♛―CHAPTER 23―♛

6.2K 258 26
                                    


1 week na ang nakakalipas at balak ko nang pumunta ng guidance office para ibigay ang leave letter ko

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

1 week na ang nakakalipas at balak ko nang pumunta ng guidance office para ibigay ang leave letter ko. Pinag-isipan kong mabuti ang gagawin ko at desidido na talaga ako sa gagawin ko. Mas sasaya ako sa ibang school at hindi malabo iyon. 

Paika-ika akong pumasok sa guidance office. Pagpasok ko, nakatalikod ang teacher na nagbabantay doon. Lalaki pala ang guidance counselor. 

"Good morning sir. I just want to give my leave letter." Ipinatong ko ang papel sa table nya. 

"I'm out. Thank you sir. I enjoy my past days experience here in--" 

"Hindi kita papayagang umalis." Humarap ang lalaking nakaupo sa swivel chair. Nagulat ako nang kuhanin nya ang papel at pinunit iyon. 

Balak kong pigilan sya sa ginagawa nya pero huli na ako. Punit punit na ito. "Ano bang ginagawa mo Grae!" Galit kong tanong sa kanya. 

"Hindi ka pwedeng umalis dito sa school ng ganon ganon lang." Kalma ang boses nya habang pinagdadaop ang kanyang mga palad. 

"Wala kang karapatan para pigilan ako sa desisyon ko." Angal ko habang nakakunot ang noo. 

"Hindi mo pa nababayaran ang utang mo sakin. Hindi ka aalis." Tumayo sya at lumapit sakin. 

Napaamang ako."Babayaran naman kita pag nakaalis na ko dito sa school na 'to." 

"Bayaran mo ko habang nandito ka sa school na 'to. Hindi ka aalis." Nakatingin sya sa mga mata ko at inilapit ng kaunti ang mukha. 

"Inuulit ko, hindi ka aalis." Pagkatapos ng ilang segundo ay humakbang nasya papalayo. 

"Aalis ako anuman ang sabihin mo." Nakatingin lang ako sa sahig habang sinasabi 'yon. 

"Wala--" Naramdaman ko na lang na hinawakan nya ang dalawang balikat ko at pinaharap sa kanya. Napatiyad naman ako sa sobrang lakas ng pagkakahila nya. 

"Kung ano lang ang sinabi ko, yun lang ang susundin mo. Hindi. Ka. Aalis. Maliwanag ba?" Seryoso at parang galit ang kanyang itsura habang mahigpit na hinahawakan ang balikat ko. 

"Ano bang problema mo?" Nananakit ang mata ko at parang gusto na nitong ilabas ang luha ko. Napakababaw talaga ng luha ko. 

"Gusto ko lang na malaman mo na I am your only bully and no one can bully you except me. Naiintindihan mo ba ko?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako. Pero sa totoo lang mas gusto ko pang mabully ako ng isang Grae Soriano kaysa mabully ng dalawang immature na 'yon. Pero paano kung si Grae ang founder kung bakit ako nabubully? Hays. Hindi ko na alam. 

Naramdaman ko na lang na bumitaw na ang kamay nya sa mga balikat ko. Tumingin muli sya sakin bago lumabas. Parang may kakaiba kay Grae. Hindi ko maipaliwanag pero parang meron. 

―✿―✿―✿―

Pumasok na ako sa room, hindi ko alam kung bakit sumang-ayon ako kay Grae na manatili sa school na ito. Hindi ko alam pero parang may iba akong nararamdaman malapit sa dibdib ko. Sa tuwing magsasalita sya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pag kausap nya ko, ang hirap huminga. Pag titignan nya ako sa mga mata, hindi ko maiwasan na mataranta. Ano bang meron Aye? Ano bang nangyayari sayo? 

Pagkalapit ko sa upuan ko, binuhat ko iyon at inilipat sa likod. Mas mabuti na siguro na lumayo muna ako sa tatlo. Ito na lang ang tanging dahilan para mabawasan ang maiinit na tingin sakin ng mga kaklase ko. 

"Guys! Nabalitaan nyo na ba?" Biglang nagsalita ang isa sa mga kaklase ko na si Red. 

"The What?" Tanong namang ng mga kaklase kong babae. 

Wala namang pakiaalm si Nikk at si Louie. Parehas silang nakatuon sa ginagawa nila. Bakante naman ang upuan ni Grae at wala din sya sa klase. 

"Yung scandal sa guidance office?" Hindi ko naman mapigilan ang mapalingon kay Red. Scandal sa guidance office? 

"Scandal?" Ani Yanna sa maarteng tono. 

"Yes. Hindi ko makita kung sino yung dalawang tao sa video. I just saw it on our school page and guess what!" Pagpapatuloy ni Red. 

Nakuha na ni Red ang lahat ng atensyon ng estudyante dito sa loob ng room. Pati si Nikk at Louie ay pareho ng nakikinig. 

"They kissed!" Dagdag pa ni Red. 

"Kissed?!" Gulat na tanong ng mga kaklase ko. Pati ako ay nagulat rin. 

"Yeah! Just check it on the page! Bilisan nyo hangga't hindi pa nabubura ng may-ari. It's kinda cool and hot." 

Isa isa namang dinukot ng mga kaklase ko ang kanilang mga cellphone at tinignan ang school page. Hindi ko mapigilan ang gumaya sa kanila at kinuha ko na din ang cellphone ko. 

Pinanuod ko ang video at ganon na lang ang pagkagulat ko nang makita kong kami ni Grae ang nasa video! Pero hindi kami nagkiss! Walang kissing scene na naganap! It's just edited! 

"Who take this video?" Narinig ko ang malakas na boses ni Nikk habang nakatayo. 

Sumagot si Red at parang nakikipaglokohan pa."Anonymous?" 

Hindi naman namin inaasahan na ibabato nya ang kanyang cellphone sa nakatayong si Red sa unahan. "Kapag tinatanong kita ng maayos, sumagot ka ng maayos. Wag mong hintayin na ako pa ang umayos." Ani Nikk habang seryosong nakatingin kay Red. 

"N-no. Pe-pero parang kilala ko kung sino ang nasa video-- I-I think it's Arriane and Grae." Takot na sagot ni Red. 

Napatingin naman sakin ang mga kaklase ko. Maiinit ang tingin.

Napatayo ako para ipagtanggol ang sarili ko."Hindi!--Hindi kami nagkiss! Walang ganoong pangyayari!" Gigil ko. 

"Seriously? Wala? Pero ano 'tong video?" Tanong ni Yanna. 

"Edited yan! Hindi kami nagkiss!" Pagpapaliwanang ko sa kanila. Mahirap paliwanagan ang mga taong ayaw makinig. 

"Malandi ka masyado!" Banat ng kaklase kong babae na si Chloe. 

"Hindi ako nagsisinungaling!" 

Habang nasa mainit na senaryo kami dumating naman si Grae. Lahat kami ay napatingin sa kanya. 

"What's happening on here?" Tanong nya. 

Napangiti si Yanna. "Hi there Grae. Where here because this nerd and you has a rumor that you and her kissed together. Isn't true?" 

Napatingin naman sakin si Grae matapos ang ilang segundo ay binalik na nya ulit ang tingin kay Yanna. Ngumisi sya at lumapit dito. 

"Do you want an answer?" Tanong ni Grae at biglang napaltan ang ngisi sa kanyang mukha. 

Ngumiti lang si Yanna bilang sagot. 

"When I tell you the answer, could you stop mess up with that nerd?" Itinuro nya ako. 

"Seriously?" Napamaang si Yanna. 

"I don't want to repeat what I've said. Just answer my question or I'll mess up with you." Seryosong sabi ni Grae habang nakikipagtitigan kay Yanna.

"O-okay fine!" Sagot ni Yanna. 

Ngumisi si Grae at pagkatapos naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Nasa harapan ko sya at tinignan nya ko bago tumalikod. "Yes. We've kissed."



―✿―✿―✿―  

Author's Note: 

Hello AnFiKoBa Readers, kailangan ko ng suggestions. Please comment. Huhu. May nagbabasa pa ba? Tuloy ko pa ba? Comment is highly appreciated. Huhu.

Ang Fiance Kong Bakla?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora