Chapter 15

1.8K 93 4
                                    

(Errol)

"Nagsex na kayo ng jowa mo?" tanong ni Monique.

"Huy, yang bibig mo," asik ko.

"Ito naman. Nasa tamang edad na tayo para pag-usapan ang mga ganyan."

"Nagkiskisan pa lang."

"Ha?" Nakataas ang isang kilay niya habang nakasimangot at humihigop ng juice.

"Nagyakapan. Nagkiskisan ba."

Hindi kaagad siya sumagot. Tiningnan niya lang ako na para bang ineestima ako at iniintindi kung ano ang sinabi ko. "Masarap ba?"

"Masarap. Naaalala ko pa nga yung mga ungol ni Ivan, yung itsura ng mukha niya. Kapag sumasagi sa isip ko naano ako."

"Naeelya ka?"

"Oo." Hindi ko mapigilang tumawa.

"So naeelya ka ngayon?"

"Ha?"

"Naalala mo, eh."

"Hindi naman. Namimiss ko lang siya."

"Kainish kayo. Kayo na ang magjowa."

"Ikaw din naman may jowa. Swiss cucumber nga, di ba?"

"Alam mo kasi, hindi ko naman siya mahal."

"Ngek. So, bakit mo jinowa?"

Bumuntong-hininga siya. Parang noon ko lang siya nakita na seryoso. Biglang malayo ang mga tingin niya.

"Huy, tinatanong kita."

"Can you repeat the question?"

"Bakit mo jinowa?"

"Thank you for that wonderful question. Ladies and gentlemen, standing in front of you is a goddess" -- kumembot-kembot ito at rumampa-rampa sa sidewalk -- "a goddess from Pasig City!" Sa pagkaharot niya ay hindi niya napansin ang isang lalaki.

"Putragis!" sigaw ng lalaki. "Tingnan mo yung dinadaanan mo, bakla!" Nanlilisik ang mata nito.

"Hindi ka naman inano, ah!" sigaw din ni Monique. Pinagtinginan sila ng ibang naglalakad.

"Nagmamadali ako. Putang ina mong bakla ka, wala akong panahon sa kabaklaan mo!" Tinulak nito si Monique na muntik nang madapa. "Umayos kang salot --"

Dumapo ang kamao ko sa bibig niya. "Ano yung sasabihin mo?"

Nagulat ang mama. Gumalaw ang panga nito. Kinuyom niya ang mga kamay.

"Lalaban ka?"

Inambahan niya ako ng suntok na nailagan ko. Hinatak ko ang braso niya at binalibag siya sa semento. Nagsigawan ang ilang babaeng ususero pati na rin si Monique.

"Sinong salot?" Mahigpit ang hawak ko sa kwelyo niya habang nakayukod sa tabi niya. "Bawiin mo yung sinabi mo sa kasama ko."

Nakadilat siya sa akin, tila nagdadalawang-isip kung susundin ako o ano. "Ulol! Mga salo--"

Napunit ang labi niya nang muli ko siyang suntukin. Ang higpit ng pagkuyom ko sa kamao ko. Sa dami ng mga nakasagupa ko noon, sa hindi mabilang na mga suntok o sipa na napakawalan ko, ngayon lang ako nanggigil nang ganito. "Ang mga katulad mo ang salot." Dinuraan ko ang mama.

"Mamatay na kayong laha--" Muli, isang suntok. Kasunod ng gulat niya ay ang pag-iyak niya. "Okay, boss." Hinarang niya ang mga palad nang ambahan ko siya ulit ng suntok. "Sorry na. Pasensiya na." Bakas sa mga basa niyang mata ang gulantang.

Hinila ko siya pataas. "Mag-sorry ka sa kasama ko."

"Sorry na."

Galit pa rin ako. Kaya tinulak ko siya at hinayaang matumba sa semento. Nakatingin sa amin ang mga nasa paligid. Hindi ko na sila pinansin. "Okay ka lang?"

Enchanted Series 4: This Is It!Where stories live. Discover now