♛―CHAPTER 12―♛

6.8K 291 3
                                    

Pamilyar sakin ang lugar na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pamilyar sakin ang lugar na ito. Natatandaan ko fountain na kulay blue sa hardin ng bahay---este mansyon na ito.

"San nyo ba talaga ako dadalhin?"-hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nagsalita na ako.

" Diba sabi namin wag kang maingay?"-seryosong sabi nung lalaking nasa kaliwa ko.

Napakagat na lang ako ng labi dahil pinipigilan kong magsalita ang sarili ko. Inirapan ko sya ng pak na pak.

"We're here!"-sabi naman ng nagdadrive na lalaki sa unahan. Kaklase ko ang mga ito dahil ng uniform na suot nila.

Tinulak nila ako palabas ng sasakyan kase ayaw kong lumabas doon.

Sabi ko na nga ba! Nakapunta na ako dito! Bahay to nina Grae eh!

" Anong ginagawa natin dito sa bahay nina Grae?"-takang tanong ko.

Narinig kong may kausap yung lalaking nasa kaliwa ko kanina.

"Tita, we're here. San po ba namin sya dadalhin?"-tanong nya sa tinatawag nyang tita.

Hindi ko narinig ang isinagot ng tinatawag nyang tita. Nang ibinaba nya ang phone nya ay hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula kaming lumakad papasok. 

"Bahay to nina Grae diba--"-hindi pa ako tapos magsalita nang biglang magsalita na agad ang may hawak ng kamay ko. 

"Good mornig tita."-ani nya. Napatingin naman ako sa tinawag nyang tita.

"Tita?!"-gulat kong tanong nung makita ko ang mama ni Grae sa may dining room. 

"Hi Aye. Maligayang pagbabalik saaming bahay."-pagbati ni tita saakin. Naguguluhan ako kaya nanatili akong nakanganga sa kanya. 

Nakita ko lang na lumapit sakin si tita at hinawakan ang balikat ko. " Ayos ka lang ba hija?"-tanong nya.

"Te-te-teka. Ano po bang meron? Sino po sila?"-sabay turo ko sa mga lalaking dumukot sakin. 

Napatingin si tita sa itinuro kong grupo. " Ah sila ba? They are my nephews and Grae's friends. Hindi ba sila nagpakilala sayo?"

Muntik ng mahulog ang panga ko sa sobrang gulat. Nephew? Potek! Kala ko mga kidnapper na! Sabagay, di naman sila halatang kidnapper dahil ang gwapo naman nilang kidnapper! 

"Nephew nyo po? Eh bakit parang kinidnap po ako ng mga to at pilit na isinakay sa kotse nila."-nagulat si tita sa nasabi ko. Napatingin din sakin ang mga lalaking iyon, ang dalawa naman ay patagong napaismid. 

"Gio? Hijo, bakit nyo naman trinano ng ganon si Aye? Sabi ko lang naman is kung pwede nyong i-excuse ang batang ito. Hay nako, kayo talaga puro kayo kalokohan."-mahinhin na sabi ni tita, hindi sya galit natatawa pa nga ng kaunti. 

" I'm sorry tita. Nilagyan lang namin ng thrill ang pagkuha kay Aye."-sagot ng nagngangalang Gio, yung nasa front seat kanina. Bwisit! 

"Ah. . . eh. . . ano nga po palang gagawin ko dito? Bakit nyo po ako pinapunta? "- takang tanong ko kay tita. 

" I just want to ask a favor to you hija, Pwede ba?"-malambing na tanong ni tita sabay hawak ng kamay ko. 

Napaturo naman ako sa sarili ko."Ak--ako po? Sige po, ano po ba yon?" 

"Let's go inside. I will discuss it to you."-bumaling ang tingin nya sa apat. "Gio, thank you for cooperation, you may go now."-sabay ngiti ni tita. Nagmano naman ang apat kay tita at umalis na din. 

Ayos kayong apat ah. Tsk tsk. 

Pumasok na kami ni tita sa kanilang bahay. Pinaupo nya ako sa sofa at pinakuha ng maiinom ang yaya nila. Walang tao sa kanila, siya lang at ang mga kasambahay ang nandoon. Wala si Grae. Mabuti naman. 

Ngumiti sakin si tita. Makahulugang ngiti. Ginantihan ko naman ang ngiti nya at ngumiti din ako. 

"Ano po bang pag-uusapan natin tita? "-nakangiti akong nagsasalita. Kahit awkward pakinggan, hehe. Nakangiti habang nagsasalita? Pabebe? 

"Pwede mo bang samahan si Grae dito sa bahay?"-malungkot ang mga mata ni tita pero nakangiti pa rin ang kanyang mga labi. 

"P-po? B-bakit po ako?"-gulat na tanong ko. 

"Ikaw lang kasi ang babaeng kilala ko na pwede kong pagkatiwalaan sa anak ko. Yes, it's too early to trust you, hija. Pero magaan na agad ang loob ko sayo. Please? Can you do me a favor? It 's just for 1 month. Grae's father is in the South Korea at uuwi din ako after non. Can you? "

Natagalan ako sa pag-iisip. Mabait naman si tita pero kay Grae lang ako walang tiwala. Napakasama ng ugali ng lalaking yon. Baka mamatay na ko nang wala pang isang buwan. Ayoko. Ayokong makasama si Grae sa iisang bahay. 

"Alam kong malaki na si Grae pero I need someone that can update me on what's Grae's doing. Since magkaklase kayong dalawa, mas malalaman ko kung ano ang pinagagagawa ng batang yon by asking you an update. Tsaka pwede ka namang umuwi pagweekends."-hawak hawak ni tita ang mga kamay ko. Aish? Bakit kasi ako? Sorry tita, mabait ka pero yung anak mo kasi, demonyo. Huhu! 

Huminga ako ng malalim. Desidido na talaga ako sa desisyon ko. "Okay po tita. Gagawin ko po ito para sa inyo. Magpapaalam na lang po ako kay Tami para dito."

Shit! Sabi ko ayaw ko! Pero naaawa kasi ako kay tita. 1 month lang naman yung titiisin ko diba? Yung pagpasok nga namin araw araw natitiis ko, 9 months pa yon, ano pa kaya yung 1 month lang diba?

"Ako na ang bahalang magpaalam sa guardian mo and don't worry, i will pay for your work."-masiglang sagot ni tita. 

"Ay nako, wag na po tita. Okay lang po"-pagtanggi ko sa alok nya. 

"No, nagtatrabaho ka na din sakin, at lahat ng gagawin mo ay dapat ko lang na suklian. Thank you hija. "-aniya. 

Pano na 'to? Go na ba Aye? Hays, okay lang yan. Iwasan mo na lang si Grae, malaki naman ang bahay na 'to. Update lang din naman ang kailangan ni tita diba? Sisilip silipin ko na lang sya. Go! Kaya mo to Aye. Sana. Huhu!


Author's Note: 

Hello AnFiKoBa readers, pasensya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Sana nagustuhan nyo ang kakapiranggot kong update. Pasensya na talaga, susubukan kong makapag update ulit. Sana di pa kayo nagsasawa. Ayun lang~ Please vote and comment para pampagana. Mwuapszxs. Mahal kayo ni Otor. Halabyu ul. Keep on fighting! Keep on waiting (sanay na naman kayong maghintay diba? HAHAHA) Wink*


Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now