♛―CHAPTER 46―♛

4.3K 131 19
                                    

||Aye’s Point of View||


“Huwag na lang kaya akong sumama. Hindi naman ako ang date mo.”

Pilit ko pa ring sinasabi kay Grae ang kagabi ko pang paulit-ulit na pagtanggi. He want me to be with him and be his date for that elegant party. Party para lamang sa mga espesyal na tao, mayayaman at sikat.

Nalaman ko rin sa kan’ya na para kay Ymarie ang magaganap na party. She graduated and finally she became a certified doctor at nagtapos sa America. Siguro nga napakaganda at makinis ng buo niyang katawan, she’s a doctor. She knows how to care her skin and preserve her beauty. Naku-curious na tuloy akong makita ang mukha niya. I wonder if Grae will also fall in love with her. Hindi na siya gaya ng dati. Buo na siya. He’s totally grown up and he’s really acting like a real man.

“I said no,” binalingan niya ako ng tingin at hinawakan ang kamay kong kanina pang hindi mapakali habang nakapatong sa hita ko. Nasa driver’s seat s’ya samantalang nasa passenger seat naman ako. “Ayokong iwanan ka sa boarding house ng nagseselos,” sinamaan ko siya ng tingin. “Tsaka, gusto kitang ipakilala sa kan’ya; sa lahat.” Tumingin siya sa mga mata ko pagkatapos at ngumiti.

Bumuntong-hininga ako at ipinatong ang isang kamay ko sa kamay n’yang nakapatong sa isa ko pang kamay. “Oo na.” Asik ko sa kan’ya sabay pisil sa ilong niya.

Inalis naman na niya ang pagkakahawak sakin at ibinalik sa manebela ang dalawang kamay. “You look gorgeous,” Muli akong napatingin sa kan’ya.

Napanguso ako nang makita kong nakatingin naman siya sa daan at hindi naman sakin. “Paano mo nasabi? Hindi ka naman nakatingin sa’kin.” Maang ko sa kan’ya

“Even if I’m not looking at you, you’re still beautiful.” Pakiramdam ko naman ay uminit ang buong mukha ko ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya, bugkus ay hinampas ko siya sa braso.

“Inuuto mo lang ako, e!” Sigaw ko sa kan’ya. Buti na lamang ay nakisama sakin ang boses ko. Akala ko kanina mauutal ako. I don’t know, I still get unconcious when I’m with him.

“Aww!” Hinawakan niya ang kan’yang braso. “I’m just telling the truth. Ang arte nito.” Tumatawa pa niyang usal.

Hindi ko naman na siya pinansin at tumingin na lamang sa may bintana. Hindi na rin naman niya ako kinulit pa at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.

Ilang sandali pa, napatingin ako sa suot kong dress. It is a gold glittering silk dress na hindi lalampas sa pinaka paa ko. Hubog na hubog nito ang katawan ko at naalala ko pa kanina na hindi ako masyadong komportableng isuot dahil fitted. Hindi naman sa mataba ako, I just feel uncomfortable because I don’t have larger boobs and larger butt. I am so NBNB, no boob, no butt, just a flat.

Natawa rin sakin si Paula dahil halata sa dress na maliit lamang ang dibdib ko kaya pinahirap niya ako ng push-up bra para naman magkaroon ng kahit kaunting umbok man lang. And now, I still feel a little bit of uncomfortableness.

My hair? Kulot ang dulo nito at nakalugay. Hindi na rin inayusan o nilagyan pa ng kung ano ano ni Tami. She just make it simple, even my make up. Simple lang rin. Ayaw niyang kapalan dahil baka magmukha raw akong bakla.

All in all, I think, maganda naman. I am looking good. Wala dapat akong ika-concious.

“We’re here.” Napatingin ako kay Grae nang ianunsyo niya na nakarating na kami sa patutunguhan namin.

“Ang bilis naman,” takang asik ko sa kan’ya. Hindi naman na s’ya nagsalita at inalis na ang seat belt na nakakabit rito pagkatapos ay naunang bumaba ng sasakyan.

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon