♛―CHAPTER 31―♛

6.5K 225 60
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasa loob kami ng bahay nina Paula. Dito na muna kami nagdiretso habang sina Grae at Nikk naman ay umuwi na sa kanila.

Halos iniisip ko pa rin yung sinabi ni Grae kanina lang. Naka-face palm ako habang pinapagulong gulong ng paulit ulit ang lapis na nasa aking harapan. Nabulabog naman ako sa pag-iisip nang biglang hatawin ni Paula ang kamay ko. Muntik na tuloy akong mapasubsob sa table.

"Ano bang nangyayari sayo? Sinabihan ka lang ni Grae ng ganon nawala ka na agad sa sarili—" Sabi ni Paula.

Tumingin ako ng masama sa kanya. "Hindi yon madaling intindihin Paula! Sobrang nililito ako ni Grae ngayon, alam mo ba yon?" Sabi ko sa kanya at napasandal sa upuang inuupuan ko. Umungot ako at ipinikit ang mga mata.

Naramdaman kong lumapit sya sakin. "Tss, hindi ka naman mahihirapan ng ganyan kung wala ka ring nararamdaman para kay Grae."

Agad naman akong napatingin sa kanya. "Wala ha!" Umiling ako. "Wala akong nararamdaman para kay Grae!"

Ngumiti si Paula at napaisod pa ng upuan. Parang nanloloko pa yung mga ngiti nya. "Sus. Hindi ako naniniwala." Gigil nya.

Napakunot-noo ako. "Bakit naman hindi."

Humalakhak sya. Konti na lang talaga iisipin kong may sumasapi na naman dito. "Hindi ko na kailangan sagutin yan kasi alam mo na yung sagot." Tumayo sya at pumunta sa ref. "Aye, kilala na kita," Lumapit sya sa table at nagsalin ng tubig. "Alam ko kapag may nagugustuhan ka at hindi. Una, hindi ka magaling magtago ng feelings," Uminom muna sya ng tubig bago ituloy ang sasabihin. "Pangalawa, ang pangit mong umarte na wala kang nararamdaman. Tss, patay malisya gusto din naman si Grae."

Binato ko ng kalamansi si Paula dahil sa kung ano anong sinasabi nya saakin. "Hay nako! Wala nga sabi akong gusto kay Grae!" Napakamot ako sa leeg ko at pagalit na tumayo sa upuan. "Tigilan mo na nga yang pag-iisip mo na may gusto ako kay Grae." Umayat na ako sa taas at padabog na isinarado ang pinto.

"Pabebe!" Sigaw nya sabay tawa ng malakas. Hays! Pambihira ka talaga Paula! Wala kang kwentang kaibigan.

Pabagsak akong humiga sa kama. Talaga bang wala akong nararamdaman para kay Grae? "Waaa. Oo wala. Ano bang iniisip mo Aye?" Isinubsob ko ang ulo ko sa unan.

Sinubukan kong matulog para hindi na lang isipin yung mga nangyari kanina pero kapag pinipikit ko ang mga mata ko, nagpo-pop up sa utak ko yung mga nangyari at naririnig ko ang boses ni Grae.

"Waaaah!" Napakagat ako sa kumot ko at nagtalukbong. Yung puso ko, ang lakas ng tibok.

Inalis ko ang kumot sa muka ko at tinapik ng ilang beses ang dibdib ko't huminga ng malalim na paulit ulit. Naaa, hindi pa rin gumana! Napabangon naman ako sa higaan at ginulo ang buhok. "Haysss! Meron na ata."

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now