♛―CHAPTER 18―♛

6.6K 247 11
                                    


Nagmamadali akong tumakbo papunta sa garahe dahil pitada ng pitada si Grae

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa garahe dahil pitada ng pitada si Grae. 

"Oo eto na! Wag ka ng maingay, papunta na ko dyan! Bwisit ka."-sigaw ko habang tumatakbo pa rin. 

Nakasakay na ako sa kotse at nakakunot noo na tumingin sakin si Grae. "Diba sabi ko 5 minutes lang? Ayoko ng pinag-aantay ako."-bulaslas nya. 

"Eto na nga ako diba, ano pa bang gusto mo?"-hapong hapo kong sabi. Napakalaki kaya ng bahay nila tapos ang layo pa ng garahe. 

"Late ka ng 3 seconds. Tss."-sabi nya tapos pinaandar na ang sasakyan. 

Halos malula ako habang nagdadrive si Grae. Sobrang bilis tapos lahat ng makita nyang sasakyan na nasa unahan namin ino-over take-an nya. Sino bang hindi matatakot at mahihilo sa ginagawa nya. 

"Byaheng impyerno ba tayo?"-tanong ko habang mahigpit na nakakapit sa seat belt.

"What?"-kunot noong tanong nya. Lagi na lang nakakunot ng noo, kaya nagmumukha syang mayabang e. Hay nako, di ko pa ata 'to nakikitang ngumiti o tumawa man lang. 

"Sabi ko bagal bagalan mo ang pagmamaneho, baka madisgrasya tayo! Gusto ko pang mabuhay! Kung gusto mo ng mamatay, ikaw na lang, wag mo na akong isama!"-dahil sa kadaldalan ko, nasobrahan ako sa pagsasalita. 

"Opps. De joke. Biro lang. Basta bagalan mo na lang, di naman nauubos ang daan."-dugtong ko at umiwas na ng tingin sa kanya. 

Pero sabi ko nga, iniinis lang ako ng lalaking 'to, sabi ko bagalan pero mas binilisan pa nya ang pagmamaneho. Wtf Grae. Papatayin mo ba talaga ako? 

Matapos ang mahabang byahe, nakarating na din kami sa pupuntahan namin. Hindi ko alam kung san nya ako dinala pero nakita ko yung pangalan ng store nung tumingin ako sa itaas. 

*Fashion Clothes Market Market*

Fashion Clothes Market Market? Anong gagawin namin dito?

"Baba."-nagulat ako sa malakas na pagsigaw ni Grae. 

"Nasan ba ang kausap mo? Kung makasigaw ka parang nasa ibang planeta ang kausap mo ah. Sakit sa tenga. "-sabi ko habang kinakalikot ang tenga ko. 

"Bumaba ka na lang!"-ulit nya. 

"Eto na nga, bababa na."-sabi ko pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto at bumaba. 

Pagkababa ko ay hinatid nya ako sa loob. 

"Anong gagawin natin dito--"-hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nang iharang nya sa bibig ko ang isang credit card ata. 

"This is not free, babayadan mo din ako kapag may pera ka na. Bumili ka ng uniform mo at pang araw araw na damit mo."-walang ekspresyon nyang sabi. "And don't get me wrong, Mom's is the root of this, hindi kita sasamahan dito kung hindi lang sana nagrequest sakin si Mom."-sabi nya at papunta na sana sa labas. 

"T-teka, san ka pupunta?"-pigil ko sa kanya. 

"Babalikan na lang kita kapag tapos ka na!"-sabi nya at humakbang na pero tumigil ulit. 

"Where's your phone?"-tanong nya ng makabalik. 

"Bakit? Anong gagawin mo sa cellphone ko."-sabi ko. 

Nagulat na lang ako nang bigla syang lumapit sakin at inabot ang cellphone ko mula sa likod ng short na suot ko. Ang bilis ng kamay ah! Tss.

"I saved my number on your phone, so call me kung tapos ka na. Ayokong magstay dito kasama ka. Alright. "-mayabang nyang usal. Hindi ko naman mapigilan nag mainis sa ubod ng yabang na lalaking yon. 

Pagkatapos nya akong iwan ay inilibot ko na ang paningin ko dito sa store na 'to. Napakabongga naman nito. Ang laki masyado. Ang gaganda ng damit. Sa sobrang ganda nila mukhang hindi sya bagay sakin. 

Naagaw ng pansin ko ang isang damit na nagustuhan ko, bagay siguro 'to dun sa lalaking yon, itsura palang ng damit na to, mukhang Grae na. Hahaha. Lumapit agad ako don at kinuha ko. 

Pero nung aabutin ko na mula sa pagkakasabit, may lalaking kumuha naman niyon. 

"Nauna ako dyan."-sabi ko sabay turo sa damit na hawak nya. 

"Pero ako yung nakakuha."-sagot naman nya. Tss, hindi ba sya marunong maging gentlemen? 

Tinignan ko sya ng masama habang pinagmamasdan nya din ang itsura ko, parang sinasaulo nya ang bawat linya ng mukha ko. 

"Wait, you look familiar."-sabi nya tapos tumawa. 

Tinignan ko syang mabuti at inalala kung san ko nga ba nakita ang lalaking to. Ahh oo! Sya yung kaaway ni Grae nung unang araw ng pasukan! Si He-- Henz! Oo Henz nga! Yung lalaking sobrang yabang puti lang naman ang nagdala! 

Hindi ko na hinayaan ang sarili ko na makipag-usap pa sa lalaking 'to at lumakad na lang papalayo. 

Nung akala kong hindi na sya sumunod sakin, humarap na ako pero pagkaharap ko ay nasa harap ko na pala. Mas nagulat ako ng akbayan nya ako. 

"Kamusta na kayo ni Grae? Are you happy together now or you're just playing around with me, huh?"-sabi nya. Halos mapayuko na ko sa sobrng bigat ng braso nya. 

"Lumayo ka nga sakin."-pilit kong tinutulak ang mabigat nyang katawan pero mas malakas sya sakin kaya nagagawa nya pa rin akong palapitin sa kanya. 

Halos kainin ko na ang kili-kili nya sa sobrang pagngungudngod nya sakin sa katawan nya. Wala namang abs. Tss. 

"Ikamusta mo naman ako sa boyfriend mong--"-hindi na naituloy ni Henz ang sasabihin nya nang may lumapat na kamao sa mukha nya. 

"Get away from her."-hinigit ako ni Nikk papalapit sa kanya. "Stay on my back."-utos sakin ni Nikk. Teka? Anong ginagawa dito ni Nikk? 

"Sino ka naman? Bagong boyfriend ng panget na 'to?"-sabi ni Henz tapos dinuro duro ako habang tumatawa. 

"Hindi ako panget!"-gusto kong isigaw pero baka mas lalo syang tumawa. Psh! 

"I'm not her boyfriend but I'm his friend. So, if you hurt her, I will break your bone."-sabi ni Nikk. 

Naka-uniform pa rin si Nikk ngayon habang may hawak hawak na starbucks coffee na iniinom nya. 

"Geez. Wag puro salita dre, dapat ginagawa mo."-paghahamon ni Henz. 

"Wanna try?"-ngumisi naman si Nikk. Hala, wala bang security guard dito? Mukhang magpapatayan na tong dalawa e.

"Nikk, just let him--"

"I'm okay. Just stay on your position. Keep your eyes on me and watch."-lumingon sya sa lugar at at kumindat. Putangina! Ang gwapo nya lalo! Ow God! Whyyy! 

Napalunok na lang ako dahil sa inasal ni Nikk. 

Nagsimula na silang magsuntukan. Isinaboy ni Nikk ang starbucks coffee sa mukha ni Henz. Aww, buti na lang malamig yon. 

Sobrang bilis natapos ng laban ng dalawa. Nagkasugat si Nikk pero mas maraming sugat si Henz. Lampa naman pala tong si Henz e. Puro sya yabang, wala naman palang laban. 

"Akala mo siguro dito na lang matatapos to no!? Choose your opponent dude!"-sabi ni Henz tapos ay biglang sumipol na parang may tinatawag na kung ano. 

Ilang sandali pa ay naglabasan na sa gilid ng mga stand clothes ang mga lalaki. 

Lumapit ako kay Nikk at bumulong. "Sabi ko sayo eh, hayaan mo na lang sya."-takot kong usal. 

"Akala ko kasi sya lang! Fuck, ang dami nila. Wala bang security guard dito?"-tanong nya pero hindi sakin nakatingin. 

"Wala nga e! Teka, bibilang ako ng tatlo, pagtapos na kong bumilang, tatakbo na tayo ha!"-bulong ko ulit at itinuro kung saan ang pinto.

"Okay. Count."-bulong ni Nikk at hinawakan ang kamay ko. Lah. 

" One . . ."

"Three!"-hindi pa ako tapos bumilang ng 123, hinigit na agad ako ni Nikk at tumakbo na agad kami papalabas. Ano bang klaseng lalaki 'to? Hindi ba sya marunong bumilang? Hindi nya ba alam ang 123? Hay nako! 

Ang Fiance Kong Bakla?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora