♛―CHAPTER 29―♛

6.3K 227 20
                                    


Hindi man lang nya sinasagot ang mga tanong ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi man lang nya sinasagot ang mga tanong ko. Tanong ako ng tanong sa kanya pero ngisi at iwas lang ng tingin ang ginagawa nya. 

"May dapat ba kaming malaman tungkol dito Louie?" Tanong ko ulit sa kanya. Sa pagkakataong ito ay sumagot naman sya."Ano bang gusto mong malaman?" Tanong nya. 

Diretso lang akong nakatingin sa kanya."Anong ginagawa nyo ditong dalawa ni Yanna. Bakit sa tagong lugar kayo nag-uusap?" 

Napangisi sya at tumawa ng bahagya."Kailangan namin ng privacy kaya dito kami nag-uusap. May masama ba don?" 

Hindi ko alam ang isasagot ko. Oo alam kong lahat ng tao kailangan ng privacy pero...aish, ano nga bang ginagawa ko? Napalunok ako bago sya sagutin."Walang masama sa pagkakaroon ng privacy." Napatingin ulit ako sa bag nyang nakasakbit sa kaliwang braso nito."Anong nilagay ni Yanna sa bag mo? Pera ba yan?" Walang preno kong usal. 

Napatawa naman ulit si Louie."Money?" Tumingin sya sakin ng diretso at sinalubong ang tingin ko."Ano namang gagawin ko sa pera ni Yanna?" 

Nagkibit-balikat ako."Ikaw lang ang tanging makakasagot nyan Louie." Nagbuga ako ng hangin at tinaasan ko sya ng kilay."So ngayon, pera ba yan ni Yanna?" 

"Pano kung sabihin kong hindi? Sapat na ba yon para umalis na ako dito?" Tumaas ang kabilang parte ng kanyang labi at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. 

"Hindi. Gusto kong makita ang bag mo." Sabi ko at agad na hinawakan ang bag nya ngunit hinawakan nya ang kamay ko upang pigilan. "Para san ba ito?" Nakakunot ang kilay nya ng tanungin ako. 

"Hindi ko alam pero parang may nangyayaring sabwatan dito?" Sagot ko sa tanong nya.

Nanliit ang mga mata nya at ngumiti. Louie Salazar, ano bang meron sayo? May itinatago ka ba samin?  "Pinaghihinalaan mo bang kasabwat ako ni Yanna sa nangyari kina Grae at Aye?" Tumingin sya ng masama sakin."Baka nakakalimutan mong kaibigan ko si Grae. Anong dahilan ko para ipahamak sya?" 

Lumunok ako."Hindi lahat ng taong nakapaligid sayo ay pwede mong pagkatiwalaan. Hindi porke kaibigan mo si Grae o kaibigan ka ni Grae hindi na kayo pwedeng magtrayduran sa isa't isa." Ngumiti ako sa kanya at bumitaw sa bag."Tandaan mo Louie, some of the most poisonous people come disguised as friends and family." Umalis na ako sa harap nya at baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko. Alam ko namang bastos ang bibig ko kaya marapat lang na kontrolin ko ito. 

--

Hindi ko na nahanap si Nikk dahil sa pagmamadali kong pumunta kay Aye. Kanina pa yun naghihintay, baka magalit na yon sakin. Tsk. Umakyat agad ako sa room ni Grae at binuksan ang pinto. 

Nagulat naman ako nang may makitang ibang tao sa loob. Siguro pamilya ito ni Grae dahil kamukha nya ang may kaidaran ng lalaking nakatayo sa kabilang side ng kama nito. Nakakatakot ang salubong ng tingin ng ama ni Grae, hindi ko maiwasan ang mapatungo ng batiin sila. "He-hello po. Pasensya na po kung bigla na lang akong pumasok." Nakita ko si Aye na nakatayo sa isang sulok kaya lumapit ako. "Kaklase po kami ni Grae. Good afternoon po." 

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now