♛―CHAPTER 37―♛

5.6K 210 28
                                    


Ps: Some scenes are not suitable for 13 years old and below. 😊


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Louie...!" Pinipigilan ko sya sa paghalik sakin.

Hindi ko alam kung pano ko sya pipigilan habang hawak hawak nya ang buong mukha ko at pilit na hinahalikan. Halos itulak ko na sya para lang matigil na sya sa ginagawa nya pero parang wala lang yung mga tulak ko sa kanya.

Tumigil sya sandali upang tignan ako. Nakakatakot ang itsura nya ngayon. Ibang iba na sya sa dating Louie na nakilala ko. Ang dating maamong mukha na Louie ay naging mabangis na ngayon. Nang magtama ang aming paningin, umiling iling ako sa kanya para ipahiwatig na ayoko na; natatakot na ko.

Pero parang hindi nya pinansin ang ginagawa kong pag-iyak. Bumaba ang halik nya mula sa leeg ko. Itinutulak ko ang dibdib nya pero nakakapit sya sa sasakyan kaya di ko magawang ilayo sakin. Nang sandaling 'yon, naramdaman kong marahan nyang kinagat ang balat sa leeg ko. Doon na ako nagalit at pwersahan syang itinulak.

"Louie!" Sinipa ko sya papalayo. At sa wakas ay malayo na ang agwat nya sakin. "Tama na please!" Awat ko sa kanya. "Tama na." Nagtaklob ako ng mukha dahil sa sobrang pag-iyak ko.

Sinilip ko sya mula sa kawang ng mga daliri ko, parang balisa sya at gusto nya kong hawakan pero di nya magawa. Panay lang ang tawag nya sa pangalan ko kasama na ng sorry nya. Ano bang nangyayari kay Louie? Nababaliw na ba sya? Bakit nya ginagaw sakin 'to.

Ngayon, pakiramdam ko'y nananakit na ang mata ko dahil sa luha at contact lense na nakalagay dito. Hindi ko naman pwedeng alisin ang contaact lense dahil lalabo ang paningin ko.

Habang balisa si Louie, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para buksan ang pinto ng sasakyan. Dahan dahan ko 'tong binuksan ngunit nang lalabas na ako'y hinawakan nya ang laylayan ng damit ko at pwersahang pinapasok ulit sa loob nito.

"Hindi ka pwedeng umalis Aye! Hindi ka pwedeng bumalik kay Grae!" Sigaw nya habang hawak hawak ang braso ko.

"Louie ano bang nangyayari sayo? Gumising ka na nga!" Malakas ko syang sinampal. Napatigil sya sandali ngunit agad din syang bumawi at hinatak ang braso ko papalapit sa kanya.

"Matagal na kitang pinagpapantasyahan Aye. I don't know why pero parang ginayuma mo ko. Anong ginawa mo sakin ha?" Nanlilisik ang mga mata nya. Pawisan ang katawan.

May gusto na sya sakin? Matagal na? Pero bakit ganito sya umakto? Nakakatakot pala pag inlove ang isang Louie Salazar. "Wala akong alam sa sinasabi mo Louie... pero utang na loob, bumalik ka na sa dati oh."

"Hindi na ako babalik Aye. Kasi alam ko na pag bumalik ako sa dating Louie, babalik ka kay Grae—at yon ang hindi pwedeng mangyari." May galit ang tono ng pananalita nang sabihin nya 'yon. Wala akong ibang nagawa kundi ang pakinggan ang mga binibitawan nyang salita.

"Hindi mo ba alam na minsan ko na ring niligtas ang buhay mo?" Hinihintay nya atang tumugon ako sa sinasabi nya pero wala akong ginawang reaksyon na kahit ano. "I saved you from death. Muntik ka ng mamatay noong mga panahong nakulong ka sa stock room. Remember?" Pagpapatuloy nya sa sinasabi. Nang maalala ko ang pangyayaring 'yon, agad akong tumingin sa kanya.

"Ikaw?" Tanging usal ko.

"Oo ako nga. Kaya dapat sakin ka nahuhulog at hindi sa baklang 'yon!" Sigaw nya sakin.

"Bakla?"

Napahampas sya ng marahan sa upuan at napasabunot sa buhok. "Oo! Bakla si Grae, Aye! Kaya hindi ka dapat sa kanya mapunta kasi sasaktan ka lang nya! Sakin ka dapat Aye, sakin!" Nang walang ano-ano'y hinigit na naman nya ang damit ko at pwersahang inilalapit sa kanya.

Pilit ko naman syang itinutulak para hindi ako mahalikan. "Louie... Ano ba?! Louie! Wag! Wag! Tama na please! Louie!" Tulak lang ako ng tulak sa kanya nang biglang may humatak kay Louie papalabas ng sasakyan.

Naramdaman ko na lang na nagbukas ang pintong sinasandalan ako at nahulog sa mga bisig ng isang lalaki—si Nikk. Agad nya kong niyakap ng mahigpit at sinusubukang pinapakalma dahil pati buong katawan ko ay nangangatog na sa sobrang takot.

"Stop crying. Nandito na kami..." Pinupunasan nya ang luha ko gamit ang mga kamay nya.

Habang pinapakalma ako ni Nikk, narinig ko ang boses ni Grae at ang ilang tunog ng mga suntok. "Gago ka! Papatayin kita!" Agad naman akong naalarma at umalpas sa pagkakayakap ni Nikk.

Pumunta ako sa kabilang pwesto ng sasakyan at pinigilan si Grae. Natatakot akong baka kung anong gawin ni Louie sa kanya.

"Grae! Grae tama na." Hinawakan ko sya sa damit at pilit na pinalalayo sa pagkakasuntok kay Louie.

Ang ilang kasamang pulis nina Grae at Nikk ay nakiawat din. Hawak hawak ng ilang pulis at ni Nikk si Louie, habang ako at ang ilang pulis naman ay nakahawak kay Grae.

Yakap ko na si Grae patalikod habang nakikiawat. "Grae!" Pilit kong sigaw. Ilang sandali pa'y tumigil din si Grae sa pagsuntok kay Louie na duguan na din. Naramdaman ata ni Grae ang mahigpit kong pagkapit sa polo nya.

Hingal na hingal at duguan din syang humarap sakin. Agad nya kong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Binitawan nya ang pagkakayakap sakin. Hinawakan nya ko sa pisngi. "Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo? Sinaktan ka ba nya?" May halong pag-aalala ang tono ng pananalita ni Grae habang tinitignan nya ang bawat bahagi ng katawan ko. Hindi ako makasagot dala ng matinding takot.

Napatingin sya sa leeg ako, agad naman nyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakaharang doon at tinignang mabuti. "Shit." Rinig kong inis na sabi nya.

Binitawan nya ulit ako at agad na sinugod ng suntok si Louie. Nang mapahiga si Louie sa sobrang lakad ng suntok ni Grae ay sinipa nya pa ito. "Gago ka. Ginalaw mo ba si Aye?!" Galit nyang tanong. Hinawakan naman ako ni Nikk para di na makalapit sa kanila.

Tumawa ng pagak si Louie, "Yes..." Naging seryoso ang tingin nito, "Yes Grae! Ang bagal mo kasi, yan tuloy naunahan na kita—" Hindi na ulit pang nakapagsalita si Louie dahil sinuntok nito sa bunganga ni Grae.

"'Wag mong sagadin ang galit ko Louie baka hindi ko mapigilan na patayin ka kahit kaibigan kita." Gigil na sumbat ni Grae habang inaawat na sya ng mga pulis.

"Bakit hindi mo gawin?" Hamon ni Louie.

"Hindi ko gagawin 'yon dahil hindi ako katulad mo." Sagot ni Grae.

Nakuha pang ngumisi ni Louie kahit may mga sugat na sya sa mukha. "Not because you're not like me, it's because you're a gay Grae. Bakla ka! Bakla! Yun ang dahilan kung bakit hindi mo makaya!"

Hindi na ko nakapagpigil pa dahil paulit ulit na lang 'yon ang sinasabi ni Louie. Hindi ako kumawala o nagtangkang umalis sa pagkakaharang ng ilang pulis at ni Nikk sakin. Sumigaw ako, "Wala akong pakialam Louie! Wala kaming pakialam kung bakla o hindi si Grae," Huminto ako saglit dahil lumunok ng laway at bumawi ng hininga. "Ang mahalaga, naging totoo sya, mas nagpakalalaki pa sya sayo... at higit sa lahat, mahal ko sya. Mahal ko sya kasi si Grae ay si Grae..." 

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon