♛―CHAPTER 9―♛

9.5K 314 6
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Buti na lang may nakasabay akong lola kagabi, nabawasan kahit papaano yung takot ko na maglakad mag-isa sa highway. Lintik na Grae kasi yan! Napakawalang modo! Anak ba talaga sya ni Tita Gina? Hays! Ewan! 

"Tami, pupunta lang po ako kina Paula."-paalam ko kay Tami habang inaayos nya yung mga gagamitin nya papunta sa Parlor. 

"Anong gagawin mo kina Paula, Aber?"

"Naghahanap po kasi kami ng weekend jobs. Masyado na rin po kasing malaki yung gastos natin sa school kaya naisipan kong humanap ng panandaliang trabaho tutal wala naman po akong ginagawa tuwing weekends."-mahabang litanya ko kay Tami. 

Napakunot-noo si Tami ng tumingin sakin."Diba dapat pagweekends pahinga mo na yon. Pati hindi mo pwedeng pagsabayin ang pag-aaral mo tsaka yang trabaho. Baka maabala ang pag-aaral mo."

Sinunggaban ko ng yakap si Tami."Tami, sisiguraduhin ko pong hindi maaapektuhan ang pag-aaral ko. Brainy kaya ako."-sabi ko sabay turo sa utak ko. 

Mahina akong kinurot ni Tami sa pisnge. "Osige, pinapayagan na kita, basta wag kang mag-o-overtime para may oras ka pang magpahinga."

Lumaki ang ngiti sa mukha ko."Talaga po! Sige Tami. Ingat po kayo sa byahe! Bye!"

--

Habang hinihintay ko si Paula sa park, naggala gala muna ako. Bat ba kasi ang tagal ng bruhang yon. Lagot yon sakin mamaya. 

Napapunta ako sa may kid's playground kaya naman umupo nalang ako sa sea saw. Namiss ko tuloy yung childhood memories ko. Nang itutulak ko na ang swing, may biglang tumulak sakin kaya napasubsob ako sa lupa. Nakaramdam ako ng hapdi sa palad at tuhod ko. Nang lingunin ko kung sino ang walang kwentang taong gumawa non--syempre hindi na ako nagulat.

"Masakit ba?"-tanong ni Ella habang tinitignan akong nakahandusay sa lupa.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo?"-akmang tatayo ako pero pinigilan ako nina Yanna, sinipa nila ang balikat ko kaya natumba ulit ako.

"Hmmm, wala ka namang kasalanan. Naiirita lang kami sa pagmumukha mo."-sagot ni Yanna.

Napangisi ako."Baliw na talaga kayo no? Pati ako pinagtitripan nyo. Walang wala na ba?"

"Aba't sumasagot ka pa ha. Gusto mong masampal?"-gigil na lumapit si Ella at akmang sasampalin ko ng heels nya.

Hindi ko naramdaman yung pagpalo ni Ella kaya muli akong nagmulat ng mata. Nakita ko na lang na hawak ni Nikk ang braso ni Ella. Anong ginagawa nya dito?  

"N-nikk?"-nauutal na saad ni Ella habang nakatingin kay Nikk. 

"Parang nagiging marahas ka na ngayon Ella?"-nag-tsk si Nikk at muling nagsalita."Di ko inaasahan na nananakit ka na pala ngayon ng taong walang kalaban laban."

Bakit? Hindi ba obvious sa mukha ni Ella na hindi sya nananakit? Sabagay, mukha ka namang inosente ang mukha ni Ella. 

"A-ahh, No. Mali ka ng iniisip Nikk."-pagtatanggol ni Ella sa sarili nya. 

"Mali ako ng iniisip? "-ngumiti si Nikk ng makahulugan. "Sa susunod na makita kong nananakit pa kayo ng walang laban na estudyante, hindi na ako magdadalawang isip na sabihin ito sa guidance office."

Huh? Bakit pinagtatanggol ako ngayon ni Nikk eh nung nakaraan lang lintik nya ko kung asarin? May sa demonyo ba ang lalaking 'to o ano? 

Mabilis na tumakbo sina Ella ng sabihin iyon. Natawa pa ako ng matapilok si Yanna sa bilis ng pagtakbo. 

Nang tatayo na ako ay may biglang lumahad ng kamay sa harapan ko. Ha? Ano bang meron sa kanya?  Sobrang naninibago na ko ha. 

Ang Fiance Kong Bakla?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon