♛―CHAPTER 45―♛

4.1K 138 12
                                    

Aye’s Point of View

1 week has passed.

“Hindi ba susunod sina Grae?” Napalingon ako kay Paula nang itanong niya iyon.

Kasalukuyan naming inilalagay sa kahon ang mga gamit, libro, notes at kung ano-ano pang school paper works na hindi na namin kailangan gamitin. Tapos na ang school year at malapit na kaming grumaduate.

Umiling ako sa kan’ya. “Hindi raw. May susunduin daw siya sa airport, e.” Umupo ako sa silya at kinuha ang nasa ilalim pang table na mga papel. “Si Nikk, hindi ka tinetext?”

Nangunot naman ang noo niya, “Ba’t naman ‘yon magtetext?” Bakas ang lungkot sa boses niya kaya agad ko itong pinanliitan ng mata.

“Akala ko ba okay kayo? Gusto mo si Nikk, ‘di ba?” Nang-aasar ang boses ko. “Gusto ka rin naman niy—”

“Hindi niya ako gusto. Akala ko lang.”

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil kaagad niya iyong pinutol. Ang nakangiti kong labi ay mabilis na napalitan ng lungkot.

“Sira ka ba? Nakalimutan mo na ba ‘yong sinabi niya sakin? Gusto ka rin niya!” Sigaw ko rito na buo ang kumpyansa.

Paanong hindi s’ya gusto ni Nikk e, sakin na mismo umamin yon? Pero subukan lang talaga niyang paiyakin si Paula, hindi niya magugustuhan kapag sinira ko ang kinabukasan niya.

“Basta!” Sigaw niya rin sakin kasabay ng pagbagsak ng aklat sa kanyang kahon. “Ayoko ng pag-usapan. Tara na roon sa baba. Tapos na ‘kong magligpit.” Patagal ng patagal ay pahina ng pahina ang boses niya.

Pagkasarado niya sa takip ng kahon ay mabilis na naglakad patungo sa may pintuan. Taranta ko namang inilagay ang ilan pang natirang gamit sa’king kahon.

“Hoy, Paula! Sandali lang! Hintayin mo naman ako!” Habol kong sigaw sa kanya nang tuluyan na siyang makalabas sa pintuan.

Ano bang problema ng babaeng iyon. Should I talk to Nikk? May ginawa na naman ba ang lalaking iyon sa kaibigan ko? Aish.

Pagkababa namin ng taxi, biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa at tumingin kay Paula.

“Mauna ka na sa taas, tumatawag lang si Grae.” Saad ko sa kanya. Nginusuan at inirapan niya lamang ako bilang sagot. Bahagya akong napangisi dahil wala pa rin siya sa mood. Tinatarayan pa ako, ah.

“Hello, Grae?” Bati ko sa kan’ya nang sagutin ko ang kan’yang tawag.

“Where are you?” Tanong niya. Hindi man lamang binalik ang pagbati ko sa kan’ya.

Ibinaba ko ang librong hawak at ipinatong ito sa kahon na nasa sahig. “Nasa tapat ng boarding house namin ni Paula, bakit?”

“I’ll fetch you. Wait for me.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“A-ano? Teka—”

“Give me 10 minutes.” Pagkasabi niya noon ay tumunog na ang end call at gulat akong napatingin sa screen ng cellphone ko.

“Hello, Grae? Grae!” Sinubukan ko pang tawagin ang pangalan niya pero patay na ang linya.

Napabuntong hininga ako at umiling. 10 minutes? Airport to boarding house? Ilang oras ang ibabyahe kung nasa airport nga siya ngayon, pwera na lang kung malapit talaga siya rito.

Muli kong kinuha ang kahon sa lapag at binuhat. “Ang bigat naman nito,” Reklamo ko pa habang naglalakad papalapit sa pintuan.

Inabot ko ang door knob ngunit nangunot ang noo ko nang hindi ko ito mabuksan.

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now