♛―CHAPTER 28―♛

6.1K 233 9
                                    


Awkward para sakin ang mga nangyayari ngayon, hindi ko alam kung naaalala ba nya yung sinabi nya kanina bago sya makatulog, pero ano bang pinag-iiisip ko? Baka wala lang naman yung sinabi nya na "Stay here, don't leave

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Awkward para sakin ang mga nangyayari ngayon, hindi ko alam kung naaalala ba nya yung sinabi nya kanina bago sya makatulog, pero ano bang pinag-iiisip ko? Baka wala lang naman yung sinabi nya na "Stay here, don't leave." Hay nako Aye, walang malisya 'yon. Tumigil ka na. 

Dahan dahan kong binuksan ang pinto, nakita ko si Grae na nakaupo sa kama habang nakatingin sa magazine na hawak nya. Binili ko sya ng lugaw sa labas habang ine-injection-an sya ng mga nurse. Lumapit ako sa kanya at umupo. 

Tumikhim ako."Kumain ka muna para magkaroon ka ng lakas pagdating nina Tita Gina. Nakalapag na sila sa airport," Tumigil ako sa pagsasalita at tumingin sa kanya bago ibalik ulit ang tingin sa supot ng lugaw habang inilalagay ko ito sa mangkok."at ilang oras na lang nandito na din sila." Natapos na ako sa pagsasalin ng lugaw sa mangkok at inabot ko na 'yon sa kanya.

Kinuha nya iyon at sumubo."Kasama ni Mama si Papa?" Tanong nya habang nakatingin sa lugaw.

Tumikhim ulit ako. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ako tumikhim mabubulol ako. Hindi ko alam kung bakit tense ako ngayon kapag kaharap si Grae. "Ah, sa pagkakaalam ko kasama ni Tita ang Papa mo pagpunta dito." Sagot ko sa kanya bago ako lumunok. 

Natigilan naman sya sa pagsubo."Bat hindi ka pa kumakain." 

"Nakakain na ako sa labas, pinagdala lang kita baka kasi hindi mo magustuhan ang mga dinadalang pagkain dito ng mga nurse." 

Tumango tango sya at ipinagpatuloy ang pagkain. 

Ilang minuto din kaming natahimik sa loob ng silid. Ang tagal naman ni Paula, gano ba karaming gamit ang dadalhin nya dito? Hays, binitbit nya na ata lahat. 

Napatingin ako sa gawi ni Grae na umiinom ng tubig. Hindi ko naman inaasahan na biglang sasakit ang mata ko. "Aray." Napahawak ako sa kabilang gawi ng mata ko. Parang may pumasok na kung anong insekto dito. Naaa! Ang hapdi. 

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Grae. 

Nakapikit ang isa kong mata ng tignan ko ang gawi nya. "Napuwing ata ako." Tumayo ako at pumuntang banyo."Sandali lang ha." Nagtatakbo ako papasok sa banyo at agad na hinubad ang salamin sa aking mata. Nag-ipon naman agad ako ng tubig sa kamay at  mabilis na idinampi ang mata dito. 

"Naaa." Pakiramdam ko ay hindi maalis alis ang hapdi dito. Ano ba naman kasing insekto ang nagtangkang pumasok sa mata ko. Masyado syang mapangahas. Tsk tsk tsk. 

Patuloy pa rin ako sa pagdadampi at pagpapapatak ng tubig sa mata ko nang biglang magbukas ang pinto ng banyo. Napatingin naman ako dito at nakita kong nakatayo si Grae dito. 

Nakapikit ang isa kong mata habang tinitignan syang lumalapit dito."Bat ka tumayo sa kama mo? Hindi ka pa pwedeng maglilikot sabi ng doctor." Parang hindi nya ata naririnig ang mga sinasabi ko dahil patuloy pa rin syang naglalakad papunta sa gawi ko. 

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now