♛―CHAPTER 5―♛

11.1K 361 6
                                    


Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang tama ng sinag ng araw sa mukha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang tama ng sinag ng araw sa mukha ko. Nakakasilaw kaya nagising agad ako.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong hawak ni Tami ang kamay ko habang natutulog sa tabi ng bed ko.

" Tami. "-kinulbit ko sya.

Nakita kong namilog ang mata nya ng makitang gising ako.

" Jusko Arriana! Ano bang nangyari sayong bata ka? "-naiiyak na tanong ni Tami.

Umupo ako sa kama at isinandal ang sarili.

Sasabihin ko kaya kay Tami ang totoong nangyare? Oo kasi kamuntikan na akong mamatay? Hindi kasi baka sumugod ang tita slash mami kong bakla sa school at pagsasabunutan sina Yanna at Ella?

Ugh. Ayoko pa namang sumusugod si Tami sa school na pinapasukan ko. Highschool na ko kaya dapat kaya ko na ang sarili ko. Kahit na bakla si Tami ko, nakakatakot sya pag galit. Baka maubos ang buhok nina Yanna at Ella.

" Naiwan ko lang po yung inhaler ko kaya nawalan ako ng malay. "

Hinampas ako ni Tami sa braso. " Ilang beses ko bang pinapaalala sayo kada araw na  dapat lagi mong bitbit ang inhaler mo? Ngayon mo lang ata yan nalimutang bata ka! "

" Tami sorry na. "

" Hay nako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawawala ka din sakin. "

Niyakap ko si Tami dahil umiiyak na sya. Tsss, kasalanan kasi to nina Yanna at Ella eh. Humanda sila sakin.

" Ah...Tami, sinong nagdala sakin dito sa ospital? "

" Hindi ko alam. Tinawagan lang ako ng ospital na to kaya ko nalaman....Hindi mo ba talaga alam kung sino ang nagdala sayo dito? "

" Aishhh, Tami naman e. Magtatanong po ba ako kung alam ko? "-natatawang sabi ko.

" Ayy oo nga pala no. Hehe. Ano nagugutom ka ba? "

" Hindi po."-umiling iling ako.

Sino kaya ang posibleng magdala sakin dito? Sinong tao ang may malaking puso na tumulong sakin sa bingit ng kamatayan. Pero alam kong lalaki sya kasi may katangkadan at kapayatan na sakto lang sa whole body nya tapos yung matipunong boses nya nung narinig kong magsalita sya. Kung makikilala ko lang sya, tatanawin ko tong malaking utang na loob sa kanya. Dahil sa kanya, buhay pa ako. Salamat sa superman ng buhay ko. :)

--

Nagpauwi na ako sa bahay dahil naiinip ako sa ospital. Walang lasa yung mga pagkain. Mas gusto ko pa yung luto ni Tami kesa dun sa pagkain sa ospital. Papasok na din kasi ako bukas. Nakapagskip tuloy ako ng isang araw kahapon. Tsk, baka mahuli na ako sa klase ng dahil sa dalawang babaeng yon. Aishh, lagot talaga sila sakin.

Pagkarating ko sa kwarto ko, binuksan ko agad yung aklat ko. Baka may namissed akong lesson. Pag-aaralan ko na yung ni-lesson kanina. Tumawag at nagtanong na din ako kay Paula kung may assignments ba o wala. Ang sabi naman nya wala kaya okay na din. Nakwento ko din sa kanya yung nangyare sakin dahil dun sa dalawa. Inis na inis sya at kumukulo yung dugo habang kinukwento ko. Tapos nung nabanggit kong may nagligtas sakin pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino, kilig na kilig sya. Baka daw yun na ang destiny ko. Tsss, yan kasi ang napapala ng babaeng mahilig magbasa ng kung ano anong love story tsaka mahilig din yan sa mga koreanovelas na napapanuod nya online. Hay nako, kawawang bestfriend.

Mabilis akong inantok dahil sa pagod kanina. Hayss, hindi pa rin talaga mawala sa vision ko yung blurred na itsura nung lalaking tumulong sakin. Kada minutong ipinipikit ko ang mata ko, I saw his blurred body. Sana kasi makita ko na sya.

Ipinikit ko na ang mga ko nang makaramdam na talaga ako ng antok. Hindi ko muna siguro iisipin ang taong yon. Magpapakilala naman sya kung gusto nya, pero kung ayaw nya, okay lang din sakin pero mas okay talaga kung magpapakilala sya para personal akong makapagpasalamat sa kanya.

--

Maaga kong ginawa ang daily routine ko. May PE pala kami ngayong biyernes. Umaga lang sinabi sakin ni Paula. Hay nako, yung babaeng yon, pahamak talaga. Buti na lang at naihanda ko na yung PE uniforms na isusuot ko.

Teka? Makakapaglaro ba ako? Siguro oo, hindi naman siguro mahirap yung mga activities mamaya e.

" Tami una na ako. Bye. "-nagbless ako kay Tami at humalik sa pisnge.

" Okay. Ingat ha. "

Naglast smile ako sa kanya bago lumabas ng pinto.

--

Dahil maaga akong nakapasok sa school. Nagpunta muna ako ng CR para magbihis. Isinuot ko na yung pamPE ko para hindi na ako mahirapan mamaya.

Pinuyod ko din ang buhok ko para hindi masyadong buhaghag kahit na sobrang buhaghag na nito. Inayos ko din yung salamin ko at inalis ang ilang muts sa mata. Naghugas na ako ng kamay bago lumabas.

Saktong pagkalabas ko ng CR, nakita kong papasok si Grae sa male's comfort room. NakapamPE na din sya katulad ko. Nakita kong tinignan nya ako ng nakakatakot nyang tingin. Para naman akong hindi napakali sa tinging yon. Pero hindi ako natatakot sa cold nyang tingin ha.

Nag-umpisa na akong maglakad nang mapatigil ako.

" Magpi-PE ka pa? "-tanong nya with a serious tone.

Napalingon naman ako. " O-oo naman. Anong pakialam mo don? "

I saw him smirking. " Tsss. Okay fine. "-tuluyan na syang pumasok sa loob ng male's room at naiwan naman akong nag-iisip.

Bakit nya kailangan malaman kung magpi-PE ako? Kelan pa sya nagkaroon ng care sakin eh hindi naman kami close?

Naglakad na ako papuntang room. Nakita kong nakatambay sina Louie at Nikk sa may pinto. Tsk. Kung pwede nga lang wag na akong pumasok dun. Argh.

Nakatungo akong lumakad papasok sa loob.

Success akong nakapasok kasi hindi nila ako hinawakan o inasar man lang. Hindi ko din naman maisipang baka nag-aassume lang ako na galawin nila ako. Sino ba ako para pag-ubusan nila ng oras. Wala naman diba? Isa lang akong nerd para sa kanila. Pero hindi nerd na mahina, kundi nerd na lumalaban.

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon