CHAPTER 44

6.3K 198 45
                                    

Aye's Poit of View

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Araw na pinakamahalaga at minsan lang maganap na kasiyahan para sa isang babae.  A celebration which celebrates a young woman's 18th birthday, the age of our maturity-- the day that I'm not going to lose my one and only man, Grae Soriano. The only man I loved. Hinding hindi ko gagawing masamang alaala ang araw na 'to dahil hindi ako bibitaw. Kahit anong mangyari, kay Grae ako. Sa kanya lang ako. Nakalaan kami para sa isa't isa. Wala akong pakialam kung pinagbabantaan ni Louie ang buhay ko o ang buhay ni Grae.

"Nasa venue na sila. Tara na?" Hinawakan ako ni Paula sa braso at masayang nakangiti sakin. 

Pilit akong ngumiti kahit may kabang nagdadabog sa dibdib ko. 

Naramdaman ata ni Paula ang pangamba ko. Marahan nya akong pinitik sa ilong at walang ingat na inakbayan. Mabuti na lang at hindi nagulo ang ayos ng buhok ko sa sobrang bigat ng kamay nya sa balikat ko. "Sira! Hindi invited si Louie, wag kang mag-alala. Walang masamang mangyayari. Nasa'yo lang ang mata ni Grae." Kumindat sya pagkasabi noon. 

Alam kong pinapagaan nya lang ang loob ko pero alam kong nag-aalala din sya sa mga posibleng mangyari. Naikwento ko na kay Paula ang nangyari noong nakaraang linggo. Gustong gusto nyang kausapin si Louie pero pinigilan ko sya. Ayokong pati sya ay madamay sa kahayupan ni Louie. Alam kong sa pulis o sa awtoridad kami nagsusumbong pero malakas ang pamilya ni Louie, pwede nilang linisin ang kahit anumang dumi na ginagawa ng kanilang nag-iisang anak. 

"Alam ko naman 'yon. Sino bang may sabi na nag-aalala ako?" Bahagya akong tumawa at naunang pumasok sa pinadala ni Grae na sundo namin. 

Parehas kaming nasa likod ni Paula at komportableng nakaupo. Habang nag-uusap kami, biglang nagring ang cellphone ko. Agad ko 'yong kinuha sa dala kong shoulder bag at sinagot. 

"Hello Grae?" Nakangiti akong sinagot ang tawag nya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga oras na 'to. 

Siniko naman ako ni Paula at malakas na tumawa. "Hoy Grae, excited much ka masyado? Hindi makapaghintay? Jusko may patawag tawag ka pa! Hala! Wag kang mag-alala, on the wayasdfghjkl..." Tinakluban ko ang bunganga ni Paula gamit ang isa kong kamay dahil sa sobrang ligalig ng bunganga nya. 

"Bat ka... napatawag?" Hindi ko tuloy makausap ng maayos si Grae dahil sa likot ng babaeng 'to. 

"Mamaya na kayo mag-usap, magkikita din naman kayoasdfghjkl..." Pilit pa rin na nagsasalita si Paula kahit na tinatakluban ko ang bibig nya. Hays, ang kulit. 

"I just want to hear your voice. Malapit na ba kayo?" Sagot ni Grae sa tanong ko. Parehas kaming natigilan ni Paula sa pagkukulitan. Napa-ayiee si Paula habang tinutusok ang tagiliran ko. 

Nagpipigil ako sa pag ngiti pero hindi ko mapigilan. "O-oo, siguro. Malapit na kami. Tanong ko lang kay Manong kung nasan na kami." Kinulbit ko si Manong driver. "Manong malapit na po ba tayo sa venue?"

Lumingon si Manong at ngumiti. "Malapit na po tayo. Nasa main road na."

"Rinig mo naman siguro 'yon, Grae? Nasa mabuting kamay si Aye, you don't have to worry about us." Napapa-english na sabi ni Paula kay Grae. Sa pagkakataon kasi na ito, hindi ko na hawak ang bibig nya kaya malaya syang nakakapagsalita.

"Give your phone to her." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Grae at nang mapagtanto ko kung sino yung 'her' na sinasabi nya ay agad kong iniabot kay Paula ang phone ko.

"Bakit daw?" Tanong ni Paula ng iabot ko sa kanya ang phone ko.

Nagkiit balikat lang ako dahil hindi ko rin alam.

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon