♛―CHAPTER 32―♛

5.9K 215 30
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakarating na kami ni Paula sa school, parang nakakapanibagong pumasok kasi matagal din kaming hindi nakakaattend ng klase. Ang dami tuloy naming hahabulin na activities and lectures.

Pagkapasok pa lang namin sa pinto hinanap na agad ng mata ko si Grae. Argh. Bat ko ba sya hinahanap. "Ayun si Grae," Tinapik ni Paula ang balikat ko at itinuro si Grae.

Napakunot ako ng noo, "Hindi ko naman sya hinahanap." Sabi ko at ipinatong na ang bag sa upuan. Pagkapatong ko ng bag ko, may biglang dumanggi doon kaya nahulog sa lapag.

"Pa-pasensya na. D-di ko sinasadya." Sabi ni Leila at kinakabahang tumingin sakin. Ha? Anong problema nya? Isa din si Leila sa mga nagiging target ni Yanna para utus-utusan at bullyhin.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay. Alam ko namang hindi mo sinasadya—" Muntik na akong matumba dahil sa pagtabig sa balikat ko.

"Opps, sorry. Hindi ko din sinasadya." Sabi ni Yanna, kasunod nya sa paglalakad si Ella, hindi ko pa nakukuha sa sahig ang bag ko kaya inapakan nila ito. "Ay Ella, yung bag ni Aye inapakan mo." Ngumuso sakin si Yanna, "Sorry ha, kala kasi namin doormat." Aniya at umupo na sa upuan.

Sumigaw si Paula dahil sa galit. "Gusto mo talagang kalbuhin kita Yanna! Halika dito! Lumapit ka sakin! Puputulin ko na rin pati yang sungay mo!" Pinipigilan sya ng mga kaklase ko kaya lalo syang naiinis.

Pati naman ako inis na inis na. Napakuyom na ako ng mga palad ko at tangkang lalapitan si Yanna nang may humawak ng kwelyo ng uniform ko sa likod.

Napatingin naman ako sa likod at tinignan kung sino ang gumawa noon. "Hayaan mo na sya. Go and get your bag." Utos ni Grae sakin.

Gusto ko pa sanang sumagot sa kanya pero tanging inis na buntong hininga lang ang ginawa ko at pinulot ang bag. Tama sya, hindi dapat ako pumapatol kay Yanna, kasi once na pumatol ako sa ka-immature-ran nya, mas magmumukha pa akong immature kesa sa kanya.

Hanggang sa matapos ang klase, nakabusangot pa rin ang mukha ko. Kinakausap ako ni Paula pero hindi ako sumasagot. Bakit kaya wala ako sa mood. Wala naman akong dalaw ngayon. Hays! Lakas ng epekto nya sakin ha!

Napatingin naman ako sa gawi ni Grae. Nakafocus lang sya sa aklat na hawak nya. Parang kanina pa rin syang hindi nakikinig sa dinidiscuss ni Prof. Iiwas na sana ako ng tingin sa kanya pero lumingon sya at tumingin sakin. La! Bakit parang ang awkward? Hindi naman ako ganito datio ah! Pinilit kong umiwas ng tingin sa kanya.

Napansin ata ni Paula ang kinikilos ko kaya marahan nya akong siniko. "Hoy! Ano okay ka lang ba?" Tanong nito sakin.

Napalunok ako ng laway at tumango. "Oo, okay lang ako." Naisip kong magpunta muna sa comfort room. Pakiramdam ko kasi kailangan kong huminga ng malalim. "Paula, punta lang ako sa comfort room." Paalam ko sa kanya at tumayo na.

Naghugas lang ako ng kamay at nagdampi ng kaunting tubig sa pisngi. Napatingin ako sa salamin at naalala yung nangyari samin ni Grae sa loob ng banyo doon sa hospital. Naalala ko din yung sinabi nyang mas bagay sakin ang walang nakaharang sa salamin sa mukha. Sinubukan kong alisin ang salamin ko pagkatapos ay inaninag ang itsura ko sa salamin.

Napabuntong hininga ako. "Muka namang walang nagbago." Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko din kasi masyadong kita ang itsura ko dahil medyo blurred at magalaw ang tingin ko sa salamin. Isinuot ko na lang ulit ito at lumabas na sa comfort room.

Pagkaapak ko sa labas ng sahig, nabunggo ang noo ko. "Aw." Ungot ko. Napatingala ako at tinignan ang lalaking nasa harapan ko. "Nikk?"

Ngumiti sya sakin. Nakapamulsa sya habang nakatayo sa harapan ko. "Kanina ka pa dyan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Pwede bang sumama ka muna sakin?" Aniya at hinawakan ang kamay ko.

Tumigil naman ako sa paglalakad at pinahinto ko sya. "San tayo pupunta? May sunod pa tayong klase ah."

Walang kahirap hirap nya akong hinila ulit. "Basta. Sumama ka muna." Pagkahila nya sakin, bigla kaming tumakbo papunta sa music lab.

"Bat tayo nandito?" Tanong ko kay Nikk. Binitawan nya ang kamay ko at itinulak ako ng marahan. "Aray!" Sabi ko.

"Stay here." Utos ni Nikk at lumabas na sa pinto. Hinabol ko sya pero nahuli ako dahil ikinandado na nya ang pinto.

Hinampas ko ang pinto at malakas na sumigaw. "Nikk! Nikk Marasigaaaan! Buksan mo 'to!" Patuloy pa rin ang pagpalo ko sa pinto. "Nikk! Wag mo kong iwan dito! Niiiiiikk!"

Ilang sandali pa ay namatay ang ilaw. Agad akong napaharap sa aking harapan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot. "Ang gago talaga ni Nikk! Ano bang problema ng lalaking yon! Pati ba naman sya ibubully ako!" Bulong ko sa sarili ko.

Napaupo ako sa sahig nang may marinig akong inggit ng kahoy malapit sa lalagyanan ng mga gitara. Agad naman akong nagsign of the cross. Naaalala ko kasi yung kinukwento sakin ni Paula tungkol dito sa music lab. Waaa Nikk! Ano bang pakulo ito!?

Sa sobrang dilim ng paligid, wala na akong makita. Nagtaklob ako ng mukha at namilipit sa pagkakaupo. Konting oras lang 'to, babalik din yung mokong na si Nikk pag narealize nyang tanga sya.

Napasigaw at napatalon naman ako sa gulat nang may biglang humawak sa dalawang balikat ko. "Tayo." Utos nito.

Parang pamilyar ang boses na iyon. Nag-alis ako ng taklob sa mukha at nagsalita. "Grae ikaw ba yan?" Tanong ko sa kanya.

"Tumayo ka." Hindi nya sinagot ang tanong ko at pagkatapos ay itinayo ako sa pagkakaupo.

"Grae ano ba 'to?—" Pagkasabi ko noon ay nagbukas ang ilaw. Nasilaw naman ako sa liwanag. Pumikit ako ng dalawang beses at napakusot ng mata.

Oh! Si Grae nga! Napalunok ako dahil sa itsura nya. "Ba-bakit tayo nandito?"

Napatungo si Grae at parang hiyang hiya sa sasabihin nya. Nagtsk sya at tumingin sakin. "You know," nagtsk ulit sya at nag-iwas ng tingin. "I don't want to do this but," Napahawak sya sa buhok at ginulo ito.

Naguluhan na ko sa kanya dahil hindi ko din maintindihan kung bakit sya umaakto ng ganito. "Ano bang gusto mong sabi—" Nagulat ako nang bigla nyang higitin ang necktie ng uniform ko at palapitin sa kanya. Hawak nya ang bewang ko. Wtf! Shookt!

"I want to court you." Mabilis nyang usal. Napalunok ako sa sinabi nya. "That is what I want to say." Mabilis din naman nya akong binitawan kaya napaupo ako sa sahig.

"Aray!" Unggol ko ng malaglag sa sahig.

"What the fuck! I'm sorry. I didn't mean it!" Itinayo nya ako sa pagkakaupo.

"Bat mo ko binitawan?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. Ang mahulog sa sahig ay hindi biro. Masakit sa puwet.

"At least sinalo ka nung sahig." Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sagot nya.

"Nagbibiro ka ba?"

"No." Aniya at tinignan ako ng seryoso.

Inirapan ko sya at naglakad ako papuntang pinto. "Kung manliligaw ka sakin, wag mo ng ituloy."

"Hey wait!" Pinaharap nya ako sa kanya. Nasa tapat na kami ng pinto noon. "Argh! Yeah I'm just kidding. I'm joking."

Huminga ako ng malalim. Bago pa ako makapagsalita ay biglang nagbukas at pinto. Patulak itong binuksan kaya napa-usod ako. Na-unbalance naman kami ni Grae sa pagkakatayo kaya...

"Hey guy—what the fuck!" Dinig kong reaksyon ni Nikk.

"SPG Alert!" Sigaw naman ni Paula nang makita kaming magkapatong ni Grae and we almost kiss each others lips! 

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon