CHAPTER 49

2.2K 72 27
                                    







Hindi ko alam kung paano paniniwalaan ang sinabi ni Ymarie noong nasa hospital siya.

Kinagat ko ang kuko habang pinagmamasdan ang cover ng kama ko.

Sabi niya low battery na siya noon kaya hindi niya natawagan si Grae... namamalikmata lang ba ako sa nakita kong cellphone niya kahapon?

Yung cellphone niyang nagbukas at nakita ko ang lockscreen nito. It's her. It's her face.

Imposible namang nai-charge n'ya agad yon?

Pero bakit naman s'ya magsisinungaling sa'min?

Bakit s'ya magsisinungaling kay Grae?

Ilang beses akong umiling at ginulo ang buhok. Hindi ko dapat s'ya husgahan. She's Grae's best friend at wala ako sa lugar para manghusga ng isang taong hindi ko pa lubos na kilala.

Bumuga ako ng hangin at saktong pagkababa ko ng kama, bumukas ang pinto at iniluwa noon ang lalaking kakakita ko lang sa panaginip ko kanina.

Kahit nanlalabo at blurred s'ya sa paningin ko, kilala ko pa rin kung sinong tao ang nagmamay-ari ng hulmang ito.

Basa at tumutulo pa ang tubig sa dulo ng kan'yang buhok. He's rubbing the white good morning towel to dry his hair using his right hand.

Napangiti rin ako sa suot nitong pastel pink na t-shirt. Medyo maluwag ito sa kan'ya o masyado lang malaki yung damit kaya hindi hapit?

“Good morning...” bati ko sa kan'ya nang makalapit sa 'kin.

Ginantihan niya ng ngiti ang mga ngiti ko at napatingin ako sa kamay nito nang kuhanin n'ya sa side table ang salamin ko.

Lumubog ang kama matapos n'yang umupo sa aking tabi.

“It's already lunch... silly girl.” Kasabay ng pagsasalita niya ang pagsusuot nito sa 'kin ng salamin ko.

Bahagya naman akong nagulat at agad na tumingin sa orasan na nakalagay din sa tabi ng table.

Hala! Alas dose na nga! Ang tagal ko pa lang tulog!

“Bakit hindi mo ko ginising?” Nakangusong tanong ko.

Tinawanan naman ako ni Grae at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga.

“Kapag ginising kita, mas magkakaroon ka ng hangover...” he uttered and pause for a second. “Go, take a shower. May pupuntahan tayo.”

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Napanguso ako.

“Saan?” I questioned curiously.

“Basta magshower ka muna. Your smell is stinky...” Natatawa nitong sambit.

Napalitan naman agad ang kunot kong kilay, mas kumunot pa ito at tinignan siya ng masama.

“Alak yung mabaho, hindi ako!” Pakikipagtalo ko.

Mas natawa si Grae sa 'kin at ilang sandali pa ay inalis nito ang good morning towel na nakasabit sa kaniyang leeg.

Nagulat ako nang bigla niya iyong ilagay sa leeg ko at hapitin niya palapit sa kan'ya para nakawan ako ng halik sa labi.

Halos mauntog na ang ilong ko sa ilong niya pero buti na lamang ay mabilis nitong naibaling ang mukha.

My eyes widened nang tumagal ang pag-iisa ng mga labi  namin.

Hindi pa ako nakakapagtooth brush and he said my smell is stinky, but why did he kissed me!?

Marahan niyang inilayo ang labi niya sa akin. Tumaas pa ang tingin nito sa mga mata ko bago lumunok at ngumiti.

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now