♛―CHAPTER 26―♛

6.5K 257 9
                                    

Nalaman nina Tita Gina ang nangyari saamin ni Grae kaya mabilis silang umuwi dito sa Pilipinas

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Nalaman nina Tita Gina ang nangyari saamin ni Grae kaya mabilis silang umuwi dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na ako ang may dahilan kung bakit kami napunta ni Grae sa ganoong sitwasyon. Pilit kong sinisisi ang sarili ko pero ang sabi naman ni Paula at ni Nikk na kasalanan ito ng taong nagtrap at naghagis ng canned smoke samin. 

Iniimbistigahan na sa school kung sino ang nagtangkang gumawa niyon. Desidido na ba talaga silang patayin ako? Siguro kung wala doon si Grae, malamang patay na ako. Isa lang naman ang kilala 'kong tao na intensyon talagang patayin ako at mabura na sa mundo. Pero hindi ako pwedeng manghusga na lang. Kailangan ko syang tanungin. Kailangan na din matigil nito. Hindi na kasi nakakatuwa. 

Hinanap namin si Yanna at si Ella sa campus pagkadating namin galing sa hospital, kasama ko si Paula. Ayoko sana syang isama para iwas damay na din pero sabi nya damay damay na 'to. Pumunta agad kami sa room para tignan kung nandun nga sila. 

Nakita agad namin si Yanna at Ella na nagkukwentuhan habang nagtatawanan kasama ang mga barkada nila. Lumapit naman agad ako sa kanila.

Normal lang ang boses ko ng banggitin ko ang pangalan nya. "Yanna." Tumingin sya sakin."Pwede ba kitang makausap?" 

Tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa at ibinaling na ulit ang atensyon sa mga kasama. Nakasinghap naman ako sa inasta nya. Lalapit na sana ako sa kanya nang biglang lumapit si Paula at hinigit papataas ang braso ni Yanna kaya napatayo ito sa kinauupuan nya. 

"Ano bang problema mo?" Galit na tanong ni Yanna kay Paula. 

"Wag ka kasing bastos kausap! Pasalamat ka mabait pa ko nito, kausapin mo yung bestfriend ko." Sabi ni Paula habang tinataasan ng kilay si Yanna. Gusto ko itong pigilan sa ginagawa nya pero hinahawi nya lang ang mga kamay ko. 

"Wala akong oras para kausapin kayo. So, remove your fucking dirty hands on me." Ani Yanna at inalis ang kamay ni Paula sa kanyang braso. 

Hindi ko naman pinatagal pa ang gusto kong sabihin kaya dinaretso ko na sya."May kinalaman ka ba sa nangyari samin?" Sinalubong ko ang mga tingin nya sakin. 

Ngumisi sya at dahan dahang tumawa ng pagak."Bat ko naman gagawin 'yon?" 

"Yun na nga e, anong naiisip mo para gawin mo yon?" Wala pa ring nagbabago sa boses ko, pilit kong pinakakalma ang lahat para hindi uminit ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa.

"Pinagbibintangan mo ba 'ko?" Halata sa boses nya ang inis. Lumapit sya ng bahagya at masinsinan akong tinignan. 

"Hindi kita pinagbibintangan, nagtatanong lang ako." Tangi kong sagot. 

"Sa paraan ng pananalita mo parang inaakusahan mo na ako ang gumawa ng trap na 'yon. Wag mong isisi sakin ang kalandian mo Aye. Dinala mo sya don, baka nga ikaw pa ang nagplano ng lahat ng 'yon." Inirapan nya ako bago tumawa. "Nice plan."

Sumugod naman agad si Paula kay Yanna."Aba't talagang iniiba mo pa ang kwento ha! Ba't ba ayaw mo pang umamin? Kinakain ka na ba ng pagiging insecure mo sa bestfriend ko?!"

"Paula tama na." Angil ko.

"Anong tama na? Hindi, Aye. Sumusobra na 'tong impaktang 'to. Papatulan ko na talaga 'to."

"See? Wala akong ginagawa. Ako ba dapat yung katakutan o itong bestfriend mo? Tsaka, ano naman intensyon ko para gawin yon?" Sabi ni Yanna.

"Nilalamon ka na nga kasi ng pagiging inggitera mo kaya pati buhay ng kaibigan ko, gusto mo ng mawala! Nagegets mo na siguro ako no? Kung hindi pa, kingina! Ang tanga mo." Gigil na gigil na sabi ni Paula.

Pumalakpak si Yanna."Bat naman ako mai-insecure sa bestfriend mo? And duh, hindi ako pumapatay. I don't waste my time para sa mga ganyang bagay. Hindi din kainggit inggit ang bestfriend mo. Wala sa katawan ko ang pagiging makati at mapagpanggap, hindi tulad ng bestfriend mo na 'nerds kuno'." 

"Tapos ka na ba?" Tanong ko kay Yanna. "Kung tapos ka na, ako naman." Hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin sya. Ewan ko ba kung bakit kating kati ang kamay ko na ihampas ito sa pagmumukha ni Yanna. Napunta siguro lahat ng galit ko sa kamay ko.

"How dare you? Bakit mo ko sinampal?" Tanong ni Yanna habang hawak hawak ang namumula nyang pisngi. 

"Dapat ba ipagpaalam ko muna sayo?" Nakangiti kong sagot. 

"Iniinis mo talaga ako no!" Sasampalin nya sana ako pero hinawakan ni Paula ang kamay nito. 

"Subukan ko lang malaman na isa ka sa gumawa nito, lalaban na ako Yanna. Hinding hindi na ako papatalo sayo at kung ano man ang ikinagagalit mo sakin, pwede bang wag mo ng idamay ang iba?" Sabi ko sa kanya bago hinila ang kamay ni Paula at paika-ikang lumabas ng silid. 

--

"Dapat kasi ako na ang pinasabunot mo sa impaktang 'yon." Ani Paula at gigil na gigil pa rin habang naglalakad kami papunta sa bahay nila. 

"Mali ba yung ginawa ko?" Bigla na lang lumabas 'yon sa bibig ko.

Napakunot naman ang noo nya."Anong mali sa ginawa mo? Natatanga ka na naman Aye kung iniisip mong kasalanan mo ang lahat--" 

"Pano kung wala nga syang kinalaman dito?" Agad kong tanong sa kanya. 

Binatukan nya ko dahil doon."Sabi na nga ba, natatanga ka na naman." Aniya at tumigil kami sa paglalakad. "Sino pa ba ang kilala mong maaaring gumawa nito bukod sa impaktang 'yon? Diba wala? Sya lang naman yung inggit na inggit sayo dahil nina Grae diba?" 

Hindi ako makasang-ayon sa sinabi ni Paula, sa halip ay bumuntong hininga ako."Paano kung hindi pala ako yung target?" 

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya. "Pero malabo kasi 'yon Aye. Bakit usok? Bakit alam nya kung nasan kayo? Bakit alam nya na kapag may usok o occupied yung area, dun ka matitigok? Niligtas ka lang ni Grae kaya buhay ka pa ngayon." 

Ginulo ko na lang ang buhok ko at napatungo."Hay nako ewan ko ang gulo!" 


"Hay nako ewan ko ang gulo!" 

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

 

"Arghh!" Hinagis ko lahat ng gamit na nakikita ko sa harapan ko.

"Yanna, that's enough! Hindi naman nila nalaman." Sabi ni Ella habang inaawat ako sa pagwawala. 

"Tumahimik ka! Yang bibig mo, gusto mo bang tapyasin ko yan, ha!" Sabi ko sa kanya. 

"Tumigil ka na kasi. Alam mo bang nadamay din si Grae dahil sa ginawa mo?" Dagdag pa nya.

"Hindi ka ba talaga titigil? Diba sabi ko tumahimik ka! Baka may makarinig sayo, ang tanga tanga mo talaga!" Halos ingudngod ko na sya sa sink ng comfort room."Walang pwedeng makaalam kasabwat tayo sa pagpaplano non! Naiintindihan mo ba ako?" 

"Gotcha." Bigla kong nabitawan si Ella nang may biglang magsalita at magbukas ng pinto ng comfort room. "Mas magaling kang umarte kesa kay Aye. Muntik mo na kong mapaniwala don Yanna." 

Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko."Wh-what are you-- wait, mali ka ng pagkakaintindi, Louie. Let me explain." 

Ngumisi sya."Wala ng kwenta ang sasabihin mo sakin Yanna. I already heard the truth."



✿―VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU!―✿


Ang Fiance Kong Bakla?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ