CHAPTER 43

5.2K 154 14
                                    


Aye's Point of View

"Hoy Paula ayos ka lang ba?" Pinitik ko ang noo ni Paula nang mapansin kong ilang minuto na syang walang kaimik imik sa klase. Vacant time na, titig na titig pa rin sya sa white board at paulit ulit na hinahawakan ang labi tapos iiling.

Nagulat sya nang bigla ko syang pitikin. Umakto syang nasaktan sa mahina kong pagpitik. "Aray naman." Daing nya pagkatapos ay pinasadahan ng kamay ang pinitik na bahagi ng kanyang noo.

"Bakit kasi kanina ka pa tulala? Ang dami ko ng nasabi wala ka man lang sinasagot. Para lang tuloy akong nakikipag-usap sa hangin." Kunot-noo kong sagot sa kanya.

Napakagat labi sya bago humarap ang tingin sakin. "Kasi ano..." Pambibitin nya sa sasabihin.

Patuloy lang ako sa paghihintay ng sasabihin nya. Pabalik balik ang tingin nya sakin pati sa likuran kung saan nagkukwentuhan si Nikk at si Grae.

"Hoy ano na?" Marahan ko syang siniko dahil ang tagal nyang sabihin ang sunod na kwento.

Napalunok sya bago ilapit ang bibig sa tenga ko. "Hinalikan ako ni Nikk." Bulong nya na ikinabatok ko naman sa kanya.

"Buang ka ba? Magkrimstix ka nga." Dahil sa gulat, nahampas ko ang balikat nya.

Hinarangan nya ang bibig ko dahil halos mapatingin na ang mga kaklase namin dahil sa ingay namin. Sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi ni Paula. Kaunti na lang at matatawa na ako dahil doon.

"Ano ba? Sa lagay kong 'to nagbibiro pa ako? Bes hinaras ako ni Nikk!" Bulong nya sakin at parang tuwang tuwa pa na hinaras nga sya ni Nikk. Jusko.

"Teka? Paano nangyari yun?" Hindi ko na mapigilan ang tawa ko.

Hindi naman sya makatawa dahil namumula ang pisngi nya kapag pinag-uusapan ang tungkol sa paghalik sa kanya ni Nikk.

"Eh kasi ganito 'yon." Lumapit pa sya sakin at ibinulong ang mga nangyari.

Pagkatapos nyang ikwento ang mga nangyari, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Natutuwa ako na hindi dahil baka paglaruan nga lang ni Nikk si Paula. At ayokong masaktan sya nang dahil sa womanizer na si Nikk.

"Wag kang masyadong mapo-fall ha. Dahil hindi lahat ng taong nagpapasaya sayo ay totoong mahal ka. Magtira ka pa rin ng pagmamahal sa sarili mo. Kukutusan kita kapag umiyak ka!" Paalala ko kay Paula.

Napahagikhik naman sya sa sinabi ko. "Ano yan, wedding advice? Hindi pa kami ikakasal kaya wag kang o.a hoy!" Pinalo nya ako sa braso na ikinasingkit naman ng mata ko.

Nagtawanan kaming dalawa dahil sa nangyari. Pagkatapos ng kwentuhan namin, lunch na. Nagulat ako sa biglang pag-upo ni Grae sa harapan ko.

"Hoy." Mahina ang pagkakasabi nya pero may diin.

"Ano?" Tanong ko kay Grae.

"Tara maglunch." Aya nya sakin bago hinawakan ang nakaharang na mga hibla ng buhok sa mukha ko at isipit ito sa pagitan ng tenga ko. Ay hala! Grae ano na naman 'to?

Bahagya akong napangiti sa ginawa nya. "Busog pa ko. Kayo na lang muna." Sabi ko sa kanya. Totoo namang busog pa ko dahil marami kaming kinain ni Paula noong recess at parang di pa nada-digest ng tiyan ko ang mga kinain namin kanina.

"No. Ayokong nagugutom ka. Stay here. Bibili lang kami ni Nikk sa cafeteria." Tumayo sya at inayos ang suot na polo.

Tumayo din ako para pigilan sya. "Wag na. Promise busog pa ko." Ngumiti ako ng malaki para ipakita sa kanyang totoo ang sinasabi ko.

Ngumiti din sya at na pa kurap naman ako ng dalawang beses dahil masyadong nakakaakit ang ngiti nya. Hinawakan nya ang bewang ko at lumihis pa ng tingin. "Kahit anong gawin mong pagpapacute, kakain at kakain ka pa rin. Wag mo kong dinadaan sa busog busog dahil wala akong pakialam kung mataba ang balakang mo. You're pretty even if you look fat." Pinanliitan ko sya ng tingin dahil hindi ako mataba! Tsk. Binitawan nya ang bewang ko at muling ngumiti. "Ayoko ng tinitipid mo ang sarili mo. Kutos ka sakin." Pagkatapos ay lumabas na sya ng pintuan.

Tahimik akong bumalik sa upuan at parang kiti-kiting nagpapapadyak sa upuan. Buti na lang at ako lang ang nandito sa classroom, walang makakakita ng kabaliwan na ginagawa ko dito.

Si Paula kasi nasa labas kumakain na naman. Inaya nya kong kumain pero gaya ng ginawa ko kay Grae, tumanggi din ako. Ang mga kaklase ko naman, nasa labas at tumatambay.

Kumuha ako ng book sa bag ko at binasa ang pahina na tinigilan ko kagabi. Sobrang nakakakilig kasi ng aklat na 'to. Ang sarap kagatin dahil sa kilig. Buti na lang di 'to cellphone.

Habang nagbabasa ako, may biglang nagbukas ng pinto. Hindi na ako lumingon dahil alam kong si Grae na yon.

"Ang bilis mo naman." Natatawang sabi ko.

"So, are you expecting me to meet you here?" Napatayo ako nang marinig ang boses na yon. Binitawan ko ang aklat at mabilis na humarap sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko habang humahakbang papalapit sa kinatatayuan ko.

"Stupid question. Tss. This is my room. Hindi na dapat kinukwestyon kung bakit andito ako." Napalunok ako ng nasa harapan ko na sya.

Balak nya kong hawakan pero agad akong umilag. "Louie umalis ka na."

Napailing sya at tunawa ng pagak. "Wala naman akong gagawing masama sayo. Nandito ako para kamustahin ka. Don't worry, nagbago na ko."

Kumunot ang noo ko at hindi na pinansin ang sinabi nya. Inabot ko ang bag ko at balak na sanang lumabas pero malakas nyang hinigit ang kamay ko.

"Kinakausap pa kita. Wag ka sabing matakot sakin Aye. Si Louie na ulit 'to." Bulong nya sa tenga ko.

Pilit kong kinukuha pabalik ang kamay ko pero di nya ako bitawan. "Louie ano ba?" Inis ko syang tinignan sa mga mata kahit na nakangiti syang nakatingin sakin. "Wala akong pakialam kung nagbalik na ang dating Louie. Alam mo mas mabuti pa kung--" Hindi ko na nasabi ang sunod kong sasabihin nang bigla nyang hatakin ang batok ko at siniil ng halik.

Hinampas ko sya at inilalayo ang sarili kong bibig sa kanya pero ayaw nya kong bitawan.

Mabilis natapos ang halik na yon at pinakawalan nya na ako. Dahil sa pangangatog, napaupo ako sa sahig.

Nakita ko ang pagngisi na ginawa ni Louie bago sya lumevel sa kinauupuan ko.

"Malapit na ang birthday mo, diba?" Hinawakan nya ang buhok ko. Hindi ko sya magawang pigilan sa paghawak ng buhok ko dahil nangangatal pa rin ako. Pakiramdam ko nakikipag-usap ako ngayon sa demonyo.

Hindi ko sya sinagot sa tanong nya.

"Stay away from Grae. Kapag hindi mo yun ginawa, ako mismo ang gagawa ng paraan para mawala sya sa buhay mo. Kilala mo ko Aye. Kung anong gusto ko, nakukuha ko." Ngumisi sya pagkatapos ay tumayo.

Tinalikuran nya ko ngunit nag-iwan ng huling salita. "October 17, Saturday." Lumabas na sya ng pintuan at tuluyan ng nawala sa paningin ko.

Nang pumikit naman ako tuluyan nang kumawala ang luha ko na kanina pa nagbabadyang lumabas. "October 17, Saturday. Birthday ko." Dun na ako humagulhol sa pag-iyak.

Hindi. Ayoko. Ayokong mawala sakin si Grae. Ayoko. Ayokong gawin.

Ang Fiance Kong Bakla?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin