CHAPTER 50

5.1K 147 87
                                    






Agad akong umalis sa kinatatayuan matapos kong aksidenteng pakinggan ang pinag-usapan ng dalawa.

Pakiramdam ko ay tutulo ang mga luha ko anumang oras. Nanginginig ang mga kamay ko at sumisikip ang dibdib.

Pagkarating ko sa familiar na comfort room nina Grae, naipatong ko ang dalawang palad sa ibabaw ng sink.

Malalalim ang hininga ko at mabibilis. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero tinuruan ko ang sarili na kumalma.

Nangangambang baka mamaya ay atakihin ako ng sakit ko.

Nahihirapan akong lumunok ng laway at dahan-dahang nag-angat ng tingin sa salamin.

Namutawi room ang maiinit kong mga luha na hindi ko man lang namalayan kanina na umiiyak na pala ako.

Bawat segundo ay hindi ko maiwasang hindi kumurap nang mabilis. Naririnig ko pa rin ang pinag-usapan ng mga magulang ni Grae.

May posibilidad kayang totoo ang mga iyon?

Ipapakasal ba s'ya kay Ymarie?

Muli akong huminga nang malalim at ilang beses na umiling. Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko at inayos ang sarili.

Mabilis akong umupo sa toilet bowl at umihi. Nakalimutan ko ang pakay ko rito sa loob ng comfort room.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit kinakalimutan ang mga narinig kanina.

Pagkatapos kong umihi, agad akong naghugas ng kamay at inayos ang sarili, kasama ang suot kong dress.

Hindi naman ako mukhang umiyak at nagpapasalamat ako roon.

Naghuling sulyap pa ako sa salamin bago ko buksan ang pinto. Nang makalabas ako, bahagya akong nagulat pagkakita kay Grae na nakatayo sa gilid.

Agad niya akong nilapitan, nakangiti ito ng maganda sa akin kaya naman gumanti rin ako ng ngiti.

"You're so pretty..." Sambit nito nang makalapit, mas lumawak ang aking ngiti.

Mayamaya pa ay pinagdaop din niya ang kamay naming dalawa at sabay na naglakad palayo sa comfort room.

Nang makarating kami sa malawak na dining area ng bahay, namataan ko agad doon ang mag-asawa.

Ang Mommy at Daddy ni Grae na kanina lamang ay pinag-uusapan ang anak.

Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin.

Sana pala ay hindi ko na lang iyon narinig para hindi ako nagkakaganito ngayon.

Mas lalo akong nahihirapan at natatakot na harapin sila.

"Don't be nervous..." Namamaos na paalala ni Grae sa 'kin. Marahil ay naramdaman n'ya ang namumuong kaba sa aking sistema.

Nginitian ko ito at mahigpit na hinawakan ang kamay.

Ilang beses akong huminga bago tuluyang makarating sa kanila.

"Mom..." Binitawab ni Grae ang kamay ko at humalik sa ina.

Ganoon din naman ang ginawa ko. Bumati rin ako sa Daddy nito, nagdadalawang isip pa ako kanina kung gagawin ko rin ba ang ginawa ni Grae rito.

Hindi ako pamilyar sa kan'ya kaya noong una ay nakataas pa ang dalawang kilay nito.

Matangkad ang ama ni Grae at medyo may pagkamataba. Napakatangos ng ilong na akala mo isang foreigner kung titignan.

Maputi rin ito kaya binagayan ng kanyang suot na formal brown suite.

Hindi naman nagmukhang marumi ang kan'yang mukha dahil ng bigote at ilang buhok sa gilid ng pisngi, bugkos ay nagmukha pa itong elegante.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now