♛―CHAPTER 33―♛

6.3K 172 46
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Waaaaa! Talaga? Liligawan ka ni Grae! Wow! Just wow! Ang ganda mo!" Kinikilig na sabi ko kay Aye habang pinapalo ko sya sa braso. Hindi naman kasi kapani-paniwala na magugustuhan ni Grae itong babaeng ito. Ang baluga nya kaya sa katawan, ngayong mga araw lang sya nagpapaganda at naglilinis ng maayos.

Lumayo ng kaunti si Aye at ngumuso sakin. "Anong nginunguso nguso mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Maganda ba ko?"Direktang tanong nya.

Pinigilan ko namang hindi tumawa sa tanong nya dahil mukhang seryoso sya doon. Pumunta ako sa harapan nya at tinignang mabuti ang mukha pababa ng sapatos nya. "Magulo ang buhok mo, ang laki ng salamin mo, medyo yellowish ang blouse mo, yung sapatos mo—hindi na makinis—" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla syang tumayo.

"Tss! Hindi ko naman sinabing idescribe mo kung ano ang pangit sakin, ang tanong ko kung maganda ba ko." Inis nyang sigaw. Habang sumisigaw sya sa harap ko, pigil na pigil ko ang tawa ko pero hindi ko na yon napigilan at inilabas na ang tawa.

Inis syang bumalik sa pagkakaupo sa bench. "Hay nako Fristiny Paula Castro, hindi ngayon ang oras para pagtripan mo ko." Alam kong inis na sya dahil binanggit na nya ang buong pangalan ko. Ganyan sya kapag naiinis sakin, pati na ata middle name ko bubuuin nya sa sobrang inis sakin.

Tumigil ako sa pagtawa at napahawak sa tiyan. "Ikaw kasi masyado kang tense!" Tumalikod sya sakin. "Oy ikaw, alam kong first boy friend—, uh -uhm correction, if ever na maging kayo ni Grae, he's your first boyfriend diba? Wag ka ngang maconcious, susko!" Sabi ko sa kanya.

Habang nag-uusap kami ni Aye, may bigla namang sumingit sa usapan namin. "Can I join?" Doon palang sa boses na 'yon ay natigilan na ko. Hindi ko mapigilan na lumunok ng laway ng umupo sya sa pagitan namin ni Aye.

"Oy Nikk, ikaw pala." Bati ni Aye, "Bakit hindi mo kasama si Grae?"

Ngumiti naman si Nikk. "Ehem! Bakit mo sya hinahanap?"

Umiwas naman ng tingin si Aye. "Argh, wala. Wag mo na lang sagutin."

Nanunuod lang ako sa dalawa. Kahit gusto kong asarin si Aye dahil sa inasta nya, hindi ko magawa. Parang nakakain ko yung boses ko at ayaw nitong lumabas. Nanatili lang na nakatikom ang bibig ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"The more you deny, the more they grow and the more you hide it, the more it show." Biro ni Nikk kay Aye. Lalo namang namula at napako si Aye sa kinatatayuan. Halos wala na syang maisagot saamin ni Nikk kaya padabog syang tumayo at tumingin samin. "Alam nyo, parang bagay kayong dalawa—parehas kayong makulit at kung ano ano ang iniisip na hindi ko man lang iniisip. Dyan na nga muna kayo." Naglakad si Aye papalayo saamin ni Nikk.

Gusto kong sundan si Aye pero ayoko namang bastusin si Nikk at basta na lang iwan dito. Nakakahiya no. "Aish! Kung ano ano talaga ang sinasabi ng babaeng yon. Tss, porque in love lang e." Sabi ko.

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now