♛―CHAPTER 3―♛

12.9K 395 52
                                    


Maaga akong pumasok sa school para makapagbasa agad sa library ng mga paborito kong aklat at para din hindi ko maabutan sina Yanna at Ella na nagbabantay sa pintuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga akong pumasok sa school para makapagbasa agad sa library ng mga paborito kong aklat at para din hindi ko maabutan sina Yanna at Ella na nagbabantay sa pintuan. Ilang weeks na din kasi nilang ginagawa yon since nung first day of school. Psh! Hindi ba sila nagsasawa sa mukha ng mga yon? Tss oo aminado akong may itsura ang tatlong yon, pero duh? Maiinlove ako kung kamukha nila si Jungkook at Lee Min Ho no!

Kung tatanungin nyo kung bakit ganito ang isang tulad kong nerd, yung tipong tahimik, ayaw ng gulo, mahinhin at walang kaibigan, pwes hindi! Sabi kasi ni Tami, pag may katwiran, ipaglaban mo! Ayaw nya din na tinatapak tapakan lang kami ng mga kung sino sinong matataas dyan. Pero hindi din ako yung klase ng nerd na pala-away ha. Pumipili lang talaga ako ng away. *smile*

Nung papunta na ako sa library, may napansin na naman ako. Parang si Grae na naman yon at tsaka yung outsider na lalaki. Tsk! Baka nagbebentahan na sila dito ng droga.

Lalakad pa lang ako ng isang step, may humila ng kamay ko at bigla na lang sinakop ng mga kamay nya ang bewang ko.

" Anong ginagawa mo? "-takang tanong ko. Buti na lang at walang nakakakita samin kasi nasa may likod kami ng stage.

" Bakit ka nandito? "-tanong nya.

" Una akong nagtanong ha! --Teka nga! Bitawan mo nga ako! "-inaalis ko yung kamay nya pero lalo nyang diniinan.

" Teka lang, lets try to remove your glasses? Is it alright? "-nagkagat labi pa sya.

" Subukan mo lang tanggalin to Louie, aalisin ko yang eyeballs mo! "

" Gusto mong halikan kita? "-nagulat ako nang bigla nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko, once inch na lang at hahalikan nya na ako. Yung eyeballs ko ata ang matatagtag.

" Bu-bu-bwahahahahahahaha! ---See? Naniwala ka naman sa pinagsasasabi ko! Psh, asa ka pang halikan ko ang katulad mo! Hahahahahaha. "-nangunot ang noo ko nung binitawan nya ako at itinulak papalayo. Tumingin sya sa likod at parang may tinawag.

" Nikk nakuhanan mo ba ng picture? "-tanong ni Louie at biglang lumabas si Nikk sa may poste na may dala dalang camera.

Tumiklop naman agad ang mga kamay ko. Ang yayabang nila.

Ibinato ko ang hawak kong libro sa nakatalikod na si Louie. " Ang sasama nyo! "-tumakbo ako papalayo sa dalawa.

Nakakainis talaga ang mga yon! Porket gwapo ang lalakas ng manggoodtime. Pag ako hindi nakatiis, lagot talaga sakin ang mga yon. Nakaka-two strike na sila sakin ha! Wag lang talagang aabot ng tatlo!

Habang papunta ako sa library, may humigit ng buhok ko sa likod papabalik.

Aray ha!

" Aray! "-ungol ko.

" Hoy ikaw na panget na nerd ka! Nakita namin yung ginawa mo kay Baby Louie ha! "-sabi ni Yanna tapos binitawan ang buhok ko.

" Ha? Ano bang pinagsasasabi nyo? "

" We saw you that you throw your books to him! Alam mo bang baka masaktan sya sa ginawa mong yon? "

Napangisi ako sa inasta ng babaeng to. " Tsss, ang galing mo ring stalker e no? Pati ba naman sa likod ng stage sinusubaybayan nyo pa rin yung tatlo? Lakas nyo rin no!  "

" Aba't saan ka nakakuha ng strength to answer us ha? You dont have a manners! "-sabi naman ni Ella.

" Hahahahahaha. Ako pa ba ang walang MA-NNERS? Tsss, hay nako! Pasok na ko ha, baka lalo pang mawala ang manners ko kapag kaharap ko kayo! "-sabi ko at akmang bubuksan ang doorknob.

Hinila nila ang bag ko papalabas.

Tsk, hindi na ako nasisiyahan sa ginagawa nila ha.

" Ano ba? Bitawan nyo nga akong dalawa! "-pagpupumiglas ko. Hindi ko makuhang lumaban kasi patalikod akong naglalakad. Hinihila lang nila ang bag ko kaya napapasunod ako.

Nakarating kami sa janitor's room ng wala pang sampung minuto.

Itinulak nila ako papasok.

" Hoy! Ano ba! Palabasin nyo nga ako! Hoyyy! "-hinahampas ko ang pinto at sumisigaw sa kanila.

" Dyan ka nababagay miss nerd in disguise! Kunyari ka pang pa-nerd pero ang totoo bad girl ka rin naman! Pshh! Dont us girl! Nasa loob din ang kulo mo! "-sigaw ni Yanna mula sa labas ng janitor's room.

" Yanna! Ella! Ano ba? Buksan nyo nga tong pinto! Hoyyyy! Wag nyo kong iwan dito! "

Napaupo na lang ako sa sahig habang kumakatok sa labas.

Patay na. Wag naman sanang umatake ang hika ko.

Napapaubo na ako sa gabok na nalalanghap ko mula sa janitor's room. Ayoko pa naman sa masikip na lugar. Hindi ako makahinga ng ayos.

Habang hindi pa ako masyadong inaatake ng hika, hinanap ko na agad ang inhaler ko sa bag.

Nangangatog kong binubuksan ang bawat zipper ng bag ko. Hinahabol ko na din ngayon ang hininga ko. Sobrang dilim at sikip ng lugar na to kaya hindi ako masyadong makaaninag.

" Nasan na ba yung inhaler ko? "-hinihingal kong usal.

Halos itapon ko na ang lahat ng laman ng nag ko pero hindi ko pa rin makita ang inhaler ko. Naalala kong may lumaglag kanina nung itinulak nila ako dito! Tsk! Patay na! Nalaglag pa ata sa labas.

Napahawak na ako sa dibdib ko kasi ilang sandali na lang at hindi na ako makahinga. Nauubusan na ako ng oxygen.

" Tu-tulong! May tao ba...dyan? Tu-tulungan...nyo...ko..! "-napapikit na lang ako at hindi ko na kinaya.

Nakahiga na ako habang hinababol ang natitirang hininga. Katapusan ko na ata.

Nang tuluyan ko ng isasara ang mga mata ko, bigla na lang akong may narinig na ingay sa labas. Sana maisipan nyang pumasok dito, kung sino man sya sana tulungan nya ako.

" HOLLY SHIT! "-rinig kong pagkagulat nya.

" Tulungan mo ko...asdfghjk "-huling salita ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon