♛―CHAPTER 20―♛

6.6K 239 7
                                    

"Malayo pa ba?" Inip na tanong ni Grae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Malayo pa ba?" Inip na tanong ni Grae. 

Kokonti pa lang yung nalalakad namin nagrereklamo na agad sya. First time ba nyang maglakad? 

"Malapit na tayo sa highway. Wag kang mag-alala." Sagot ko kay Grae.

"Ikaw ba? Pagod ka na ba? Pwede naman tayong magpahinga." Ani Nikk.

Ngumiti ako. "Hindi na. Mas maganda kung maglakad na lang tayo kesa magpahinga."

Habang naglalakad kami may dumaang jeep. Agad akong pumara doon.

"Paraaaaa! Para po!" Sigaw ko sa driver.

Tumigil naman ito sa harap namin. "Manong byaheng green village ba 'to?"

"Hindi Hija pero doon din ang daan ko pag umuwi na ko sa bahay. Sasakay ba kayo?" Tanong ni Manong.

"Opo! Salamat po!"

Tinignan ko ang itsura ng dalawa. Pilit ang ngiti sa labi ni Nikk habang si Grae naman ay halatang ayaw na ayaw sumakay.

"Tutunganga o sasakay?" Tanong ko sa dalawa.

"Pfft." Ani Grae at nauna ng pumasok sa loob.

Kakaunti lang ang pasahero ni Manong. Mga labing-isang pasahero lang kasama na kami. Gabi na din kasi kaya walang masyadong pasahero.

"I fucking hate to try this ride." Hindi pa rin magtigil si Grae sa pagrereklamo.

Napatawa ako. "Masayang maka-experience ng bago, magpasalamat ka na lang kasi may nasakyan pa tayo--"

"Shut up. Kasalanan mo kung bakit nasa ganitong sitwasyon tayo." Galit nyang sagot. Mahina lang iyon pero nakatingin samin ang mga pasahero.

"Okay. I shut it na." Nagmustra akong isini-zipper ang bibig at humarap na sa unahan.

Ilang minuto na din kaming nagbabyahe. Halos antukin na ako dahil sa haplos ng hangin sa mukha ko, pipikit na sana ako nang biglang magpreno si Manong. Nagulat naman kami nang makarinig kami ng lagabog.

"Fuck! Did you know how to stop the break right?!" Galit at inis na sigaw ni Grae habang nakaluhod sa sahig ng sasakyan.

Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa ako sa kanya.

Napaismid ako. "Bat kasi hindi ka kumakapit?"

"Bro are you okay?" Natatawang tanong ni Nikk.

"Stop laughing Nikk." Ani Grae at umayos na ng upo.

"Dito ka na ba bababa?" Tanong ko kay Nikk.

"Yes. Malapit na naman dito ang compound namin."

"Sige. Ingat na lang." Sabi ko at bumaba na sya.

Pinaandar na ni Manong ang sasakyan at nang makalipas ang ilang oras ay unti unti ng nagsibababaan ang mga pasahero. Kami na lang tatlo ang natirang nakasakay sa jeep, si manong, ako at ang nag-aalburotong si Grae. 

"Hey!" Binasag ni Grae ang katahimikan sa paligid. 

Nilingon ko sya sa likod. "Bakit?" 

"I'm not comfortable here. Pakiramdam ko mahuhulog ako. Change sit." Walang karea-reaksyon nyang sagot pero makikita sa galaw ng kamay at paa nya na nangangatog sya. Nasa hulihan kasi sya ng jeep na malapit sa akyatan at babaan ng pasahero. 

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Gusto kong tumawa pero baka lalo syang magalit. "Sandali, lalapit ako." Humawak ako sa bakal at tumulay papalapit sa kanya. 

Malapit ko na syang maabot nang biglang pumreno na naman si Manong. "Waaaaah!" Sigaw ko ng mapabitaw ako sa bakal, akala ko maglalagapak na ako sa sahig ng sasakyan pero mabilis na nahagip ni Grae ang braso ko. 

"Ano ng nangyari dyan?" Tanong ni Manong. Napatingin si Grae kay Manong at nang bumalik ang tingin sakin ay binitawan na lang ako bigla. Ang sakit sa pwet! Shit!

"Hey you, damn fuck! Magdahan dahan ka nga sa pagpreno! Are you going to kill us?" Sigaw ni Grae kay Manong. Mabilis akong tumayo para pigilan ang bastos na bibig ni Grae.

"Pst Grae! Manahimik ka." Bumaling ako kay Manong. "Pagpasensyahan nyo na po ang bibig nya Manong. Dito na lang po kami bababa. Salamat po." 

"Osige. Ingat kayo." Ani Manong. 

Parehas na kaming bumaba ni Grae. Masyado ng nakakahiya kay Manong, pero hindi lang kasi yon ang dahilan kung bakit mas pinili ko na lang na umalis sa jeep. Para kasing masisira na yung jeep ni Manong, mabilis syang magpatakbo at malakas din syang magpreno. Mas gusto ko pang maglakad dahil malapit na naman yung compound nina Grae kesa mamatay habang nakasakay doon sa jeep. 

"Bat tayo bumaba? It's too far to my house!" Sigaw nya. 

"San mo gustong sumakay? Sakin o kay Manong?" Tanong ko sa kanya. 

"Pfft! None of the above, parehas byaheng heaven ang pupuntahan nyo." He smirk and started to walk. 

Napaismid naman ako sa sagot nya at sumunod na akong maglakad. 

Habang naglalakad kami, nakakita ako peryahan. "Uy! May perya pala malapit dito!" 

Hindi nag-abalang sumagot si Grae at sa halip ay tuloy tuloy pa rin sa paglalakad. Hinigit ko ang damit nya. 

"Fuck! Don't touch my shirt!" Sabi nya at mabilis na inilayo ang sarili mula sa pagkakahawak ko. "What?" Tanong nya. 

"P-pwede bang pumunta tayo sa perya--" 

"No!" Mabilis nyang sagot at tumalikod na ulit. 

"Please! Saglit lang! Sasakyan ko lang talaga yung Ferris Wheel! --Kahit bawal!" Sigaw ko sa kanya. 

Totoo. Bawal akong sumakay sa Ferris Wheel pero gusto kong i-try. Mabilis akong atakihin ng asthma kapag occupied, mataas at wala masyadong hangin ang isang lugar. Pero pasaway ako pagdating sa Ferris Wheel, tsaka dala ko naman ang inhaler ko. Gusto ko lang talaga makita ang buong tanawin. 

"Bawal ka na nga, ipipilit mo pa! Let's just go home. I don't have time for that bullshit." He said while walking. 

"Masarap ang bawal!" Sigaw ko. 

Lumingon sya. "Then try it with your own. Hindi ka na bata para samahan pa kita." 

"Brrr!" Tanging sagot ko na lang. Ano nga bang magagawa ko? Hindi kami close at hindi ko rin sya mapipilit sa ayaw nya. Okay fine, kung ayaw nya edi wag. Ako na lang. Mas masaya kung ako mismo ang haharap sa takot ko. 

--

Pumunta na ako sa peryahan, alas syete palang naman, isang tricycle lang nasa bahay na ako nina Grae. Nabalitaan ko na din si tita patungkol sa mga ginagawa ni Grae, hindi ko na lang sinasama yung mga kalokohan ni Grae para naman ma-enjoy ni tita at tito ang isa't isa. 

"Manong magkano po ang isang sakay sa ferris wheel?" Tanong ko sa holder ng ticket. 

"50 pesos lang." Sagot nya at iniabot ang isang ticket. 

"Salamat po." Lumakad na agad ako papuntang ferris wheel. 

Natural lang ang ganda ng ferris wheel, hindi sya kataasan tignan kapag nasa baba ka pero hindi ko lang alam pag nasa taas na ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natural lang ang ganda ng ferris wheel, hindi sya kataasan tignan kapag nasa baba ka pero hindi ko lang alam pag nasa taas na ako. Kayanin ko pa ba o walk out na? 

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng isa sa mga upuan nito. Nang mapatingin ako sa gilid ko ay nagulat ako. 

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. 

Halata din naman ang pagkagulat sa mukha nya. "Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" 

Balak ko na sanang bumaba ng ferris wheel pero isang dipa na pala ang taas ko mula sa lapag. Hala! Bababa na ako!

Ang Fiance Kong Bakla?Where stories live. Discover now