♛―CHAPTER 24―♛

6.1K 254 25
                                    

Hindi ako makapaniwala na ganon ang isasagot ni Grae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ako makapaniwala na ganon ang isasagot ni Grae. Sobrang inis na inis ako sa kanya ngayon. Gusto ko syang sipain dahil sa ginawa nya. Lalo nya lang kasing pinalalala ang sitwasyon. 

"Grae, what are you doing?" Tanong ni Nikk kay Grae. 

Tumingin si Grae kay Nikk at nagkibit balikat. "I'm just answering their question. That's it." 

"Can I talk to you?" Maang ni Nikk. 

"Hindi. Kailangan ko syang makausap." Seryoso akong sumingit sa dalawa. Masama naman akong tumingin kay Grae. "Sumunod ka sakin." Nagsimula na akong maglakad at hindi na pinansin ang mga binubulong at mga tapong tingin ng mga kaklase ko. 

Mabilis kaming nakarating sa lumang stock room. Hindi ko din alam kung bakit ito ang lugar na pinagdalhan ko sa kanya. Dito na lang din kasi ako dinala ng paa ko. Wala masyadong tao dito at paniguradong walang makakarinig samin. 

Humugot ako ng lakas para harapin sya. Nang haharapin ko na sya ay bigla akong nabunggo sa malapad nyang dibdib. Napaatras tuloy ako at napahawak sa noo. 

"Grae ano bang pinaggagagawa mo?" Inis kong tanong sa kanya. Di ko sya kayang tignan. Hindi ko alam kung bakit. 

"Hindi ko kasalanan na bubunggo ka sakin. Sumunod lang ako sa sinabi mo." Walang karea-reaksyon nyang sagot. 

Napasinghap naman ako."Hindi yon ang tinutukoy ko!" Sigaw ko sa kanya pero tumingin lang sya sakin at iniba na ulit ang tingin pagkatapos. 

"So what?" Bored nyang usal at umupo sa bakal na lumang aparador. 

"Hindi tayo nagkiss! Bakit lalo mo pang pinalalala yung sitwasyon! Ano bang gusto mong mangyare?" Hindi ko mapigilan ang inis sa kanya. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang galit ko sa kanya. 

"Anong gusto kong mangyare?" Makahulugan syang tumingin sakin. 

"Bakit ginugulo mo ang lahat?" Anang ko.

Tumayo si Grae at lumakad ng kaunti. "Bakit ginugulo ko ang lahat?" 

"Ano bang problema mo sakin?" Humakbang ako papalayo sa kanya. 

"Anong problema ko sayo?" Sumusunod ang lakad nya sa lakad ko. 

"Umayos ka naman Grae!" Hinintay ko ang isasagot nya sa sasabihin ko pero nanatili lang syang tinitignan ang mukha ko. Grae, wala namang ganyanan. 

Huminga ako ng malalim at kasabay nito ang paghila nya sa necktie ng uniform ko. Napakawak ako sa dalawang balikat nya. 

"Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to." Seryosong litanya nya. 

"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal kong tanong sa kanya. 

"You ruin everything on me. Alam mo ba yon?" Galit ang mata nyang nakatingin sakin. Bawat salitang sabihin nya ay may nais iparating. 

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now