♛―CHAPTER 34―♛

5.9K 212 21
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kasalukuyan kaming nakaupo sa harap ng stage. Lahat ng Senior High School ay nag-aantay magsimula ang magaganap na meeting. Malapit na kasi ang acquaintance kaya nagsisimula na ang mga Supreme Eastern Travis Government ng isang pagpupulong.

Magkahiwalay ang lahat ng mga babae sa mga kalalakihan, kahit pa magkasection kayo. Katabi ko si Paula, sina Yanna at ang iba pa naming babaeng kaklase ay nasa hulihan.

Excited namang humarap sakin si Paula. "Sana all." Sabi nya

"Anong sana all?" Tanong ko naman. Napakunot ako ng noo sa sinabi nya.

"I mean, sana all makasali." Tatawa tawa nyang sagot.

"Ano ka ba? Syempre lahat makakasali. Event 'to ng school kaya dapat lang na sumali ang lahat."

Nagkibit balikat sya at ibinalik na ang tingin sa stage. Ilang sandali pa ay may nagsalita na sa unahan. Ito siguro ang president ng SETG, dahil sya ang may pinakamagandang uniform sa mga natitirang myembro.

"Good morning Eastern Travis Students!" Bati ng president. Iilan lang ang bumati dito. Kalahati ng mga babae at parang wala pang kalahati para sa mga lalaki. "Okay, parang hindi kami welcome at walang gana ang mga students ngayong araw ah." Napatungo ang presidente at muling nagtungahay na nakangiti. "We just want to announce that there will be a program on next week!" Ilan lang ulit ang na-excite sa ina-nnounce ng president kasama na doon si Paula, ako naman ay pumalakpak lang ng bahagya.

"So, napag-isipan naming mga Supreme ETG na magsearch sa buong university ng maaring lumaban para sa tatanghaling Mr and Ms ETU 2017. And guess what," Preno ng kinikilig na presidente. "We're finding and accepting couples only. Tutal marami na namang magaganda at naggwagwapuhang couples ang Eastern Travis University, bakit hindi na lang sila ang gawin nating panglaban diba?" May-enjoyment ang tono ng pananalita nya.

Nalungkot naman si Paula. "Ay, couples! Dapat hindi couples! Unfair naman!" Inis nyang tutol.

Napa-ismid naman ako. "Bat parang apektadong apektado ka? Sure ka ba na mapapasama ka sa Mr and Ms ETU? Hahaha, gising na Paula, tanghali na." Asik ko.

Papaluin nya sana ako nang bigla akong umiwas. Mabigat kaya ang kamay ng babaeng 'to kaya konting hampas nya lang sa katawan ko mahapdi na.

"So we're hoping that you will cooperate on our biggest program next week. Uumpisahan namin ang paghahanap mamayang hapon. Mag-iikot kami sa bawat room para masigurado naming worth it ang rarampa sa red carpet papuntang center of the fortune para sa mananalo. Good luck Students!" Aniya at umalis na sa stage.

Natapos na ang meeting at ang lahat ay nagsipagtayuan na sa kanya kanyang upuan. Tumayo na din kami ni Paula, hindi pa man kami nakakapaglakad ay bumanat na agad si Ella. "Hey Yanna, mapapasali ka pa ata sa Mr and Ms ETU! My god, ikaw lang naman ang representative ng room natin."

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now