♛―CHAPTER 42―♛

5.5K 185 42
                                    



Paula's Point of View

"Ano bang nangyari Grae?" Tanong ko kay Grae habang nasa labas kami ng clinic. Dali dali kaming bumalik ni Nikk sa classroom nang mabalitaan namin ang nangyari kay Aye.

"I don't know. Nagcollapse na lang sya kanina." Halata sa tono ng pananalita ni Grae ang pagkainis at ang pag-aalala. "Hindi daw sya kumain kaninang umaga. But I think that's not enough reason para himatayin sya agad." Dugtong nya sa sinabi kanina.

Napakagat ako sa pang ibabang labi nang mapagtanto ang sinasabi ni Grae. Tama sya, hindi naman ganon kahina ang resistensya ni Aye para himatayin sya agad.

"Bumalik na naman siguro ang hika ng impaktang 'yon." Napasinghap ako nang maalala ang sakit nya.

Napahilot naman si Grae sa sentido at pagkatapos ay pinagdaop ang mga palad.

Naghintay kami ng limang minuto bago lumabas ang school nurse.

"Pwede na kayong pumasok." Anunsyo nya samin at agad na naunang pumasok si Grae.

Mahimbing pang natutulog si Aye. Suot nya pa rin ang uniform nya at parang walang nangyari. Yun nga lang, maputla ang labi nya dala ng pagkakahimatay nya kanina.

"She's fine. Just don't forget to give inhaler on her." Payo ng school doctor samin. Pagkasabi ng doctor ay lumabas na din ito.

Napahinga naman kami ng maluwag nang mabalitaan ang magandang balita na 'yon. Bwisit kasi 'tong babaeng 'to, ayaw magsasabi na may nararamdaman pala syang masakit. Tsk. Ang sarap nyang hampasin ng hallow blocks!

Ilang sandali pa, narinig namin ang pag-ungot ni Aye. Agad din naman kaming lumapit sa kanya at hinitay syang magising.

Nang magising si Aye, nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Ngumiti sya samin ng makita nya kaming nakatingin sa kanya.

Hinampas ko naman sya sa braso at inis na tumingin sa kanya. "Bwisit ka talaga!" Bulyaw ko. Napaaray naman sya ng kaunti at agad na masama ang tingin sakin ni Grae.

"Bakit kasi hindi ka nagsasabi! Gusto mo na bang mamatay? Kung gusto mo ng mamatay ako na papatay sayo!" Dugtong ko sa sinabi ko kanina. Nakakainis kasi.

"Kumalma ka nga." Napalingon naman ako sa tabi ko nang magsalita si Nikk. Agad akong napatikhim dahil nag-over acting pala ako. Nakakahiya. Ang lakas pa naman ng boses ko.

Narinig naming tumawa si Aye nang kaunti. "Sorry..." Nakangiti nyang wika habang nakatingin samin.

Umupo sya sa kama na tinulungan kong makaupo. Nakatingin lang kasi si Grae. Parang walang balak tulungan si Aye para umupo. Seryoso lang na nanunuod sa ginagawa ni Aye.

"Ano ba kasing iniisip mong babae ka? Hindi mo sinabi sakin na bumalik na pala yang hika mo!" Naiinis na naman ako. Hays.

"Wala. Ayoko kasing mag-alala kayo. Kilala pa naman kita. Napaka-oa mo!" Tumawa sya. Nakukuha pa ng babaeng 'to tumawa.

"Can you just leave us alone?" Natigil naman kami sa pagtawa nang marinig ang seryosong boses ni Grae. Hindi sya nakatingin samin ni Nikk, nakatutok ang seryoso nyang tingin kay Aye. Nako, patay k bes. Hindi ako yung oa. Syota mo yung oa.

"Ahm-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang higitin ni Nikk ang kamay ko. Sabay kaming lumabas sa pinto at binitawan nya rin agad.

Para namang nanikip ang dibdib ko nang hawakan nya ang kamay ko.

"Let's give them a time to talk." Wika ni Nikk at tumayo malapit sa bintana ng corridor. Ang gwapo talaga nya kapag naka-serious face. Oh Nikk Marasigan, eat me!

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now