♛―CHAPTER 7―♛

9.6K 348 18
                                    


Natapos ang PE namin, kahit na worst partner si Nikk nag-enjoy pa rin ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natapos ang PE namin, kahit na worst partner si Nikk nag-enjoy pa rin ako. Akala ko kasi mayabang sya katulad nung dalawang barkada nya, lalong lalo na si Louie. Tapos yun namang si Grae parang laging meron, minsan lang ngumiti, napakasungit. Parang hindi uso sa kanya ang ngumiti.

Nauna nang umuwi sakin si Paula, may gagawin pa daw kasi sya sa bahay nila, meron din naman akong gagawin dito sa school. Ibabalik ko pa kasi yung hiniram kong aklat sa library.

Pagkatapos kong ibalik yung aklat, lumabas na ako sa school. Malapit na din kasing lumubog yung araw. Tsk, kulang pa ata ang pamasahe ko. Makapaglakad na nga lang.

Habang naglalakad ako, naaalala ko yung laro namin kanina lalong lalo na dun sa apple eating. Nakakatawa lang kasi isipin na partner mo yung isa sa mga heartthrob sa school.

" Yung bag ko! "

Nagulat ako nang may biglang sumigaw. Nakita ko yung lalaki na nagmamadaling tumakbo tapos yung babaeng sumigaw. May edad na yung babae pero hindi halata dahil mukhang mayaman.

" Help! My bag! "-sigaw ulit nung babae.

Nung malapit na sakin yung magnanakaw, hindi na ako nagdalawang isip na harangan yon. Kawawa yung matandang babae eh.

Nasaktan ako ng konti dahil binunggo nya ako at parang nagkagasgas ang braso ko pero hindi ko yun ininda.

" Kuya ibalik mo yang bag! "-pagpupumigil ko dun sa magnanakaw. Hawak hawak ko isang paa nya para hindi makatakas.

" Ano ba! Bitawan mo nga akong babae ka! Bitaw! "-muntik na nya akong sipain. Buti na lang at dumating na yung mga tanod at yung gwardya nung matandang babaeng ninakawan ng bag.

Pagkakuha nung matandang babae sa bag nya ay lumapit sya sakin. " Are you okay Hija? "

Tumango ako. " Okay lang po. Konting galos lang po to. "

Pagkasabi ko nun, ibinaling nung matandang babae ang tingin dun sa magnanakaw. " Ikulong yan! Hindi mo alam kung sino ang ninakawan mo! You bastard! "-aniya.

Tumingin naman sakin yung magnanakaw. " Humanda ka sakin! Napakapakealamera mong babaeng panget ka! "

Wow ha? Ako? Panget? Eh ano pa kaya ang itsura mo kuya? -_- Tsss.

Dinilaan ko na lang yung magnanakaw, mainis sya kung maiinis! Mas nakakainis kaya yung sinabi nya.

Pagkaalis nung mga tanod at nung magnanakaw. Naiwan kaming lima. Ako, yung babaeng medyo may pagkatanda at yung tatlong body guard.

Mga walang silbi yung mga body guard nitong matanda ah. Tsk tsk tsk.

Nagulat ako nang hawakan nung matanda ang braso ko. " Malaki ang gasgas mo Hija. We need to clean it. "

" Ah--uhm hindi na po. Okay lang po ako. :) "-pagpupumigil ko.

" No. Hindi. :) Malaki ang naitulong mo sakin. Nang dahil sayo, I got my bag back. Madaming important things dito at kung hindi mo nakuha to, I think I've lost anything kaya hayaan mo na akong suklian ang tulong mo. :) "

" Ah--o-osige po. "

Hindi na ako nakatanggi dahil makulit sya.

" Let's go to my house. "-aniya at sabay kaming pumasok dun sa magara nilang kotse.

--

Ilang minuto din kaming nagbyahe. Makakatulog pa nga sana ako, buti na lang at ginising ako nung matanda.

" Hija, where here. "

" Ah--okay po. "

" By the way, you can call me Tita Gina. "

" Hehe. Okay po Tita Gina. "-tumingin ako sa labas.

Muntik na akong mapanganga nang makita ko ang napakalaking mansion sa harap ko.

" Inyo po bang mansion to Tita Gina? "-manghang tanong ko.

" Hahaha. Yah, shall we go? "-aniya at kasabay noon pinagbuksan na kami ng pinto nung dalawang gwardya.

Manghang mangha ako nung naglalakad kami sa hardinan. Ang daming ilaw na nakakabit sa bawat puno papasok dun sa pinaka-main door. Yung pinto nila, kasya na yung limang tao na sabay sabay pumasok. Waaa. Ang laki.

" Are you Okay Hija? "

" Ah--Opo tita. Nagagandahan lang po ako sa bahay--este mansion nyo. First time ko pong makapasok sa ganito kalaking bahay. Akala ko nga po mall to eh sa sobrang laki. "

Tinawanan lang ako ni tita Gina kaya tinawanan ko na lang din.

" Flora, get my first aid kit in my room. "-aniya dun sa tinawag na katulong na may pagkatanda na din. Nasa mid 60's na ito sa aking tantya.

Pinaupo ako ni tita Gina sa malaking sofa na nakaset sa pinakacenter ng mansyon. Waa. Ang ganda talaga. Napakalambot ng upuan.

Ilang sandali pa ay dumating na ang katulong.

" Madam eto na po yung kit. "-sabi ni Manang Flora

Inabot naman ito ni tita at inilapag sa table malapit samin.

" Get some drinks for us. "-mahinahong utos ni tita.

" Okay Madam. "-aalis na sana si Manang nang may itanong si Tita. " Nandyan na ba ang anak ko? "

" Ahm, wala pa po Madam. Siguro kasama pa yon ng mga barkada nya. "-sagot ni Manang.

Ahhh, may anak pala si tita Gina. :) Malamang kasing ganda at kasing bait din sya nito.

--

Natapos ni Tita Gina ang paggagamot namin. Pagkatapos nang gamutang iyon ay nakipagkwentuhan pa sya sakin. Hindi ko alam kung bakit sya tawa ng tawa sa mga kwento ko, pero ang lakas nya tumawa hindi katulad ng kaibigan kong si Paula na laging seryoso kapag nagjojoke ako. Sinasabi pa nyang korni ako pero bakit si tita Gina tawa ng tawa?

" Hahahahaha. Nakakatawa ka talagang bata ka. "-aniya.

Nakangiti ako habang patuloy syang tumatawa sa mga jokes ko. Pumapalakpak pa si Tita.

" MOM! "-natigil ang tawanan namin nang may narinig kaming boses na umalingawngaw sa mansyon.

" Oh anak? Bakit ngayon ka lang? "-tanong ni Tita Gina.

" Why did you block my cards? "-pamilyar na boses na narinig ko mula sa likod ko.

" It is not me! I think its your dad's fault. ---Oh by the way, I want you to meet Arriana. "

Lumingon ako dun sa anak ni Tita Gina at kumaway. " Hi--"-ngunit natulala ako nang makita kung sino yon.

" What are you doing here? "-sigaw nya sakin nung makita nya ako. 

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now