kalihim sa akin at minuwestrahan niya akong umupo.

"Good morning, Mr. Santiago." Inayos niya ang pagkakaupo.

"Para saan po ang meeting na ito, sir?" Hindi ko na kinailangan na magpaka-polite dahil natural na polite ang tono ng boses ko.

Ilang segundo niya akong tinitigan na para bang tinatantiya ako. "Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, pero sa tingin ko may ideya ka na kung bakit ka nandito, kung bakit tayo nandito."

Sandali ko rin siyang tinitigan. "Hindi ko alam ano'ng ibig niyong sabihin, sir."

"May mga kopya kami ng files mo na finorward sa amin ng CIA."

Tama nga ang kutob ko. Alam ko naman na dito patungo ang usapang ito. "Ano'ng kailangan ninyo sa akin?" Matigas ang tono ko this time.

"Sa totoo lang," saad niya, "hindi ko alam. Marami akong gustong itanong, at gaya ng nauna kong sinabi ay hindi ko alam kung saan magsisimula. Marami akong gustong maintindihan. Maybe we can do this in chronology."

"What do you want to know, Mr. Secretary?"

"A lot."

"You sound like Director Andrea Moss now. Where is she?"

"She hasn't been herself since two weeks ago. Maybe you can tell me anything."

"I have no idea," payak na saad ko.

Tinitigan niya ako. Mabuti sana kung may mind reading abilities ako gaya ni Dane, pero di ko matantiya ang iniisip niya nung oras na yun. "Mine is nothing but a friendly gesture. I only wish to know and understand the situation."

Hindi gaya ng CIA, sir? Gusto ko yung itanong. Pero nag-alangan ako. Hindi ko alam ang pakay niya. "I still don't know what this is all about. May kaso ba ako, sir? May nagawa ba ako laban sa bansa?"

"May mga ipapakita akong larawan." Binuksan niya ang laptop na nasa gilid ng mesa niya. Pinakita niya ang mga pamilyar na larawan at mga bidyo. He interlocked his fingers. Pinatong niya ang baba niya sa naka-interlock niyang mga daliri. Ang siko niya ay nasa mesa. Bumuntong-hininga ang kalihim. Siguro nadismaya siya dahil wala akong nasabing mahalaga.

"Malabo ang mga pictures at videos, sir. Imposibleng ma-identify ang mga tao diyan. T'saka sa technology ngayon, marami ng pwedeng gawin. Maraming Pinoy ang magaling sa CGI."

"May punto ka. That's why we're doing investigations. Pero may problema."

Kinunot ko ang noo ko.

"We're losing witnesses. We're losing important files."

"Sir, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang kinalaman ko sa mga sinasabi mo."

"We received information from the CIA that you were part of the team that went here before the devastation."

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now