♛―CHAPTER 15―♛

6.6K 268 10
                                    

Tamad na tamad akong pumunta ng library

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tamad na tamad akong pumunta ng library. Halos mabunggo ko na ang mga taong nakakasalubong ko dahil sa antok. Balak kong matulog muna sa loob ng library para walang istorbo, wala din namang klase ngayong oras na 'to. 

Hindi ko din nakita si Paula ngayong araw. Absent na naman siguro ang babaeng yon. Hay nako. Wala na syang natutunan sa first sem namin. 

Pumunta ako sa may sulok ng silid at kumuha ng aklat para kunwaring nagbabasa. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang may humigit ng aklat na hawak ko. 

"Hoy nerd!"-dumating na naman ang grupo nina Ella para guluhin na naman ang nananahimik kong diwa. Arghh. Not this time, utang na loob! Wala naman sigurong masama kung matutulog diba?

"Ano bang problema nyo?"-walang gana kong tanong.

"Magkasama ba kayo ni Grae kahapon?"-muntik ng lumuwa ang eyeballs ko sa socket ng mga mata ko. Paano nya nalaman na magkasama kami? But, wait! Nagtatanong lang sya! What if hindi nya talaga alam?

"Hindi! Bat naman kami magsasama ng mayabang na yon?"-sagot ko.

"Siguraduhin mo lang na hindi kayo magkasama, kasi kapag nalaman kong magkasama kayo or nilalandi mo si Baby Grae ko, I will make your life miserable! Got it nerdy?"-ani Yanna at hinagis ang aklat pabalik sakin.

"Oo nga! And don't you dare interrupt with them!"-Ella

"Kahit nga hindi ako lumalapit kay Grae, ginagawa nyo ng misirable ang buhay ko!"-mahina kong usal.

"May sinasabi ka ba?"-nakataas ang kilay na sabi ni Yanna.

"Sabi ko, paano ako makikihalubilo sa mga yon? Di naman ako mayaman, at higit sa lahat, hindi ako maganda! Ano okay na kayo? Pwede na ba akong matulog?"-sabi ko. Ayokong binababa ko ang tingin ko sa sarili ko pero gusto ko na talagang matulog at gusto ko ng matapos ang walang kwentang pagtatalong ito. Sa kanila na ang mga lalaking yon, tulog ang kailangan ko, hindi sila. 

Ilang sandali pa ay may lumapit saming babae na katulad ko ay nakasalamin din."Pwede ba, kung mag-iingay kayo, dun kayo sa labas. Library 'to, hindi palengke! "-sabi ng library keeper samin. 

"Sorry Ma'am."-sabay sabay kaming tatlong humingi ng tawad sa gurong kaharap namin. 

Umalis na ang babae at bumalik na naman ang tingin sakin ng dalawa. "Tandaan mo ang sinabi namin Nerdy! Kami talaga ang makakatapat mo! Amin lang sya kaya wag ka ng umepal!"-sabi ni Ella. 

Hindi na ako nakapagpigil! 'Pag ganitong antok na antok na ako! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa sobrang inis. Pagalit akong tumayo at hinampas ang lamesa. Lahat tuloy ng tao sa library ay napatingin sakin. 

"Hindi nga ako maganda! Lintek naman oh! Tigil tigilan nyo nga akong dalawa! Kung gusto nyo sila, edi inyo! Hindi ko aagawin! Inyong inyo na! Utang na loob, patulugin nyo lang ako, wala na kayong maririnig sakin!"-napamura na lang ako pagkatapos. 

"GET OUT OF THIS ROOM!"-pero mas galit ang library keeper kesa sakin. Tinaboy na kaming tatlo palabas ng library at hindi na pinapasok muli. Yan tuloy! Hindi na ako makakatulog nito!

Halos maiyak na ko dahil sa nangyari kaya mabilis akong tumakbo papalayo sa dalawa.

Ang bilis ko talagang maiyak. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang tumatakbo kung saan. Dahil sa mabilis kong pagtakbo, hindi ko sinasadyang may mabunggo. Dahil sa lakas ng impact, ako tuloy yung natumba. 

"Sorry. Sorry! Hindi ko sinasadya."-tatayo na sana ako nang ilahad nya ang kanyang kamay saakin. 

"Do you need help?"-iniangat ko ang paningin ko at nakita kong nakatayo sa harapan ko si Nikk. Nakangiting nakatingin sakin. 

Mabilis kong pinahid ang natitirang luha sa mga mata ko. "Hindi. Hindi ko kailangan ng kahit anomang tulong. Salamat na lang."-tumayo ako at hindi inabot ang kamay nya. Akmang aalis na ako nang pigilan nya ako gamit ang isa nyang kamay na humila din sa braso ko. 

"Umiiyak ka ba?"-tanong nya nang mapaharap ako sa kanya. 

"Hindi ako umiiyak. Aalis na ako. Bitawan mo ko."-sabi ko at pilit na winawagwag ang pagkakapit nya sa braso ko. 

"Halika, sumama ka muna sakin. I know the solution for your problem. Come on."-sabi nya sabay hila sakin. Hila hila nya ako habang naglalakad kami sa corridor. Buti na lang at walng tao ngayon, at buti na lang din wala na sina Yanna at Ella kasi kung makikita nila kami, lagot na naman ako. Sumama lang ako kasi alam daw ni Nikk ang sulusyon sa problema ko. 

Pumayag na akong magpahila kay Nikk. At nung nakarating na kami sa sinasabi nyang lugar, binitawan na nya ako. 

"Oh, matulog ka na. Feel free and feel at home. Walang iistorbo sayo."-sabi ni Nikk habang nakade-kwatrong nakaupo sa upuan. 

"Bat mo ko dinala dito sa clinic, wala namang akong sakit?"-takang tanong ko kay Nikk. 

"Matutulog ka o hindi? Diba kanina mo pa gustong matulog? Wag ng maarte, humiga ka na."-tumayo sya upang kunin ang remote ng aircon at binuksan ito. 

Lumakad naman ako sa kama. Ano pa nga bang inaarte arte ko, eto na oh, makakatulog na ko. Grab the chances Aye! 

"Bakit mo nga pala nalaman na gustong gusto ko ng matulog?"-binigyang-diin ko ang pagsasabi ng gustong gusto. 

Napatingin naman sakin si Nikk. "Just my thoughts."

"Just your thought? Yung totoo?"-nakasingkit ang mata ko na nakatingin kay Nikk. 

Napatawa sya at unti unting lumabas ang dimple nya sa pisnge. Lalo tuloy lumabas ang pagiging makisig nya."You're cute. Just kidding. Kasi pano ko ba naman hindi malalaman, you and Grae are the same. Parehas kayong kulang sa tulog. Parehas kayong puyat based on your face and action. Kanina ko pa kayo sinusubaybayan sa klase, and how funny is that because you too are want to sleep but you can't. "-mahaba nyang paliwanag. 

Nakanganga naman ako habang sinasabi nya yon. "Paano mo nalaman na ganon nga si Grae? Na inaantok din sya? Tsaka, uy ha! Baka iniisip mong magkasama kami ni Grae! Hindi no! No no no--"-pinutol ni Nikk ang sasabihin ko. 

"You're lying Arriana. "-nakangiti pero seryoso ang kanyang mukha. 

Napa-ismid naman ako dahil doon."A-ahm, pano mo nalaman na magkasama kame?"

"Grae's Mom told me."

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now