♛―CHAPTER 38―♛

5.4K 230 31
                                    


............................

Author's Note

" Hello AnFiKoBa Readers, pasensya na kung sobrang tagal bago ako mag-update, sobra kasing hectic ng schedule. Pasensya na talaga, sana patuloy pa rin kayo sa pagsuporta ng story ni Grae at Aye. Sisiguraduhin ko din na pagdating ng bakasyon tapos na ang book nila. Keep on reading po. Bigay kayo ng opinion, negative o positive tanggap ko 'yan. Maraming salamat sa suporta! Lalo akong ginaganahan magsulat dahil sa inyo. "


............................  

Aye's Point of View



Nasa loob kami ngayon ng hospital. Wala na sa ayos ang itsura naming lahat dahil sa nangyari kanina. Wala na rin akong suot na contact lense at bumalik na sa dati ang mata ko, ginagamit ko na ulit ang salamin ko. May ilang make up pa namang makikita sakin pero hindi na 'yon kasing linaw ng kanina. Pinasuot muna sakin ni Nikk ang tuxedo jacket nya dahil sa lamig. Sinabi ko naman din kina Grae at Nikk na hindi na kailangang dalhin pa ko dito, pero sila yung makulit kaya hinayaan ko na. Mas malala pa nga yung nangyari sa kanilang dalawa kesa sakin. Natamaan si Nikk ng bala samantalang si Grae naman ay puro scratch at wounds sa mukha't katawan. Si Paula naman ay nagpa-confine din dahil medyo malalim yung daplis sa kanya ng bala at kailangan pang tahiin.

Hindi ko tuloy lubos maisip na hahantong sa ganito ka-creepy ang gabing 'yon. Hindi ko inaasahan na kayang gumawa ng ganito ni Louie.

Habang nakaupo ako sa labas ng kwarto ni Paula, iniisip ko 'yung mga nangyari kanina. Kahit anong gawin kong paglimot don, hindi ko magawa. Kusang bumabalik at nagpa-flash lahat sa isip ko.

Napapatong tuloy ang mukha ko sa dalawang palad ko habang ang siko ko'y nakatuon sa dalawa kong hita.

Habang hinihilot ko ang sentido ng noo ko, may biglang kumuha ng kamay ko at itinayo ako. Nakita ko si Grae na humihila sakin.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papaakyat ng hagdan.

"Sa roof top." Hindi sya lumingon man lang sakin at patuloy pa rin ang paglalakad namin.

Napapakagat ako sa pang ibabang labi ko habang napapaisip kung ano ang binabalak nya. "Anong gagawin natin don?"

Napatigil kami saglit at sa pagkakataong ito, dahan dahan syang humarap sakin. Medyo nagulat pa ako sa seryosong mukha nya na bumungad sakin, "Pag-uusapan natin yung sinabi mo kanina." Pagkasabi nya noon ay muli kaming naglakad.

Sandali akong natahimik sa sinagot nya. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumikom ang bibig. Anong sasabihin ko, nasabi ko nga pala kanina ang salitang 'mahal ko sya.'

Naramdaman kong binitawan nya ang kamay ko. Malamig din ang simoy ng hangin na bumalot sa katawan ko kaya alam kong nandito na kami sa roof top ng hospital.

Hinarap nya ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil pakiramdam ko tuwing malapit sya sakin, nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa takot ako sa kanya kundi dahil alam kong mahal ko na ang lalaking ito.

"Gusto kong marinig ulit sayo ang salitang 'yon." Nakatungo ako habang nagsasalita sya sa harap ko. Hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya ngayon, hindi ko alam kung bakit. Dahil ba takot akong malaman ang totoong nararamdaman nya din para sakin? Takot ba kong baka hindi mutual yung feelings namin?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, "Ang alin?" Pagpapatay ko ng malisya. Napapikit ako dahil hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. "Hindi ko—" Naputol ang sasabihin ko dahil sa gulat nang bigla nya akong hawakan sa bewang at hinapit papalapit sa kanya.

Yakap nya ako habang nakahawak sa bewang at ulo ko. Nararamdaman ko din ang init ng hininga nya malapit saking tenga, "Gusto kong marinig ulit sayo ang salitang mahal mo 'ko. Gusto kong sabihin mo ulit na mahal mo nga talaga ako." Sa bawat salitang binibitawan nya, nanlalambot ang tuhod ko, hindi ko alam pero grabeng tensyon ang ibinibigay ng boses nya sakin.

Napalunok ako dahil sa ginawa nya, kinakabahang ibinuka ko ang bibig at ginawa ang gusto nyang marinig, "Mahal kita Grae..."

Kinabahan akong baka nga tama yung iniisip ko, na baka hindi nya ako mahal. Binitawan nya ako sa pagkakayakap. Sinubukan ko ding tumingin sa kanya, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga tinging 'yon galing sa kanya.

"Pakiulit..." Mahinahon nyang pakiusap. Hindi ko alam kung uulitin ko ulit 'yon kasi pakiramdam ko ginugoodtime nya ko. Tinignan ko sya habang magkasalubong ang kilay ko, hindi ko naman alam kung bakit sya nagpakawala ng ngiti, "Nabibingi kasi ako tuwing sinasabi mo 'yang ganyang salita. Pwede bang isa pa?"

Hindi ko napigilan ang ngiting gumuhit sa mga labi ko, pakiramdam ko'y gustong lumabas ng nangangalabog kong puso. Sobrang bilis ng tibok at parang ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kilig.

Ibang iba tuwing naihi ako.

"Ikaw Grae? M-mahal mo din ba ko?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Parang bigla tuloy nag-init ang dalawang tenga ko dahil sa nararamdamang hiya nang mag-iba ang ekspresyon ng mukha nya.

"Hindi..."

Nagulat ako sa sinagot nyang 'yon. Napatungo ako. Sabi ko na nga ba ako lang ang nakakaramdam nito.

"Hindi ka nagkakamali dahil mahal na rin kita." Dugtong nya sa sinabi. Hinawakan nya ang chin ko at itinaas 'yon. Nakita ko ang ginawa nyang paglapit sa mukha ko.

Hindi ako makagawa ng anumang aksyon dahil doon. "I love you more than you loved me." Dahan dahan nyang inilalapit ang mukha nya sakin, napapikit ako dahil sa sobrang lapit.

Napaiktad naman ako nang halikan nya ang noo ko. Sobrang higpit din ng pagkakayakap nya sakin, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Grae at masaya akong maramdaman 'to. "Sorry kung nahuli ako ng dating kanina." Pinapakinggan ko lang ang mga sinasabi nya habang nakayakap sakin. "Hindi agad kita nailayo kay Louie, but I promise you, hinding hindi ka na ulit nya mahahawakan."

Umalis ako sa pagkakayakap nya at nakangiting humarap sa kanya. "Salamat Grae..."

"Pwede bang magtanong?" Napakamot sya ng ulo, "Ahh, yes I'm already asking a question but can I ask you a question?" Nahihiya nyang banggit. Natatawa naman ako dahil tingin ko ay awkward 'yon para sa kanya.

"Oo naman. Ano ba 'yon?" Nakangiti kong sagot habang pinapanuod sya.

Huminga muna sya ng malalim at tumingin sa langit bago ibalik sakin ang tingin. "Sabi mo kanina mahal mo ko, mahal din naman kita. So, ibig sabihin ba nito tayo na?"

Muntik na kong masamid sa sarili kong laway nang sabihin nya 'yon. "Pero hindi ka pa nanliligaw." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Hindi na naman siguro kailangan diba?" He smiled. "Araw araw ko namang ipaparamdam sayo na nililigawan kita at pinapangako kong hindi ka nagkakamaling naging tayo." Nakatungo sya habang sinasabi 'yon. Kitang kita ko din sa mga tenga nya ang pamumula nito. "Alam kong baduy pero wala akong pakialam, ang mahalaga ay sagutin mo ko at maging tayo—"

"Oo, tayo na. Sinasagot na kita." Mabilis kong sagot sa kanya. 

Ang Fiance Kong Bakla?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin