♛―CHAPTER 39―♛

6.2K 222 59
                                    




Yanna's Point of View

"What are you doing here?" Katapat ko si Louie ngayon sa upuan. Napapa-irap na lang ako sa ginawa nyang katangahan nung event. Hindi talaga sya nag-iisip.

"Mas pinalala mo yung sitwasyon Louie. Tss, look at you now! Hindi nakatulong ang pagpapakalat mo ng scandal video ni Grae. " I shout at him. "Tsaka, kasama ba talaga sa plano mong kidnappin si Aye? Oh my god Louie, get some respect on me, hindi naman maipagkakaila na mas maganda ako kesa sa babaeng 'yon diba? Then why did you kiss her? All of your plan didn't work, geez!" Napaiwas naman ako ng tingin nang bigla syang ngumisi at tumingin ng masama sakin.

"Nandito ka ba para lang sabihin yan sakin?" Umiling sya at hinampas ng malakas ang table bago tumayo. "Hindi pa ko tapos, you better wait for the real comeback Yanna...kasi baka pati ikaw, hindi ko na makilala kapag nakalabas ako dito."

Napabuga ako ng hangin dahil sa inasta nya. Tumayo ako at tinawag ang pangalan nya, tumigil naman si Louie sa paglalakad. "How may I help you?" Nagdadalawang isip kong tanong. He's creepy but I also need him. Gusto kong hindi maging masaya ang dalawa, they're not deserve to be happy, lalong lalo na ni Aye. She's not worth it for him. "I can call my personal lawyer para mapabilis ang paglaya mo dito. Alam kong wala kang mahihinging tulong with your dad and mom because they are too far away but I can—"

"Stop." Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Louie, he's turning his back at me. "Gusto kong makalaya na dito bukas, kaya mo ba?"

Napaawang naman ang dila ko sa sinabi nya. Tss, look at this shit, he's talking to me like I'm his slave. Kung hindi lang talaga kita kailangan dito, I don't care for you.

"Let see." Sagot ko sa kanya bago ko isuot ang sunglass ko. "Just be wise on this plan para di na mabulilsayo." Lumabas na ako ng police station pagkatapos syang kausapin.

Masyado ng malayo ang nararating ng pangyayaring ito. I hope this will end up soon and I know, konting oras na lang mapapasakin na din si Grae.



Aye's Point of View

"Waaaaah!" Kinalog kalog ako ni Paula habang kinukwento ko sa kanya ang nangyari samin ni Grae nung isang gabi. Nakakailang hampas na din sya sakin na para bang wala syang pakialam kung may sugat sya kaliwang braso nya. "Hinalikan ka ba nya? Ni-hug o ano? Tapos anong sabi nya nung sinabi mong mahal mo sya?" Kinikilig nyang tanong.

Tinignan ko naman sya ng masama dahil doon, masakit na ang paghampas nya at nahihilo na ko sa ginagawa nyang pag-alog sakin. "Nasabi ko na din yan kanina ah. Paulit ulit na tayo Paula. Alam mo kumain ka na lang dyan."

Napanguso naman ang buang, "Eh kasi akalain mo, magugustuhan ka rin pala ni Grae! Sabagay, hindi ka naman sobrang pangit! Pero bes, congrats! May jowa ka na!"

Tinakluban ko naman ang bibig nya gamit ang isang daliri ko. "Wag mo ngang isigaw yan, nakakahiya. Baka may makarinig sayo."

"Kinahihiya mo bang maging boyfriend si Grae? Bahala ka aangkinin ko 'yon, choosy ka pa." Sabi nya at isinubo ang burger na pinabili nya kanina.

"Hindi ko sya kinahihiya. Sira ka talaga." Hinampas ko ng marahan ang hita nya at saka inabot yung isang balot ng fries.

Habang kinakain ko yung fries, nakatingin sya sakin, di ko tuloy maiwasan na makatingin din sa babaeng 'to. "Anong tinitingin tingin mo dyan?" Puna ko sa kanya.

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon