♛―CHAPTER 6―♛

10.1K 357 12
                                    


Unang bell palang, nagsipuntahan na kami sa ground

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unang bell palang, nagsipuntahan na kami sa ground. Mga excited kasi sila. First PE day namin ngayon kasi hindi natuloy nung nakaraang friday.

" Kilala mo na ba yung superman ng buhay mo? "-tanong ni Paula. Tsk, tsk, hay nako, ang kulit talaga ng babaeng to.

" Diba sabi ko sayo, i-iinform na lang kita pag nagpakilala na sya. Tsaka wag ka ngang maingay, baka may makarinig satin. "

" Tss, eh ano naman kung may makarinig? "

" Hay nako ang kulit mo talaga. Tara na nga. "

Hinila ko na lang sya para mas mabilis ang paglalakad namin.

Nakarating kami ng mas mabilis kumpara kanina. Daldal kasi sya ng daldal.

" Okay, in five minutes we will start our activities so be ready. "-announced nung PE teacher namin na si Sir Nolan.

Pagkaalis ni sir, humiwalay muna kami ni Paula sa maraming tao. Umupo muna kami sa grass.

" Sure ka ba na kaya mong gawin yung mga activities? "-usisa ni Paula.

" Oo naman. Wala ka bang tiwala sa bestfriend mo? "

Binatukan ako ni Paula." Aray ha. "-ungol ko.

Tinignan nya ako ng parang naiinis. " May tiwala ako sayo, sa hika mo lang wala! Tsk,--kung wag ka na lang kaya munang sumali. Magback out ka muna. "

" Ayoko nga. --Basta, wag kang mag-alala, sasabihin ko sayo kapag hinihika na ako. "-sabi ko sabay ngiti.

Binatukan nya ulit ako. " Gusto mo pa talaga akong pahirapan ha! Bahala ka dyan pag inatake ka! "

Napanguso ako. " Sus, hahahahaha. Basta, kontrolado ko naman ang hika ko sa mga ganitong activities. Tsaka gusto ko lang din ma-experience ang magPE no. Since grade school hindi ko pa nararanasan ang magPE. "-nagsad face ako at bigla kong nahampas sa braso si Paula. " NAKAKAINGGIT NA KAYA. "

" Aray ko! Lintek ka! "-sabi nya sabay haplos sa braso nya.

Napatawa na lang ako.

" Uy Aye! "-biglang naging seryoso ang mukha ni Paula.

" Oh bakit? "

" May sasabihin ako sayo tungkol kay Nikk. "

" Ha? Ano yon? "

" Ah--hmmm. Wait lang! Ipangako mo na hindi mo sasabihin sa iba ha! SAtin lang! "

Napatawa ako lalo sa inasta ng bestfriend ko.

" Hahahaha. Oo na! Kelan pa ba nabunyag sa iba ang sekreto mo sakin? Good Secret Keeper ako no! "

" Ganito kasi! Nagkita kami ni Nikk kahapon sa stock room tapos...."

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now