♛―CHAPTER 41―♛

5.1K 175 15
                                    



Aye's Point Of View

"Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mo Grae." Ngumisi si Louie at inilagay pa ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "And besides, hindi ako bumalik dito para manggulo ulit. We're graduating right—"

"Shut the fuck up Louie!" Agad kong hinawakan ang kumuyom na kamay ni Grae. Alam kong anumang oras handa nyang isuntok ang kamao nya sa pagmumuka ni Louie kaya habang hindi nya pa 'yon nagagawa ay pipigilan ko na. Ayokong masaktan sya. Ayokong masaktan si Grae. 

"Woah! Calm down Grae." Tumawa ng pagak si Louie. Napairap naman ako sa hangin dahil sa yabang ng aura nya. Ibang iba na talaga sya sa dating Louie na nakilala namin.

Napatingin naman sa gawi ko si Louie at ngumiti. Tss! "Hi Aye. It's nice to see you again—" Hindi na naituloy ni Louie ang sasabihin nya dahil umalpas sa pagkakahawak ko si Grae at agad na sinuntok ito sa mukha. Nang humarap ulit si Louie'y pinahis nya ang dugo sa nahiwa nyang labi sa lakas ng pagkakasuntok ni Grae.

"Grae!" Hinawakan ko sa damit si Grae at pinigilan sya sa pagwawala.

"'Don't you dare call her name again! 'Wag mo kong pinipikon Louie dahil sa oras na hindi ko na mapigilan ang sarili ko, baka makita mo na ang hinahanap mo!" Galit na bulyaw ni Grae habang kapit ko sya sa braso.

Dumating naman ang mga kaklase ko pati na ang ilang school administrator kasama ang Principal.

"What's happening here?" Tanong ng Principal nang makalapit samin.

Lahat ng kaklase ko pati na si Nikk at Paula ay nasa tabihan namin. Galit ang mga matang nakatingin sa nakangising si Louie.

"Bakit pa pinapasok ang hayop na yan dito sa loob?" Galit na asik ni Grae sa school Principal.

Lumapit samin ang Principal at tumingin kay Grae. "Mr. Soriano please calm yourself down!"

"Seriously Ms. Principal? May gana pa rin kayong papasukin ang lalaking yan matapos ang ginawa nya satin nung event?" Narinig naman namin na nagsalita si Paula. Hindi na rin sya nakatiis dahil sa sobrang inis.

"We can't do anything against it Ms. Castro. Isa sa share-holders natin ang daddy nya—" Nagulat kami sa biglang paghawak ni Grae sa kamay ng Principal. Shit!

"Wala kaming pakialam kung isa sa mga share-holders ng school na 'to ang daddy ni Louie. How much money ba ang gusto nyo?" Nagtiim bagang na sabi ni Grae sa Principal.

Agad naman na inawat ng mga kalalakihan si Grae dahil sa di mapigilang galit nito. Inayos ng Principal ang kanyang damit at hinarap si Grae. "Hindi tama ang ginawa mo sakin Mr. Soriano! Wala kang karapatan pagsabihan ang Principal o kahit sinumang guro na nakakataas sa inyo!" Galit na sigaw nito. "Besides, malapit na rin kayong grumaduate! Hintayin nyo na lang na matapos ang school year na 'to at wala na kayong dapat pang ikabahala! Are you understand?" Malalim na bumuntong hininga ang principal at tinaasan sya ng kilay pero hindi nasindak si Grae. "Bumalik na kayo sa mga klase nyo! Now!"

Napailing nalang kami dahil sa maling desisyon ng Principal na 'yon.

"And you Mr. Salazar, go to my office! I need to talk to you." Dinig naming sabi ni Principal kay Louie. Bago tumalikod si Louie sa'min ay tumingin muna sya sakin at kinindatan ako. Balak pa sanang sugurin ni Grae si Louiepero di nya nagawa dahil hawak sya ng mabuti ni Nikk.

"Tara na." Aya ko sa kanila.

"Bitawan mo nga ako!" Bulyaw ni Grae kay Nikk at agad namang lumapit sakin si Grae pagkatapos ay hinawakan nya ako sa kamay at sabay kaming naglakad papasok sa classroom. Nakita ko naman ang pasimpleng tawa ni Nikk at ni Paula dahil sa inasta ni Grae.

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now